KABANATA 10

1520 Words
AGORA RIVER Kanina pa ako nakababad dito sa bathtub. Tumatakbo pa rin sa isip ko lahat ng sinabi ni Caleb. Hindi na raw niya ako iiwan pa? Ano ibig niyang sabihin doon? Mababaliw na ata ako kakaisip sa lahat ng nangyare kanina! Damn! Umahon na ako sa bathtub at pinatuyo ang katawan. Suot ang paborito kong pajama na oggy and the cockroaches ang disenyo. Kanina pa ako kumikilos pero wala pa rin ako sa sarili. Umupo ako sa tapat ng salamin sa vanity table. Hay nako! Nanlulumo ako. Kung pwede ko lang ibalik ang pangyayare kanina para wala na akong iniisip pa ngayon. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko sa drawer ang necklace na regalo sa'kin ni Clyde noong 18th birthday ko. Hiyang hiya ako nang tanggapin ko 'to dahil alam kong mamahalin 'yon. Silver necklace na may bilog na pendant na nakaukit ang initials namen ni Clyde. SC. Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko. Agad ko rin 'yon pinunasan tsaka isinuot ang kwintas. Ito na lang ang alaala ko kay Clyde. Sinunog na kase ni Mama lahat, eh. Mga sulat niya sa'kin, pati damit na regalo niya, kasama ang mga pictures namin. Pinagtalunan namin ni Mama ang nangyare na 'yon. Pero sabi niya para naman daw 'to sa ikabubuti ko. "Couz, pwede ba tayong mag-usap?" Kumatok si Micah sa pinto. Kahit na nasa loob ako ng walk-in closet ay rinig ko ang boses niya. Pinagbuksan ko siya. Walang pakundangan na pumasok si Micah kahit na hindi ko pa siya pinapapasok. Lakas ng loob! Tinignan ko lang siya na walang kahit anong ekspresyon ang mukha. Dumiretso siya sa balkonahe. Bago pa man ako makapag tanong kung ano ang gusto niyang pag-usapan ay pinangunahan na niya ako. "Nakita ko kayo ni Caleb. Saan kayo nag punta?" Tanong niya na hindi ako tinitignan. "Sa perya." Tipid kong sagot. "Ah." "Ayun lang ba?" Malamyang tanong ko. "Meron pa." Agad niya akong tinignan. "Gusto kong layuan mo si Caleb. Para walang gulo." Bakit? Hindi naman niya paga-ari si Caleb para palayuin ako sa kanya. "Bakit? Girlfriend ka ba niya?" Kita ko ang pagkainis sa mukha niya. Alam kong sa pagkakataong ito ay gusto niya akong sampalin. Sige lang, para itulak ko siya sa kinatatayuan niya. Tumaas ang kanang kilay niya. Magkakagulo na naman ba? "Hindi. May Jacob ka na di'ba? Ang landi mo naman kung pati si Caleb ay didikitan mo rin." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Sa itsura mo, mukha ka talagang malandi." Walang ano ano'y sinampal ko agad siya. Kulang pa yung sampal na 'yon para sa galit na nararamdaman ko. Hindi ako malandi at wala akong nilalande! "LUMABAS KA SA KWARTO KO!" Sigaw ko. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Nakanga-nga pa rin siya. "LABAS!" Sa gulat nIya ay napatakbo sIya palabas sa kwarto ko. Tss! Magtatapang tapangan ka, eh wala ka naman palang binatbat. Ngumisi na lang ako. Ayaw ko sa lahat ay yung sinasabihan akong malandi lalo na kung hindi naman totoo. Oo, marami akong nakarelasyon noon. Papalit palit ako. Pero ni isa sa mga 'yon ay hindi ko inakit. Sila ang kusang lumalapit. Kapag nasa relasyon ako, kahit kailan wala akong pinag sabay. Siguro naman natauhan na siya. Nakahanap siya ng katapat niya! Narinig ko na tumutunog ang phone ko sa vanity table.. Tumatawag si Jacob Handsome Hernandez... Sinagot ko ang tawag. "Hello, my Summer!" Masayang aniya. "Ang sigla mo naman ata? Anong meron?" Tanong ko. Isinarado ko ang pinto at dumiretso na sa kama. "Wala naman." "Gusto ko lang marinig boses mo" Pinapakinggan ko lang ang boses niya. "Pati ba naman boses mo ipagdadamot mo sa'kin, Sums?" Natatawang aniya. "Ah." sagot ko. Kusang napapapikit ang mga mata ko dahil sa antok. "Goodnight, Sums. Salamat dahil sinagot mo tawag ko. Naging okay ako. Bye, my Summer." Namatay na ang call. Gusto kong itanong sakanya kung anong ibig sabihin ng sa sinabi niya. Kaya lang ay hindi ko na nalabanan ang antok. Nagmadali akong bumangon dahil sobrang late na ako sa klase. Napagkasya ko sa 30 minutes ang lahat ng kailangan gawin. Hindi na rin ako nakapag make-up pa. Para akong lumilipad sa bilis kong kumilos. Binati ko na lang sila Mama at lola pagkababa ko. Gutom ako pero hindi ko na ininda 'yon. "Uy ang aga mo Summer ah! Ang aga mo para sa next class." Nangiinis pa si luis. Sabay sabay silang nagtawanan. Kumpleto naman ang barkada pero hinahanap ng mata ko si Jacob. "Si Jacob ba?" Ani Abby. "Lah! Hindi no." Iling ko. Tinignan nila akong lahat na para akong may ginawang krimen. Naniningkit ang mata ni Janna habang inilalapit ang kanya mukha sa akin. "Ano ba kasi..." "Sus. Ba't mo ba kasi hinahanap?" Ani Markus. "Hindi nga!" "Neknek mo!" Ani abby. Nagtatawanan na naman sila. Tinalikuran ko na lang sila at umambang aalis. Wag nila akong iinisin, ah. Gutom ako. Ibang magalit ang taong gutom. Nako nako! Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag na agad ako ni Janna. "HOY MATAMPUHING SUMMER!" "SUMMER!" Hindi ko na lang sila pinansin pa. Nakailang tawag na sila sa'kin pero hindi ko sila nililingon. Nagri-ring ang phone ko sa bag kaya napatigil ako sa paglalakad para kunin 'yon. "Bakit ba!?" Iritang tanong ko. "Sorry. Busy ka ba?" Pagtingin ko sa phone ay unknown number pala. Akala ko sila Janna... "Sorry. Sino ba 'to?" Takang tanong ko. "Caleb.. hindi ko kase nahingi ang number ko kagabi. Kaya kay Micah ko na lang hiningi." Aniya "Ah g-ganon ba?" Eto na naman ako eh! Natataranta na naman ako! Hinawakan ko ang necklace na suot ko para pakalmahin ang sarili. "Hmm, busy ka ba? Aayain sana kita sa agora, eh." Hindi ako makasagot.  "Sige next time na lang" "Hindi! A-Ano sasama ako. 4pm ang tapos ng klase ko." "Sige. Susunduin na lang kita jan. Bago pa mag 4pm nanjan na ako." Aniya. "S-Salamat. S-Sige, kita na lang tayo... mamaya. Bye!" Ibinaba ko na ang tawag. Salamat at natapos na din ang usapan. Naka hawak pa rin ako sa necklace ko. Nag patuloy ako sa paglalakad dahil malapit na ulit mag klase. Malapit na ako sa classroom ko. Nakakapagod! Anlayo kaya ng nilakad ko! Galing ako sa CAS building para sa klase ko kaso... hindi ko na nga naabutan kahit ang prof ko. Bumalik na namn ako dito sa CBA building namin para sa susunod na klase tapos nasa 5th floor pa ang room ko. Hindi ko kaklase sila Janna sa last subject ko. Tapos na kasi nila 'tong i-take. Irregular student ako dahil nga sa transfer student ako. Hindi ako makapag focus sa last subject ko. Susunduin nga ako ni Caleb dito sa school... Sabi noya kay Micah niya hingi number ko. Kaya naman pala nag-inaso ang pinsan ko. Sa wakas natapos na rin ang last subject kong sobrang boring. Hindi na ako nag ayos pa. Sabi ni Caleb bago mag 4pm ay nandon na siya. Ayaw ko naman siyang paghintayin. Nag ring na naman ang phone ko. "Saglit lang Cal-" "Where are you?" "H-huh?" Si Jacob pala... "Sa... labas ng school." Sagot ko. "Really?" "Really." Nagulat ako nang biglang sumulpot si Jacob sa harap ko. "Sa labas pala ng school ah..." Ibinaba niya ang tawag at nakangisi. Pinagtaasan pa ako ng kilay. "What I mean is.. papalabas ng school..." Palusot ko. "Tsk tsk tsk! What a bad liar." Pailing iling ang kanyang ulo. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at marahan itinulak para maglakad. Inalis ko ang kamay nya sa balikat ko at tumigil sa paglalakad. "Bakit mo ba ako hinahanap? Anong meron?" Tanong ko. Parang natatawa pa ang mukha ni Jacob nang tumingin ako sa kanya. Umirap ako. "Hindi ba sinabi ni Janna sa'yo?" Tanong niya. "Obviously, hindi." Sabay irap ko. "Practice game namin ngayon. Ayain sana kitang manuod. Para may cheerleader ako." Malapad ang kanyang ngiti. "Madami namang mag c-cheer sa'yo roon." "Iba pa rin kapag ikaw." sabay kindat nito. Gustohin ko man, hindi naman pupwede dahil mas nauna akong um-oo kay Caleb. "Sorry, Jacob. May lakad ako eh." Naglaho ang malalapad na ngiti ni Jacob. "Ah.. ganon ba? Okay lang. Basta sa totoong game ay dapat andon ka ha?" Pilit ang kanyang mga ngiti. Naalala ko na may lakad nga pala ako.. Nag paalam na ako kay Jacob at tumakbo papuntang parking. Nilingon ko ulit si Jacob. Nakatayo pa rin siya sa lobby habang kumakaway. Malungkot ang mga mata niya. Ano kayang problema niya? Pagkalabas ko sa school ay nakita ko na si Caleb na nakasandal sa harap ng sasakyan niya na naka white t-shirt, khaki shorts at slip ons. Simple lang ang itsura niya pero nangingibabaw ang kakikisigan. Hindi na nakapagtataka kung bakit pinagtitinginan siya ng mga estudyanteng nadaan. "S-Sorry... may kinausap pa kasi ako." Hinahabol ko ang hininga ko. "Okay lang 'no. Buti nga pumayag ka eh." Aniya. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para makapasok ako. Ang bango bango talaga ng sasakyan niya. Nahuli niya akong nakatingin lang sa kanya. "May dumi ba sa mukha ko?" Tanong niya Umiling lang ako at inayos ang pagkakaupo. "May dala pala akong tsinelas para makapag palit ka. Baka kasi mabasa sapatos mo." "Salamat!" "Tanda mo ba yung Agora?" Hindi man ako nakatingin sa kanya pero ramdam ko na nakatingin siya sa'kin. "Oo. Agora river? Tama ba? Dun kita tinulak diba?" Humalakhak lang siya. Napangisi ako dahil naalala ko na naman yung nangyare dati. "Don't worry. Hindi na kita itutulak 'no. Wala na sasagip sayo, eh." Biro ko. "Kaya ko naman nang sagipin sarili ko ngayon. Kaya, okay lang kahit ihulog mo ulit ako." "Good. Ikaw nga jan e! Baka ihulog mo ako." Natawa ako. May kaba rin akong nararamdaman. Baka nga kase ihulog niya ako. "Kung mahulog man kita... sisiguraduhin kong mahuhulog din ako." Hindi ko siya tinignan. Natahimik ako sa sinabi niya. Hinawakan kong muli ang necklace ko. Anong gagawin ko Clyde?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD