MABAIT PERO BORING
Hindi ako pinatulog ng konsensya ko. Maaga pa lang ay bumangon ako para mag libot-libot dito sa hacienda. Gusto ko rin masilayan ang pagsikat ng haring araw para mas sumigla ako.
Itinali ko ang aking buhok. Nagpalit ako ng jacket at track pants para hindi ako ginawin sa labas. Tinignan ko ang itsura ko sa whole-body mirror sa walk-in closet.
Naisip kong sa garden muna ako mag punta. Dito kinukuha nila Mama ang mga bulaklak na ibinebenta nila sa bagong business niyang flower shop sa bayan. Isa-sa kong inamoy ang iba't-ibang uri ng bulaklak na nakapaligid doon. Iba iba ang kulay, itsura at ganon din ang kanilang mga amoy.
Binati ako ng mga hardinero na nagdidilig roon.
"Maganda umaga po."
Tumango ako at nginitian sila. Nagpatuloy ako sa pagi-ikot. Sa lawak ng hacienda, baka anong oras pa ako matapos.
Unti-unting sumilay ang araw. Ang ganda talaga ng sunrise sa probinsya. Walang mga sagabal na buildings o wires. Kitang kita mo ang ganda nito at salong salo ang sinag ng araw. Napangiti na lamang ako sa galak.
Umupo ako sa upuang gawa sa kahoy sa ilalim ng matayog at matandang puno para makapagpahinga. Hindi pa rin napapawi ang mga ngiti sa labi ko ng biglang tumunog ang phone ko.
Unknown number:
Good morning, summer! Have a nice day!
Agad na kumunot ang noo ko sa pagtataka kung sino ang nag text na ito..
Reply:
Good morning too! Who's this?
Bago ko pa ibalik sa aking bulsa ang phone ay tumunog itong muli.
Unknown number:
Jacob handsme Fuentes :)
Ngumisi ako. Ang feeling!
"Good morning, anak! Kaya pala wala ka sa kwarto mo eh. Hinanap kita." Ani mama.
"Ate! Ate! Sana sinama mo ako." Nakanguso si sunny, pinapadyak ang mga paa sa sahig.
Para talagang bata.. ay oo nga pala! 9 years old lang pala siya. Napahinto ako nung dumaan sa likod ni Mama si Micah. Hindi man lang niya kame pinansin o binati. Alam ko galit pa rin sya sa akin. Naalala ko na naman ang mga sinabi kong masasakit na salita sa kanya. Malamang ay dinadamdam niya pa rin ito.
Tanghali na at ako na naman ang naiwan dito sa mansyon. Si Mama ay pumunta na sa bayan kasama si sunny, si micah naman ay pumunta sa bahay ng kaibigan nya.
Pumunta ako sa isang silid dito sa mansyon na sabi ay library. Napaka alikabok dito sa loob. Napa-ubo ako dahil sa pagkalat ng mga alikabok na sumasama sa hangin habang hinihipo ko ang mga lumang gamit doon. Ganito ang itsura na madalas kong makita sa mga horror films.
Nagpatuloy ang paghipo ko sa mga libro papa-ikot sa buong silid. Kung ano ano na lamang ang tumatakbo sa isip ko. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganoong kalumang libro. Kaidaran siguro ito ni lola o baka mas matanda pa.
Binuksan ko ang malaking kurtina para masinagan naman ng araw ang buong silid. Mas naakita ko ang kalumaan at kagandahan nito.
Maganda rin ang tanawin mula rito sa library. Kitang kita ang mas malalawak na lupain. Hindi nga lang ito pagmamay-ari ni lola.
Lumingon ako para kumuha na sana ng aklat na gusto basahin, laking gulat ko na nasa labas ng pintuan si lola. Halos lumabas ang puso ko sa gulat ko. Nakangiti siya at inikot ang gulong ng wheelchair papasok sa silid.
"Gusto sana kitang makausap, Summer. Andito ka lang pala sa dating opisina ng lolo mo."
"Ah.. bakit wala pong naglilinis dito?" Tanong ko
Nawala ang masayang awra ni lola kanina at napalitan nang lungkot. "Simula nang namatay ang lolo mo, hindi ko na pinagalaw ang kwartong ito. Kung ano ang ayos nito noon ay ganito pa rin ngayon." Malungkot na aniya.
"Sorry po lola. Dapat hindi na ako pumasok pa rito." agad akong pumunta sa likod ni lola para sana itulak ang wheelchair niya.
"Apo, ayos lang. Lahat ng ito ay pagmamay-ari mo." Pagpigil nya sa'kin.
Pumunta kami sa kwarto niya para doon mag-usap. Hindi ko alam kung patungkol saan ang pag-uusapan namin. Inilapag ng kasambahay ang paboritong tea ni lola at orange juice naman para sa'kin, pagkatapos ay umalis din.
"Narinig ko ang pagtatalo niyo ni Micah kagabi..." Panimula niya
"Hindi ko gusto ang mga sinabi mo sa kanya, apo. Kahit kailan ay hindi ko tinuring na ibang tao siya. Apo ang turing ko sa kanya. Hindi ko inaasahan na sa'yo manggagaling ang salitang 'yan." Mahinahon niyang pagkakasabi.
Pumatak ang luha mula sa mata ko. Gusto kong mag laho muna at mag pakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Alam kong mali ang ginawa ko. Mali na naman ako. Aminado ako roon. Kahit gaano pa kalala ang gawin sa'kin ni micah ay hindi sapat na dahilan 'yon para ipamukha sakanya na hindi siya kabilang sa pamilya.
Nagpatuloy lang ang pag-iyak ko. Nakayuko ako. Hindi ko kayang tumingin kay lola sa ngayon.
"Tahan na, apo.. naiintindihan kita. Paumanhin kung nasaktan ko ang kalooban mo. Wala akong tinitimbang kung sino ang mas mahal ko. Mahal ko kayo parehas. Ayaw ko lang na hindi kayo magkasundo. Bata pa lang kayo ay marami na kayong hindi pagkakaunawaan. Wag na lang sanang maulit ito, Summer. Wag na sana dumating sa punto na mag kasakitan kayo." Lumapit si lola para patahanin ako.
Humihikbi lang ako. Ininom ko ang orange juice sa harap ko at niyakap si lola na ngayon ay nasa tabi ko.
"Lola... S-Sorry po kung na-disappoint na naman kayo sa'kin... Lola sorry talaga. Hindi ko naman po sinasadya. Pinagsisihan ko naman po." Pagsusumamo ko.
Mahigpit ang pagkakayakap ko kay lola. Dinig ko ang mahinang pagtawa niya at niyakap din ako pabalik.
Namumugto pa rin ang mga mata ko galing sa pag-iyak. Nagpaalam ako kay Lola na bibisita ako sa shop ni Mama at tumulong kahit papano. Ayaw ko sana magpahatid sa driver kaso nagpumilit si Lola. Para daw ay ligtas akong makarating doon.
"Ma'am, dito na po tayo."
"Ah.." tumango ako.
Binuksan ng driver ang pintuan. Maganda ang pwestong napili ni Mama. Lagi akong napapadaan dito sa bayan sa tuwing papasok ako pero hindi ko naisipang maglibot libot dito. Parang sa manila lang. Maraming ihaw ihaw at karinderya. Mga batang masayang naghahabulan. Haayyy nakakamiss.
"Ate! Ba't ka andito? Wala ka bang assignments?" Si Sunny.
"Wala..."
"Bakit?"
"Wala eh."
"Bakit nga?" Pangungulit nito
"Ang kuliitt mo. 'Di mo gets yung wala?" Pagtataray ko.
"K!"
Tumigil na ito sa pangungulit. Pumasok ako sa shop para batiin si Mama. Sa tuwing susulyapan ko si Sunny ay iniirapan ako. Hindi ko na lang pinatulan dahil kasalanan ko naman dahil ako ang mas naunang pumatol.
"'Nak gusto mo ba mag ikot-ikot muna sa bayan? Wag kana muna tumulong." aniya.
"Mama... ayaw mo ba ako rito? Sabihin mo lang aalis ako." pagbibiro ko.
Inirapan niya lang din ako at nagtawanan sila ni Sunny. Bahagyang napaawang ang labi ko dahil pinagkakaisahan na naman nila ako. May pumasok na costumer kaya naging abala sila.
Sinenyasan ako ni Mama na umalis para maglibot libot. Sinunod ko na lang siya kung ayun ang gusto niya.
"Ma'am, uuwi na po ba tayo?" Tanong nung driver.
"Hindi. Mauna na po kayo. Sasabay po ako kilala mama."
Kanina pa ako naglalakad matapos kong puntahan yung simbahan. Nakaramdam ako ng gutom. Hile-hilera ang mga ihawan dito. Paborito ko ang mga ito lalo ang isaw at betamax. Lalo akong natatakam kakaisip.
Pumwesto ako sa isang barbeque-han na kanina ay pinipilahan. Siguro naman masarap dito.
"Ate! Limang order ng isaw tsaka betamax!" Sigaw ko.
"Paki tusta na rin ate."
"Ate paki tusta!"
"Oo. Hindi ako bingi." Nainis na ata sa kulit ko.
Napakamot na lang ako sa aking noo. Hays! Lahat ata naiinis sa'kin ngayon ah.
"Ang kulit mo kase nainis tuloy sayo..."
Tiningala ko yung lalakeng nag salita para malaman kung sino 'yon. Napansin niya atang nagulat ako sa pag dating niya kaya napangiti siya. Cute!
"Ate! Limang order nga ng isaw at tsaka betamax!" Sigaw nito.
"Ate paki tusta ha?"
Hindi pa rin nasagot yung babae. "Ate! paki tu-"
"Sabing hindi ako bingi eh. Ang kulit nyong dalawa! Bwiset. Magsama nga kayo!"
Nagkatinginan kami ni Caleb. Palabiro din pala itong tao na 'to! Imbis na matawa ay napahanga lang ako. Mukha kase siyang hindi marunong magbiro, mukhang mabait pero boring ang dating.