CHAPTER 28 ** THIRD PERSON POINT OF VIEW ** Tahimik na nakikiramdam si Ayn kay Dylan na ngayon ay nakaupo sa harapan niya. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng binata kanina ngunit hindi niya ito pinansin at pinilit na hindi inahin ang kung ano mang nararamdaman niyang awa para rito. Nanatiling tahimik si Dylan habang nakapamulsang nakaharap sa labas at nakatitig sa ulan. Maingay ang ulan sa labas at paniguradong hindi pa ito agad hihinto. “Hindi mo man lang ba tatanggalin tong tali sa kamay ko?” sinulyapan niya si Ayn saka bumaba ang paningin niya sa namumulang kamay ng dalaga. Napaisip naman si Dylan kung tatanggalin niya ba ang pagkakatali niya sa dalaga? Paano kung tumakas ito? “Don’t worry. Hindi ako aalis.” Nag-iwas ng paningin si Dylan. “Three days,” bulong nito ngunit sapat

