Kinabukasan, maagang nagising ang pamilya ni Cristel. Nakapag handa na rin naman siya ng almusal ng mga ito. Kaya maaga silang nakapag agahan. Excited ang kanyang mga anak. Dahil ito, ang pangalawang beses, na makakapamasyal ang kanyang mga anak.
Ang una pa nilang pamamasyal noon, ay ng mag birthday ang kaibigan niya, at ninang ng mga anak niya na si Mercy. At hindi na iyon nasunda pa. Dahil lagi na siyang tutok sa pag tratrabaho. Si Joan naman ay hindi niya hinahayan na lumabas na sila-sila lang. Mahirap mamasayal ng may kasamang makukulit na mga bata.
“Ate Cristel, hindi ka ba, talaga sasama? Sumama ka na Ate!” pamimilit ni Joan sa kanya.
“Hindi na Joan. Kayo nalang, maiwan na ako dito, para makapag luto rin ako ng masarap na hapunan natin mamaya!”
“P-pero. A-ate nahihiya po ako sumama sa kanila eh!” napa kamot sa ulo na sagot naman ni Joan.
Sa totoo lang, talagang nahihiya at naiilang siya, hindi sa mga magulang ni Cristel. Kundi, sa mga malagkit na tingin sa kanya ni Harold. Pakiramdam nga niya ay hinahalungkay nito pati ang mga lamang loob niya sa tuwing nag tatama ang kanilang mga paningin.
“Joan. Sige na, sumama kana! Kaya ko na dito sa bahay. Saka isa pa, malay mo, dito mo na makilala ang THE ONE mo!”
“Ate!”
Pasigaw na sabi ni Joan, pinamulahan siya ng mukha sa panunukso sa kanya ni Cristel. Lalong lalo na ang huling sinabi nito. Ramdam niya na nakahalata na si Cristel, sa mga kinikilos ng kapatid nitong si Harold.
Napapitlag siya ng makarinig ng sunod sunod na busina. Madali naman siyang itinulak ni Cristel palabas ng bahay.
Si Harold ‘yon, naka kunot na ang noo nito, dahil hinihintay si Joan. Naka silip ito sa binta ng sasakyan nitong family van. Second hand iyon na nabili ni Harold, mula sa mga naiipon nito sa nagdedeliver ng mga kalakal papuntang Manila. Sinikap nitong makabili makabili ng sariling sasakyan, dahil ginagamit niya iyon sa paghahanap kay Cristel noon. Maingat sa gamit si Harold, kaya kahit second hand, ang sasakyan nito ay mukha paring bago.
Pag labas ni Cristel at Joan, ay hindi na maipinta ang mukha ni Harold, naiinip na siguro ito kahihintay kay Joan.
Napakagat labi naman si Joan, at nakatungo ng mag tama ang kanilang mga mata. Dali dali ni Joan binuksan ang pinto ng sasakyan. Nabungaran niya ang mga magulang ni Harold,na naka upo na duon, katabi nito si Lyca. At sa likod naman nito ay Niko at Lucas na nagbibiroan. Uupo sana siya doon ng biglang mag salita ang madaldal na si Lyca.
“Ate Joan! Sabi po ni tito Harold, doon daw po ikaw, uupo sa harapan sa tabi po niya!”
Akmang uupo na si Joan, sa tabi ni Miko, ng matigilan ito sa sinabi ni Lyca, agad itong napatingin sa rear mirror, saktong matatalim na tingin ni Harold ang nakita niya.
Napa tungo ulit siya, at dahan dahan lumabas. Saka hinay hinay na binuksan ang harapan ng pinto ng sasakyan ni Harold. Hindi magawang tingnan ni Joan si Harold nahihiya siya dito.
Ng maka maka upo na ito, inayos niya ang laylayan ng kanyang suot na simpleng dress, labas kasi ang maputi niyang mga hita. kulay black ito, na hanggang tuhod ang haba. Ayaw sana niya suotin iyon, pero makulit si Cristel, pinagpilitan talaga na iyon ang isuot niya. Regalo sa kanya ni Cristel ang damit na ‘yon, nitong nagdaang pasko. Hindi naman niya isinusoot, dahil wala naman silang pupuntahan.
Nanlaki ang mata niya at pigil ang hininga, ng maramdam ang biglang paglapit ni Harold sa kanya, napaka lapit ng mukha nito sa kanya, tumatama sa pisngi niya ang mainit at mabangong hininga nito, na amoy na amoy niya. Na freeze si Joan, at napapikit ang mga mata,
“Tsk!”
Rinig niyang sabi nito. Matapos maikabit nito sa kanya ang seat belt. Napahiya si Joan sa inasal niya, masyado naman ata siyang naging ambisyosa, at feeling niya pa, ay hahalikan siya nito. Hahalikan talaga agad Joan? sabi ng isip niya. Binaling niya ang paningin sa labas ng bintana. At nag patay malisya nalang. Mabuti na lang at maingay ang dalawang bata. Ang atensyon ng mga kasama niya, ay doon lang napunta, puro kasi kwento ang dalawang bata, kaya aliw na aliw lola at lolo ng mga ito. Sa kabilang banda naman, ay lihim na napapangiti si Harold. Habang pasimple na sinusulyapan si Jaon.
Ng marating nila ang bayan, agad na pinuntahan nila ay ang mga iba't ibang rides na sasakyan doon tuwing mga pyestahan at ibat ibang mga palaruan. Hindi magkamayaw ang dalawang bata. Habang si Joan at Harold ay mabagal na nakasunod habang nag lalakad ang mga ito.
Hindi napansin ni Joan ang batang tumatakbo, naghahabulan ang mga ito. Dahil nakatungo siyang maglakad, hindi niya na iwasan ang pagbangga ng bata sa kanya.
Malakas ang pagkakabangga nito sa kanya, kaya na pasubsub siya, sa isang matigas na bagay. Ang matigas at maskuladong, dibdib ni Harold at mga braso nito na batak na batak sa trabaho.
“Lagi ka kasi, na nakatungo! Hindi mo pa tinitingnan ang dinadaanan mo, mababangga kana, di mo pa alam!” pagalit na sabi ni Harold sa kanya.
Pero ang higpit higpit ng pag kakahawak nito sa kanyang baywang, na parang ingat ingat pa ito, at ayaw talaga siyang magalusan. Halos nakayakap na nga ito sa kanya. nasalo siya ni Harold, kaya hindi siya tuluyang napasubsub sa lupa.
Mabalis naman nakatayo ang batang naka bangga sa kanya. At para walang lang ngyari, mabilis na naghabulan ulit ang mga ito. Samantalang siya, ay nanginginig pa ang mga tuhod sa kaba, at pagkapahiya.
“S-sorry po. S-sir...” Nauutal pang sabi niya.
Hindi parin bumibitaw sa kanya si Harold. Parang lalo pang hinigpitan niya ang pagkakayakap sa baywang niya, bahagya pa siyang kinabig nito papalapit sa dibdib nito. Ramdam niya ang matipunong dibdib nito. Bahagya niya itong itinulak papalayo sa kanya. At inayus ang sarili.
“Pasensya na po sir, hindi ko po, kasi napansin eh!” aniya
“Tsk. Drop the sir! Masyadong pormal, Yup! Im a teacher, pero, hindi pa ako nagtuturo. Just call me, Harold. Or honey, if you want!”
nakangising tugon naman ni Harold. Graduate ng teacher si Harold, hindi lang para mag turo siya sa mga bata. Kundi, para turuan niya ang kanyang inang. Walang pinag aralan ang nanay nila, kaya madalas na luluko ito.
Hindi nalang sumagot si Joan, ng marinig niyang tumutunog ang cellphone ni Harold. Kinuha ni Arniel ang cellphone nito sa bulsa niya, si Arniel ang tumatawag may 6 na miss call na ito,
“Where are you ashole? Kanina pa kita kinu contact, hindi ka sumasagot!” Tanong agad ni Arniel sa kanya, sa tono na may pagkainis.
“Oh? Sorry bro. Na busy ako eh!” aniya
“Busy? Sa pagkakaalam ko, wala ka pang byahe sa ngayon!”
“Wala pa nga, kaso dumating na ang kapatid ko at---”
“Tito Harold!"
“Ate Joan!”
Malakas na sigaw ni Lyca at Lucas, habang tumatakbo papalapit sa kinatayaun nilang dalawa. Ng maka lapit ang dalawang bata, ay agad yumapos ang mga ito sa binti niya.
“Oh? Bakit? may mga bata ka atang kasama diyan! Kailan ka pa nag kaanak! Ha? Ashole!” nag tatakang tanong ni Arniel sa kabilang linya.
Tumawa lang naman si Harold, bilang sagot. Ginulo nito ang buhok ng mga pamangkin niya. At sumulyap ng bahagya kay Joan.
“Anak ‘yon ng kapatid ko, bro. Ipinasyal ko lang,” aniya
“Oh? Kailan pa dumating ang kapatid mo? Mabuti at natagpuan mo na rin. Anyway! So, paano pala, ‘yong usapan natin. Ako pupunta diyan! Oh, ikaw ang pupunta dito?”
Hinintay ni Arniel ang sagot ni Harold, kinukulit kasi ito ng batang babae, naririnig niya sa kabilang linya na gusto nitong bilhan ng pasalubong ang ina nito.
“Tito Harold! Tito! Gusto ko po, bilhan si nanay ng pasalubong. Paborito po ni nanay ang siopao!”
Tumango tango lang naman si Harold, bilang pagsang ayon kay Lyca, hinihila hila kasi nito ang suot niyang pantalon na maong. Habang ang isang kamay niya ay hawak ang cellphone nito na nakadiit parin sa kaliwang tenga niya.
“Ok. Sige na bro. Ako nalang ang pupunta dyan, bukas ng umaga, sige na, kinukulit na ako ng mga pamangkin ko!"
Tugon naman ni Harold. Saka nag paalam kay Arniel bago ini off ang cellphone. Kahit wala na kabilang linya si Harold. Nauulinigan parin ni Arniel ang matinis na boses ng batang babae.
Na alala niya si Cristel, paborito rin nito ang siopao, madalas niya itong dalhan ng siopao noon sa school na pinapasukan nito. Oh, kahit pa, sa mga pinag e-extrahan nitong trabaho, sa tuwing susunduin niya ito, masayang masaya na ito tuwing makitang na may dala siyang siopao. Humugot ng malalim na hininga si Arniel, saka bumuga sa kawalan, marahang hinimas ang kanyang batok, saka na upo sa kanyang swivel chair.
Naisip niya, siguro kung hindi sila nagkahiwalay ni Cristel, baka ganoon edad narin ang anak nila. Tumingala si Arniel, tumitig sa puting kisame. Saka inalala ang masasayang pinagsamahan nila ni Cristel noon.