CHAPTER 29 Paglabas ni Ayn sa banyo ay wala na si Dylan sa kwarto. Napabuntong hininga na lamang ito at tumingin sa labas ng veranda. Malakas pa rin ang ulan. Nasaan na kaya ang binatang ‘yun? Tanong nang dalaga. Tiningnan niya ang orasan sa gilid at mag aalas nuebe na nang gabi. Humiga siya sa kama at hindi na hinintay ang binata. Pinikit niya ang mga mata niya at muli niyang naalala ang mga labi ni Dylan. Hindi siya mapakali at pabale-bale siya sa kanyang higaan. Muli niyang minulat ang kanyang mga mata. Hindi siya makatulog sa kakaisip sa nangyari kanina. Napahawak si Ayn sa kanyang mga labi at hindi niya maitatangging may konteng kiliti siyang naramdaman kanina. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi. Hindi niya ‘to dapat maramdaman dahil may Jamir na nagmamahal sa kanya. M

