KABANATA 6

843 Words
SUMMER MOMENTS   Maagang natapos ang klase ko kaya tumambay muna akong library. Pumwesto ako sa thesis area para walang makaistorbo sa akin. Nag text si Micah at sinabing  gagabihin siya nang uwi. Malamang kasama na naman niya ang barkada niya. Kumuha akong isang poetry book para naman ay malibang sa pag tambay dito. Mahilig talaga ako magbasa ng mga ganito. Minsan ay nagsusulat akong tula o di naman kaya mga kanta. Sabi rin ng friends ko sa dati kong school ay dapat sumali ako sa mga pa-contest ng school tulad ng 'Original song writing contest' Isang beses akong naglakas loob kaso ay natalo ako. Bale, second place lang. Masaya naman din at naka-experience ako ng ganong bagay. "Hey! I've been looking for you. Dito ka lang pala pumunta. Tinanong ko sila Janna, sabi bigla ka na lang daw nawala."  Nagulat ako sa biglaang dating ni Jacob at tumabi pa sa akin. "So, you like poetry huh? That's nice! Actually, mahilig din ako magbasa niyan." Tuloy pa rin siya sa pagsasalita. Isinara ko ang libro at tinignan siya. "As you can see nagbabasa ako. Pero dahil ang kulit mo, tinamad na akong magbasa." Pagtataray ko. Misyon yata niya na inisin ako. Abot tenga ang mga ngiti niya dahil nagtagumpay siya. Nainis ako! Hindi ko na siya pinansin at tumayo na ako. Pumunta ako sa baggage counter para kunin ang bag. Mabuti at hindi siya nagsasalita pero nakabuntot pa rin naman siya sa akin. Ang plano ko ay maglakad lang pauwi para makapag exercise. Nakakamiss din maglakad lalo na kapag hapon.  Pagdaan namin sa lobby ay nakasalubong namin ang ka-varsity ni Jacob. "Dude, may bagong chic ka na naman, ah?" Bati nung isang lalake, nakipag apir sa kasama niya. Naghiyawan sila at nagkatuwaan kaya binilisan ko ang paglalakad para makaalis dun. Naiilang ako. Ang lalagkit ng tingin nung ibang mga lalake sa akin. Kinuha ko ang earphones sa bag paglabas ko ng campus. Pinatugtog ko ang paboritong kanta namen ni Clyde Naudlot ang pagawit ko sa biglaang paghatak sa earphones ko. Lumingon ako para suntukin kung sinong gumawa noon, kaso bago ko pa siya masuntok ay napigilan niya agad ang kamao ko. Laking gulat ko na si jacob pala 'to.. "Summer..." Aniya "Kanina pa kita.. tinatawag. Sasabay ako sayo." Tumatagaktak ang pawis niya. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at agad na inabot sa kanya. Di naman nakakapagtaka kung bakit marami na ang napaiyak nito. Mas gwapo siya kapag pawisan at pagod ang itsura. Parang hindi naman yata makatarungan yun! Tuwing may game sila, siya ang bukang bibig ng mga babae.ya. Hindi ako assuming pero alam kong pinopormahan ako nito. 'Di naman 'to mag papakahirap ng ganito kung kaibigan lang ang turing niya sa akin, eh. Sa dami niyang kaibigan, 'di na niya kailangan ng isa pa.  Sa dami ko na naging exes at flings noon, alam na alam ko mga galawang ganito. Magpapasikat sa una tapos kapag nai-kama na ay halos isuka ka na. "Ang bilis mo naman maglakad. Kanina pa ako tumatakbo mahanap ka lang."  Inirapan ko na lang siya. Ibinalik ko sa loob ng bag ang earphones ko. Ayaw ko siyang makasabay pero hindi naman ako bastos para ipagpatuloy ang pakikinig ng kanta habang may kasama. Nagpatuloy ako sa paglalakad at tahimik lang din siya sa likod ko. "Ba't wala kang sundo? Maglalakad ka lang ba talaga? 'Diba malayo pa yung hacienda niyo?" Pangungulit niya Kumunot ang noo ko, "Meron. Pero hindi ako nagpasundo. Oo, maglalakad lang ako. At oo, malayo pa ang hacienda ng lola ko." Sagot ko. Eto na nga ba ang sinasabi ko, eh! Gusto ko lang naman na tahimik ang buong paglalakad ko. Kung alam ko lang na mangyayare 'to edi sana nagpasundo na lang talaga ako! "Sungit." bulong niya. "Tss! Pwede bang sumabay ka na lang sa paglalakad ko at lumapit ka naman kahit papano. Para ka kasing bodyguard." usal ko. Nakakainis naman kase! "Ayos lang din na mag mukha akong bodyguard mo. Ayaw mo no'n? May gwapo kang bodyguard?" Aniya at dali-daling lumapit sa akin, sinabayan ako sa paglalakad. Ang hangin din talaga niya magsalita 'no? Pero imbis na mainis ako ay natawa na lang ako sa kanyang sinabi. "Ba't ka pala sasabay sa akin? Magkaiba naman tayo ng bahay." Tanong ko. Ngayon ko lang naisip na baka mas malayo pa ang uuwian niya kesa sa'kin, pero pinili niyang sabayan ako. Iba rin 'tong playboy na 'to, ah. Ma-effort! "Oo nga. Gusto ko lang makasabay kang umuwi." Sagot niya. Gusto kong tumawa ngayon. Kung ituring niya ako ay para akong batang paslit. Tingin ba niya na ganon ako ka tanga ako para hindi malaman na inuuto niya ako? Akala naman siguro niya ay madadala ako sa mga paganyan ganyan. "Alam ko na alam mong loko loko ako. Pero sana alam mo na interisado ako sa'yo kaya gusto kitang makasama ngayon." Sabi niya sabay bumuntong hininga. Tiningala ko siya para tignan ang mata niya pero tumingin naman siya sa langit at ngumiti. Aha! Hindi ito makatingin sa'kin kaya 'yan tumingala! Hay nako! Eto na naman tayo sa laro. Pero kung gusto niyang maglaro... game ako. At sisiguraduhin kong ako ang mananalo. "Moments..." Bulong niya. "Someday, this is the kind of moments that I will surely love to look back... My summer moments with you, Summer."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD