FLOWER SHOP "Can I come with you?" "Oo naman, Caleb." Napailing na lamang ako sa tanong niyang iyon. Palagi na kaming magkasama kaya ang tanungin niya ako kung pwede siyang sumama ay medyo nakakatawa. Si Caleb na kasi ang personal bodyguard ko. Maghi-hire naman sana si Lola para sa akin kaso nag volunteer naman itong si Caleb. Pumayag din naman agad ang Lola. Sa lahat nga naman ng tao rito sa buong Las Huelva, si Caleb lang talaga ang mapagkakatiwalaan ng aming pamilya. Mas gusto ko rin kong siya. Kilalang-kilala na naming ang isa’t-isa, wala nang ilangan pa. Kagabi ay kinausap ko ang Lola na hindi ko na kailangan ng bodyguard. Dalawang buwan na rin naman ang lumipas sila noong makulong si Micah. Balik eskwela na kami, ibig sabihin ay ga-graduate na ako. Ito na ang last semester ko.

