OUT OF BALANCE
Hindi pa rin nagbabago ang ganda sa Agora. Kung may isang bagay akong babalik-balikan, sigurado akong ito 'yun. Mabato ang paligid ng Agora river. Napapalibutan ng mga matatayog na puno. Ang kwento ni Caleb habang nasa byahe kami ay may mga naglilinis dito lalo tuwing summer. Ngayon ay paminsan minsan na lang.
Malawak ang sakop ng nito. Kapag binaybay namin 'to ay sa kabilang baryo na kami makakapunta. I let out a heavy sigh and run towards the water.
"Be careful, Summer!" Ani Caleb.
"I will!"
Kahit na walang naglilinis ngayon dito ay maganda at malinis pa rin naman. Malinaw ang malamig na tubig. Kung alam ko lang na pupunta kami dito edi sana nag dala akong extra shirt and pants. Ba't naman kasilate kung magaya 'tong si Caleb, eh.
"Maganda talaga rito 'no?" Napalundag ako nang narinig ang boses ni Caleb na likod ko.
"Oo." Tipid kong sagot.
Mabuti na lang ay binigyan niya akong tsinelas. Humakbang ako ng tatlong beses at humarap sa kanya. Hinampas ko nang malakas ang tubig dahilan para tumalsik 'yon sakanya. Humalakhak ako.
Ginantihan niya ako at nilapitan para ilubog sa tubig. Mejo basa na rin ang suot ko. Bago pa man niya ako malapitan ay tumakbo na ako.
Nagtagal ang eksena naming ganon. Kakatakbo ko ay na out of balance tuloy ako. Basang basa na tuloy ako! Ang sakit pa ng pwet ko dahil sa pag bagsak ko. Damn!
"Okay ka lang? Ayan tuloy basang basa ka." Aniya.
Inilahad nIya ang kamay sa'kin. Inabot ko ang kamay nIya at hinila sIya papalapit sa'kin. Basang basa na din tuloy siya. Nagkatinginan kami at muling nagtawanan.
"Lets go. Baka lamigin ka at magkasakit."
Tinulungan niya ulit akong makatayo.
"Thanks!"
Masakit pa rin ang pwetan ko pero 'di ko na ininda 'yon. Pumunta kami sa pick-up niya para doon maupo. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. Para kasing drinawing iyon eh. Ang perfect!
"Yung necklace mo.. Maganda."
"Salamat." Hinawakan ko na naman 'yon.
"Anong ibig sabihin niyan? SC?"
"Summer Cortez?"
"H-Hindi. Basta ano... basta hindi pwedeng sabihin" Sagot ko. Tumingin ako sa ibang direksyon at inayos ang pagkakaupo.
"Ang ganda talaga dito" Pagiiba ko sa usapan. Naiilang akong pagusapan ang tungkol sa kwintas. Ayaw kong pagusapan si Clyde.
"Remember the time when you pushed me there?" Sabay turo sa mataas na bato.
"Oo naman. Sorry ulit."
Umihip ang malakas na hangin kaya niyakap ko ang sarili ko.
"Akala ko mamamatay na ako noon. Galit na galit ako sa'yo. Gustong gusto kitang gantihan alam mo ba 'yon?"
Humakbang siyang isang beses papalapit sa'kin.
"A-ano..."
"Lagi akong nagaabang sa pag dating mo. Tuwing summer. Summer.. antagal kong hintintay 'to.." Ngumisi siya.
Humakbang ulit siya papalapit. Bahagya akong napaatras. Hindi ko alam na wala na pala akong aatrasan kaya na out of balance ulit ako.
Mahuhulog na sana ako sa likod ng pick-up, nahawakan agad ni Caleb ang kamay ko kaya lang ay kulang ang pwersa niya kaya naman parehas kaming nalaglag. Yakap yakap ako ni Caleb kaya ang likod niya ang bumagsak sa malamig na lupa.
Narinig ko ang mahinang pag-inda niya.
"Sabi ko naman sayo eh. Kapag nahulog ka, mas mahuhulog ako."
Nakahiga kami sa lupa. Yakap yakap niya ako. Nandito na naman ako sa mga bisig niya.
Tinulak ko siya papalayo sa'kin. Dumilim na ang kalangitan. Nabalutan ng kadiliman ang buong paligid. Tanging liwanag na lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw namin.
"Sorry."
"I won't hurt you, Summer. I would never do anything that can harm you, Summer." Marahang pagkakasabi niya.
Kanina lang takot ang nararamdaman ko. Ngayon naman ay tuwa. Ano ba talaga? Pero bakit ganito? Bakit natutuwa ako sa lahat nang ginagawa niya? Bakit kahit alam kong maaga pa para aminin ko sa sarili ko na nagugustuhan ko na siya.
Kung nagugustuhan ko ba talaga siya o nangungulila lang ako kay Clyde? Ang gulo gulo!
"Alam mo.. galit ako sa'yo noon. Akala ko galit ako. Hanggang sa palagi kitang inaabangan tuwing summer. Nangako ka kase sa'kin noon na babalik ka ulit dito sa Las Huelva tuwing summer."
"Sorry." Napayuko na lang ako. Wala akong ideya kung saan patungo ang usapan. Wala rin akong masabi sa kanya.
Dinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Ikaw ang nag iisang babaeng nakasakit sa'kin ng ganon. 10 ka lang noon at ako naman ay 19... Tandang tanda ko na ayaw mo sa'kin dahil probinsyano ako."
Napangiti siya at ginulo ang kanyang buhok.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean? Ano ba talaga gusto mong sabihin sa'kin Caleb?" Tanong ko. Nagtataka na kasi ako. Hindi ko siya maintindihan.
"You're my first love back then. Kahit na ayaw mo sa'kin. Kaya kahit matanda ako sa'yo ng 9 years ay ginusto ko pa ring mapalapit sayo. Summer, gusto ko ulit mapalapit sa'yo."
Seryoso ang mga titig niya sa aking mata. Hindi siya nagbibiro. Wala na akong maramdam ngayon. Lamig na lamig na lang ako. Kanina ko pa niyayakap ang katawan ko pero kulang pa rin ang init na 'yon.
"Summer? Are you okay?"
"Summer?"
Unti unti akong nawawala sa sarili. Nanghihina ang katawan ko. Naririnig ko ang boses ni Caleb pero wala akong lakas na sagutin siya. Nilapitan niya ako at agad na niyakap. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng init. Binuhat niya ako papasok sa sasakyan dahilan para mahilo ako.
"Summer?"