I'M SORRY
Akala ko magiging madali ang paglalakad ko pauwi. Malayo nga talaga ang mansion mula sa university. Bad idea! Kanina pa ako nanghihina sa daan. Nakailang ulit ding offer si Jacob na pasanin ako. Walang bakas sa mukha niya ang kapaguran.
Alam ko na naman na walang wala pa 'tong paglalakad kumpara sa training niya sa basketball.
Sumimpleng sulyap ako sakanya para tignan kung pagod na ba siya.. Sinisipa-sipa na niya 'yong mga bato habang nakangiti. Parang bata. Binagalan ko ang lakad ko at sinipa rin yung bato sa kalsada. Tuluyan nang nawala si haring araw.
Kinagat ko ang pangibabang labi ko at tumingin sakanya.
"Dito ka na mag dinner. Pagod ka e." Anyaya ko
"Really? Uh, sige!"
Pansin ko na nagdadalawang isip pa siya kung dito nga talaga siya mag didinner. Tsk! Ano? Nasaan ang tapang mo? Gusto mo makipaglaro 'diba?
Pinagbuksan kami ng gate ni Manong Bruce at dumiretso sa loob. Inililibot ni Jacob ang kanyang mga mata sa buong lupain.
"Anlaki pala talaga rito... kwento-kwento ng mga tao na kayo raw may pinakamalaking lupain sa Las Huelva. Totoo nga..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano naman kung malaki ang lupain namin? Tumakbo ako papalapit sakanya at hinigit ang suot niyang jacket.
"Bilisan mo kaya! Hindi naman mawawala 'yang tinitignan mo kaya pumasok ka na rito!" Pagtataray ko.
Bumitaw ako sa pagkakahawak sa jacket niya noong nakapasok kami. Pinaupo ko muna siya sa salas para makapag pahinga man lang.
"Hay! Salamat naman. Anlayo pala talaga ng bahay niyo. Hindi ka ba napagod?" Iginapang niya ang kanyang kamay sa kanyang buhok.
"Napagod. Sige, ikukuha lang kita ng maiinom." Napakamot na lang ako sa aking noo habang nag mamartsa papuntang kusina.
Nakalimutan kong itanong kung ano ang gusto niyang inumin. Buti na lang at may orange juice rito sa ref. Sana naman umiinom siya nito. Mukha namang hindi pihikan ang isang iyon at wala rin naman siyang karapatang mag-inarte dahil pamamahay naman namin ito.
Pagbalik ko sa salas, nakita ko si Micah na nakatayo sa harap ni Jacob na nakikipag usap.
"Bat ka nandito, Fuentes? You're not welcome here." Nagkibit-balikat si Micah. Tumayo si Jacob para sumagot.
"Bisita ko siya, Micah. Is there a problem?" Lumapit ako sa kanilang dalawa para mamagitan. Nagsisimula na naman ang pinsan ko sa mga kaartehan niya.
"Oh. That's cool." Hinawi ni micah ang kanyang mahabang buhok sabay alis.
Sinundan ko lamang siya ng tingin sa gigil ko sakanya. Sarap niyang batukan. Anong problema no'n?
"Sums, I'll go now. Para wala nalang gulo." Tinapik ni Jacob ang aking ulo at umalis.
Ibinaba ko ang tray na hawak at mabilis na hinabol si Jacob.
"Jacob!" Natigil ito sa paglalakad at nilingon ako.
Tinakbo ko ang distansya naming dalawa. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.
"Namiss mo agad ako, Sums?" Nangiinis na tanong niya.
Tinaas ko ang kaliwang kilay ko, "Please don't call me sums." Sabi ko. "Sorry sa inasta ng pinsan ko. Dito ka na mag dinner. Pinahanda ko na mga pagkain kila Manang, eh."
Ako ang nahihiya sa pambabastos ng pinsan ko. Kung isa man ang pinsan ko sa listahan ng mga babaeng naloko niya, hindi pa rin tama ang ginawa niya lalo pa't bisita ko siya.
"Marami pa namang next time. Isa pa, gusto ko kapag makikilala ako ng pamilya mo gusto ko presentable ako." Aniya. "Pero.... sa susunod. Dito talaga ako mag di-dinner. Or kahit saan. Basta ba naman kasama ka."
Natawa ako. Tinampal ko ng balikat niya, natawa na rin siya. Okay din pala na kasama ko siya. Kahit alam kong kalokohan lang mga sinasabi nyia, aaminin ko na natutuwa rin naman ako sa lakas ng loob na meron siya.
"Sige, aalis na ako ha? Lumalamig na kaya pumasok ka na. Bye, My Summer!"
Napailing na lamang ako.
Nakatulala ako sa fountain nang imihip ang malamig na hangin. Lumalamig na nga kaya minabuti kong pumasok na sa loob.
"May bisita ka raw apo?" Tanong ni Lola, matalim akong tinitignan.
Ang bilis namang malaman. Ano kayang pinagsasabi ni Micah kay Lola para tignan ako nang ganito?
"Yes, Lola. I asked him to have dinner with us kaso..." Sinamaan ko ng tingin si Micah.
Bahagyang napaawang ang bibig niya. Akala ba niya magpapa-api lang ako sakanya? Hell no! Wag na wag niya akong kakantiin dahil mas maldita ako sakanya.
Bago pa man syia makapagsalita ay inutusan na ni Micah yung private nurse ni Lola para ipasok na sa kanyang kwarto.
Nang makaalis sila Lola ay dahan dahan akong nilapitan ni micah. Nakatuon ang masasama niyang titig sa akin. Hindi ako nagpatalo at ginantihan ko ang mga titig niya. Sa wakas at lumalabas na rin ang tunay niyang ugali!
"Summer, pwede bang wag na wag mo akong sisiraan kay Lola." Nagtaas siya ng kilay at nagkibit balikat.
Umiling ako. "Wala naman akong sinabi, ah? Hindi ko alam kung anong problema mo sa akin. Naiinggit ka ba?" Diretsahan kong tanong na ikinainis niya.
Halos sumabog na siya sa sobrang galit na nararamdaman laban sa akin. Humalakhak lamang siya.
"Bakit ako maiinggit sa'yo? Di hamak naman na mas angat ako sa'yo." Pagyayabang niya. Ang yabang yabang!
Nagpigil akong galit at ayaw kong ma-disappoint na naman sa akin sila Mama.
"Inggit ka sa akin, eh.. dahil ako... tunay akong apo ni Lola Amanda. Eh ikaw? Napulot ka lang naman nila Tito sa basurahan. Kaya wag kang magmatapang dito." Hindi ko alam pero bumigat ang pakiramdam ko nung sinabi ko iyon.
Maluha luha ang mga mata ni micah. Binangga niya ang balikat ko at tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Mali! Mali yung sinabi ko! Gusto ko siyang sundan para humingi nang tawad. Lumagpas ako sa limitasyon ko!
I'm sorry, Micah....