ENTRANCE EXAM
"Wala akong kasalanan! Wala kang alam kaya pwede ba manahimik ka!" Sigaw ko
"Wala akong kasalanan!"
"WALA AKONG KASALANAN!"
Nagpatuloy ang pagsigaw ko upang ipagtanggol ang sarili sa mga mapanghusga nilang mata.
Pagod na pagod na ako sa lahat ng mga binabato nila sa akin! Alam ko, kahit anong sabihin ko ay hindi sila maniniwala.
"Really? Wala kang kasalanan? Sinong niloloko mo Summer? Galos lang ang nakuha mo samantalang si Clyde. Lasug-lasog ang katawan at halos hindi makilala. Really?" Sarkastikong wika ni Aya.
Lumapit ang grupo niya sa akin at pinagtulungan nila akong lahat. Pinagsasampal nila ang mukha ko at pilit nila akong hinuhubaran, tinadjakan sa tiyan nung matangkad na babaeng kasama ni Aya. Nagtawanan silang lahat, halos hindi ako makahinga sa sobrang sakit noon. Ang mga lalaki naman ay nag hihiyawan sa tuwa at nanunuod lamang
"Tama na tama na. Maawa kayo sa'kin... Please... wala akong kasalanan." Pagmamakaawa ko sakanila
Hindi sila nakuntento at ginupit nila ang mahaba kong buhok at tuloy ang magkabilang sampal na natatanggap ko mula sa mga palad nila.
Vini-video-han ako ng isang kaibigan ni Aya. Tawanan lang nila ang naririnig ko. Miski ang sarili kong boses ay hindi ko na marinig...
"TAMA NA!"
"Summer, anak! Gising! Gising!" Nagpapanic ang boses ni Mama habang niyuyugyog ang katawan ko.
Panaginip lang iyon? Butil butil ang pawis sa noo ko.
Niyakap ko nang mahigpit si Mama habang humahagulgol ako. Napanaginipan ko naman ang nakaraan. Hindi ko alam paano ako tatahan dahil nanginginig ang katawan ko sa takot.
"Anak, listen to me. Wala kang kasalanan. Napatunayan na natin 'yon, hindi ba? Inosente ka. Anak, tama na." Pilit akong kinalma nimama, tinatapik ang likod ko..
Buti na lang nandito si Mama. Baka mabaliw ako kung wala siya, natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit napanaginipan ko na naman yung pangyayare na 'yon. Gusto ko na yun makalimutan...
Inosente ako, inosente ako.
I didn't kill my bestfriend... Aksidente iyon. Aksidente!
Napagusapan na namin nila Lola na dito ako sa Las Huelva magtatapos ng pag-aaral. Ang sabi niya ay ma-ayos na ang mga papel namin ni Sunny sa paaralan na papasukan namin. Ang kailangan na lang ay pumunta ako roon para makapag entrance exam. Isang taon na lang naman at gagraduate na ako. Hindi na rin masama.
Hindi ko pa nakikita ang itsura ng lilipatan ko. Bukas na raw ang start ng enroll-an kaya maaga akong pupunta roon para maasikaso ko na ang lahat. Kilala naman ang North Cara International College, kaya siguradong magagaling ang mga studyante at professor doon. Ang alam ko ay dun din nagtapos si Mama at Lola.
Hinatid kami ni Micah ng aming driver. Isang linggo na ang lumipas matapos ang salo salo at ngayon niya na lang ako nginitian. Wala naman akong pakealam kung ayaw niya sa akin. Basta wag niya lang din ako papakialaman.
"So... mauuna na akong mag enroll, Couz. Galingan mo na lang sa exam." Aniya.
Dumiretso siya sa mga kaibigan niyang nakatingin lamang sa akin.
Nakikita ko na pinagtitinginan ako ng ibang mga kalalakihan dito sa University. Nagayos talaga ako ngayon araw, dahil gaya ng sabi ni Mama 'first impression last.'
Pumunta agad ako sa registrar para mag tanong kung saan ako puwedeng kumuha ng entrance exam.
Tinext ko na yung driver na sunduin ako sa gate ng school, tapos na akong mag enroll. Hindi rin naman sasabay sa akin si Micah at may gala raw sila ng mga kaibigan niya.
Habang naglalakad ako sa lobby ay may lalakeng sumulpot sa harap ko at sinabayan akong maglakad.
"Hi. Bago ka rito 'no? Ngayon lang kita nakita eh." Bati niya
"Oo." Tipid kong sagot, wala ako sa mood makipagusap sa kahit na sino.
"I'm Jacob Fuentes. Kung kailangan mo ng taong magiging tour guide mo rito sa school... andito lang ako." Preskong sabi niya sabay kindat.
Tinignan ko siya. Hula ko ay isa itong member ng basketball team. Sa gwapo niyang 'yan at sa presko kilos? Tiyak akong playboy 'to.
Hindi naman nakakainis ang presensya niya. Nagmamagandang loob lang din naman siya?
Ngumiti ako. Kanina pa nakaabang si Mang Ruel, driver ko. Nung nakita niya ako ay binuksan agad nito ang pintuan ng fortuner.
"Salamat ulit sa offer mo. I'm Summer. Sige alis na ako." Hilaw ang ngiti ko.
Dumiretso na ako sa loob ng sasakyan at tinitignan si Jacob na kumakaway.
So far so good...
Bumuntong hininga ako at pinagmasdam ang dumidilim na kalangitan.
Clyde should be living his best life... malas lang niya at nakilala niya ang katulad ko. I miss him.