TIMING "Micah!" Natigil ang pagkilos ni Micah nang dumating si Lola. Kinuha ko ang chance na 'yon para itulak siya at makatayo ako. Nanghihina na ang tuhod ko na halos 'di ko na kayanin pang lumakad. Umiiyak ako sa takot na mawawala na ako. "Sinasabi ko na nga bang may pina-planong masama! You're evil! Wala kang utang na loob!" Tumayo ako sa gilid ng Lola, nakahawak ako sa wheelchair niya. Takot at pagsisisi ang nakikita ko sa mukha ni Micah. Hawak pa rin niya ang kutsilyo sa kaliwa niyang kamay, nanginginig at puno ng dugo na mula sa akin. Ang isa kong kamay ay nasa duguan kong leeg. Wala na akong maramdamang sakit pero nahihirapan na akong makahinga. Malalim ang sugat ko dahil halos gripo ang pag-agos ng dugo ko, nahihilo na rin ako. Pero pinilit ko pa ring tumayong tuwid. "A...

