PROLOGUE
"Hoy! Hambog, bumaba ka dyan! Bilis!"
Malakas na sigaw ni Cristel sa isang tinted black BMW na sasakyan na bumangga sa likod ng taxi niyang minamaniho. Naka tayo siya sa harap ng sasakyan nito. Nang gigil na sinilip ni Cristel sa binta ang tao sa loob. Pero parang walang naririnig ito. Kinalampag ni Cristel ang hood ng saksayan nito. At dahil sa inis ay sinipa din niya ang gulong ng sasakyan.
"Bullshit! Ayaw talaga bumababa ha," aniya.
Nagpalinga linga si Cristel naghahanap ng bagay na maaari nang gamitin para ihampas sa bintana ng sasakyan nito. Pero wala siyang makita. Naagaw ng pansin niya ang kanyang suot na rubber shoes na puti. May kalumaan na ito pero ayos pa naman isuot, nag iisa lang 'yon at iniingat ingatan pa niya, hindi dahil wala siyang pambili, kundi, napakahalaga nito para sa kanya. Kahit siguro masira pa ito ay wala siyang balak itapon. Umupo siya at dali dali niyang kinalas ang sintas nito.
Tumingala at pumikit ng mariin si Arniel, at kinagat ang ibabang labi. Halos hindi siya makapag salita at makagalaw sa kina uupuan niya, ng makita ang babae na bumaba sa driver seat ng taxi. Kilalang kilala niya ito, ito ang babaeng hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya. Ang babaeng nag iwan ng pilat sa kanyang puso. "So, isa pala siyang Taxi driver ngayon!" bulong niya sa isip.
Nang umupo ang babae ay agad siyang bumababa at nilapitan ito. Nakatalikod sa kanya si Cristel, habang tinatanggal ang sintas ng sapatos na suot. Pinagmasdan niya ang kabuon nito. Walang pinag bago, ang balingkinitan nitong katawan ang mahaba at tuwid nitong buhok na lampas balikat.
"Ang hambog na 'yon, akala niya siguro hindi ko babasagin ang sasakyan niya! Humanda siya!"
Dinig ni Arniel na bulong ni Cristel sa sarili. Ngumisi siya na parang aso. Kahit hindi naman ito nakatingin sa kanya. Hindi rin niya mawari sa sarili niya, kong ano ba ang nararamdaman sa muli nilang pagkikita. Matutuwa ba siya? oh, magagalit sa babae. Pero sa huli, ay galit pa rin ang bumubuo sa kanyang puso.
Nang maalis ni Cristel ang suot na sapatos, ay mabilis itong tumayo, at iniambang hahampasin na sana ang bintana ng sasakyan ni Arniel. Ganoon na lamang ang pagkabigla at gulat ni Cristel ng makita ang lalaking naka tayo sa kanyang harapan.
Nanlaki ang kanyang mga mata at halos hindi siya makagalaw, ng magtagpo ang kanilang mga mata. Mga matang kita niya ang poot at galit nito sa kanya. Ang seryuso nitong mukha, at mga labi nitong walang ka ngiti-ngiti. Nalaglag ang hawak niya na sapatos, at naiwan na nakataas sa ere, ang kanyang kamay. Nag init ang kanyang mga mata. Hindi na niya kaya, papatak na ang kanyang mga luha. Mabilis siyang tumalikod, at patakbo ng pumasok sa taxi niyang minamaniho. Hindi na niya nagawa pa,na pulutin ang naiwang sapatos. Mabilis niyang pinatakbo ang taxi,kasabay ng mabilis na pagpatak ng kanyang masaganang mga luha. Pinulot naman ni Arniel ang kabiyak na sapatos ni Cristel, at pinaka titigan ito. Ito ang unang bagay, na ibinigay niya sa kanyang dating kasintahan.