AMNESIA
Sa wakas! Naayos na rin ang bisekleta ko. Hapon na at naisip kong umalis dahil nakakasigurado akong nandun na sila Mama sa mansyon. Baka nga mayari yung mga trabahador dahil sa'kin. Kawawa naman kung sakali.
"Hmm, caleb? Ano kase... uh, kailangan ko nang umalis. Baka kasi hinahanap na ako sa bahay." Paalam ko
"Ihahatid na kita."
Napatingin siya sa tuhod ko. Ngayon niya pa lang napansin na may sugat ako.
Pumunta siya sa sasakyan at may kinuha lang saglit. Pagbalik niya, may dala siyang kulay blue na band aid at may design na rabbit. Nagulat ako nung lumuhod siya sa harap ko at inilapat ang band aid sa sugat ko.
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay pulang pula ang mukha ko sa ginawa niya. May mga iilang lalake ang nakatingin sa aming dalawa.
"Ayan. Okay na.. sorry ulit."
Sigurado naman ako na ito na ang huli naming pagkikita. Napangiti na lang ulit ako.
Gusto niya akong ihatid pero nagpumilit ako na kaya kong umuwing magisa. Ayaw ko na makaabala pa sakanya. Nagmamadali nga ata siya kanina pero dahil sa akin... natagalan pa siya.
"Aalis na ako. Salamat pala! Sorry ulit!" Paalam ko sabay padjak sa bisekleta. Hindi ko na inantay ang sagot niya, nagmamadali na rin talaga ako.
Pagdating ko ay naka bukas ang malaking gate ng mansyon, kinabahan ako. Iniwan ko lang yung bisekleta sa gilid ng fountain at nagmadaling pumasok sa loob.
Nakaupo silang lahat sa salas at nagtatawanan. May mga bisita pala sila. Lumapit bigla si Mama sa kinatatayuan ko.
"Anak, bakit ka may sugat? Sabi ng pinsan mo nasa koral ka ng mga kabayo pero wala ka naman dun. Saan ka galing?" Alalang tanong ni Mama
Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko. Pinadiretso niya ako sa kwarto para magpalit. Kung alam ko lang na may mga bisita pala, sana hindi ako umalis. Nakakahiya tuloy!
Naligo ako para mawala ang dungis na natamo ko kanina. Nilinis ko ang sugat ko, buti na lang ay may band aid dito sa kwarto ko.
Sinuot ko ang dilaw na flowy dress na niregalo ni Mama sa akin nung nag 18 ako. Naglagay ako ng kaonting make-up. Naisip ko ulit ang sinabi ni Mama, sinabi ni Micah na nasa koral ako ng mga kabayo? Eh, wala naman akong sinasabing ganon sakanya, but thanks.
Pagkababa ko ay natigil ang kanilang usapan. Sinensayan ako ni lola na lumapit sakanya para ipakilala sa kanyang bisita.
"Summer, this is your Lolo Albert. Bestfriend siya ng lolo mo." Pakilala ni lola sa bisita nya
Nagmano ako kay Lolo Albert.
"Lalong gumanda ang apo mo, Amanda. Bagay na bagay sila ng apo ko." Nagtawanan silang dalawa.
Si Mama ay nakitawa rin. Samantala, si sunny naman ay nakasimangot. Gutom na naman 'to.
"Lola, andito na po siya!" Masayang sabi ni Micah.
Pinasadahan niya akong tingin, bumeso kay Mama at nagmano kay Lola at Lolo Albert.
Sino naman yung tinutukoy niya?
Nagulat ako noong biglang pumasok yung lalaking nakabanggaan ko... Si Caleb 'yon, ah!? Anong ginagawa niya rito?!
Nauna sila sa garden para doon kumain ng dinner.. Nagkatinginan kami ni Caleb at nginitian ang isa't isa.
"Halika na dito Caleb. Tabi tayo, a!" Biglang hatak ni Micah kay Caleb. Ansama ng tingin ni Micah sa akin. Boyfriend niya ba si Caleb?
Bago namin simulan ang salo salo ay ipinakilala ako ni Lolo Albert kay Caleb...
"Apo, siya si Summer. Ang apo ni Lola Amanda mo."
"Ah, hello Summer." Sabay lahad ni Caleb ng kanyang kamay.
Inabot ko ang kanyang kamay at nginitian ko siya. May amnesia agad?
Nang matapos ang salo salo ay tuloy pa rin ang kwentuhan nila Lola.. Si Mama naman ay dinala na sa taas si Sunny na antok na antok.
Hawak hawak ko ang phone ko at kinukunan ng mga litrato ang buong palid... At biglang lumapit sa akin si Caleb..
"Galit ka ba? I assumed na hindi nila alam na lumabas ka ng bahay. Your eyes widened when you saw me a while ago. Kaya I acted like I didn't know you." Aniya
Natatawa ako dahil naalala ko yung naisip ko kanina na 'yun na ang huli naming pagkikita.
"Summer Rose Asuncion, right? Hindi talaga ako naalala?" Tanong niya
"Huh? Kanina diba. Nagkakilala tayo?" Pagtataka ko.
"You really don't recognize me at all. Ako 'yung kalaro mo noon. Tinulak mo nga ako sa ilog, eh, hindi naman ako marunong lumangoy." Natatawa pa siya habang kinuwento iyon.
Napanganga ako sa sinabi niya. Naalala ko na! Sinong maga-akala na siya yung patpating bata na kalaro ko noon? Ibang iba na siya ngayon! Katawan at itsura pa lang. Tanda ko na hindi man lang ako nag sorry sakanya kahit na halos ikamatay niya ang ginawa ko. Mabuti na lang at nandun yung pinsan niya kaya nasagip siya agad.
"Kamusta na ang sugat mo?" Tanong niya
Bago ko pa masagot ang tanong niya ay lumapit na si Micah sa amin.
"Caleb, namiss kita. Kwentuhan tayo dito."
Hindi ko alam kung bakit biglang nagiba ang asta ng pinsan ko. Siguro nagseselos dahil iniisip niya na aagawin ko ang boyfriend niya?
Ang hirap basahin ng ekspresyon ng mukha ni Caleb ngayon. Inisip ko tuloy kung anong tumatakbo roon. Tumingin ako sa pinsan ko na inaantay ang pagupo ni Caleb sa tabi niya.
"Sige, Caleb. Papasok na ako sa loob. It's nice to see you again. Sorry pala kung tinulak kita noon ah." Sabi ko.
Ako na mismo ang kusang umalis para hindi na mag selos 'tong pinsan ko. Para akong sinasaksak ng mga titig niya habang naglalakad ako palayo.