KABANATA 9

782 Words
APOY Kumalas ako sa tinginan namin. Hindi ko man nakikita ang mukha ko ramdam ko ang pagkapula nito. Nakakahiya! Baka isipin niya na may gusto ako sa kanya! Natahimik kami ng ilang sandali. Dumating na rin yung order naming inihaw. Inilapag iyon nung tindera kasama ang sawsawang suka. Natakam ako sa amoy. "Mahilig ka rin pala sa mga inihaw." Nakangiting aniya. Tumango ako nang bahagya. "Oo naman. Mukha ba akong pihikan?" May diing pagtanong ko. Narinig ko ang pigil na tawa niya. Napapamangha talaga ako kapag nakikita ko siyang ganito. Parang gusto ko na lamang siyang pag masdan buong araw. "Ikaw nagsabi niyan, Summer." Natatawang aniya sabay subo sa isaw na hawak. "Okay." Sabi ko. Summer Rose Asuncion umayos ka! Nakakahiya ka! Paulit ulit kong paalala sa'king sarili. Lagi akong kinakabahan kapag kasama siya kahit pangalawang beses pa lang namin itong pagkikita. Tumayo siya at kumuha ng tubig para sa aming dalawa. "Thanks!" "Pupunta ako sa perya ngayon. Gusto mo bang sumama?" Tanong niya. Natagalan bago ako sumagot. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasama ba ako. Baka may magawa na naman akong hindi maganda. Mapahiya pa ako. "Sige, kung hindi ka pwede. Ihahati-" "Hindi... Sasama ako!" Napalakas ang pagkakasabi ko no'n. Nabigla ata siya. "Chill." Gusto kong sampalin ang mukha ko ngayon. Wala pa nga kami sa perya, eh, pinapahiya ko na agad sarili ko. Kainis! Itinigil niya muna panandalian ang sasakyan sa tapat ng perya at luminga-linga para tignan kung may bakanteng pwesto sa parking space. Diretso lang ang tingin ko sa bintana. Natutukso akong titigan siya kaya minabuti kong libangin muna ang sarili ko. Nauna syang bumaba at agad naman akong pinagbuksan ng pinto. Gentleman talaga. Inabot ko ang kamay niyang inilahad sa'kin para maalalayan ako pababa. Pinagpapawisan ako ng malamig. Paano ko naman malilibang ang sarili ko kung siya rin naman ang kasama ko sa paglilibang? Hay nako! Napairap na lang ako sa kawalan.  "Okay ka lang ba?" Tanong niya. Tumango ako at nginitian siya. "Oo naman. First time kong makapunta sa perya eh." "Really? Mas maganda pala kung ganon. Ililibot kita rito." "Kita mo 'yun?" Sabay turo niya sa caterpillar na napaliligiran ng mga led lights. "Diyan tayo unang sasakay." Para siyang batang kumawala sa nanay dahil mas excited pa ata siya sa'kin. Madami dami rin ang mga taong sumasakay dito. Pumwesto kami sa pinaka unahan. Hindi naman gaanong kasikip ang upuan dahil pandalawahan naman ito. Pero bakit ganon? Pakiramdam ko ay pinipiga ako. Hindi ako makagalaw ng ayos. Nawala na ang kabang nasa loob ko kanina. Hindi ako na-inform na may mga nananakot pala sa loob ng booth! Magugulatin pa naman ako. Hindi ko napigilan ang tumili habang si Caleb ay tawa nang tawa sa tabi ko. "Matatakutin ka pala, Summer. Kung alam ko lang, noon pa sana tinakot na kita." Nanunuyang aniya. Imbis na mainis ay parang baliktad ata. Kinikilig ako. Patay na naman ako nito! "A-Ah... Buti nga kung ganon." Nakaramdam na naman ako nang pagkailang sa sitwasyon. Naglakad lakad lang kame sa buong perya. Kanina pa niya ako inaaya sa ibang rides pero tinatanggihan ko. Tinuro ko ang isang bench malapit sa bingo-han. Nauna akong naglakad papunta roon. Nagulat ako nang hindi pala sumunod si Caleb sa'kin. Bumilis agad ang t***k nang puso ko. Naga-alala ako. Kinakabahan. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. May naalala ako... "Summer, favorite mo 'tong ice cream na cooki-" Nabitawan ni Caleb ang dalawang ice cream na hawak niya at tumakbo papalapit sa'kin. Napatingin ako sa kanya. Nagaalala ang itsura niya kaya tumahan na rin ako. Basta ko na lang naramdaman ang lungkot sa puso ko. Ewan ko rin sa sarili ko. Dapat masaya lang ako ngayon. "Anong nagyare? May nambastos ba sa'yo?" Tanong niya. Ramdam ko pa rin ang pagaalala niya. Marahan niyang pinunasan ang mga luha sa pisnge ko.  "W-Wala. Sorry." Sagot ko. Hindi ko siya matignan. Ayaw kong kaawaan niya ako. Ayaw kong kaawan ako ng kahit sino. "S-Saan ka ba kasi pumunta?" Bigla kong naitanong. Napatakip ako sa aking bibig. Ba't ko ba sinabi 'yun! Hindi naman niya ako responsibilidad. Lumapit siyang muli sa'kin at hinawakan ako sa ulo. Mukha akong girlfriend niya na nagtatampo dahil kulang sa atensyon. Marahan niya akong hinatak papalapit sa kanya at niyakag ako. Kahit na paliligiran kami ng mga tao ay pakiramdam ko ay kami lang ang na roon. Nanigas ang katawan ko sa yakap niya. Mainit sa loob ng bisig niya. Gusto ko na lang manatili sa ganoong posisyon. "Sorry. Pangako, simula ngayon, hindi na kita iiwan pa." Bulong niya sa tenga ko. Halo halo ang emosyong nararamdaman ko. Lungkot, takot, kaba, ligaya, pangamba... lahat sila ay naging iisa. Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa'kin. "A-Ano k-kase... hindi ba girlfriend mo ang pinsan ko?" Tanong ko. Suminghap muna siya ng hangin at tsaka sumagot. "Hindi ah. Kaibigan ko lang siya." Natatawang aniya. "Wala akong girlfriend. May nagugustuhan lang." Ang kanyang mga ngiti ay parang apoy na unti unti akong tinutupok hanggang sa ako'y maging abo na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD