CHAPTER 1

1870 Words
“Nanay!” Tumatakbong sigaw ni Lucas habang papalapit kay Cristel. Nakangiti ito habang nakasalubong sa kanya pababa sa sinasakyang tricycle. “Oh, dahan dahan anak at baka madapa ka!” tugon niya rito. Agad binaba ni Cristel ang mga dala dalahan na pinamili. “Nanay!” muling sigaw ng isa pang batang babae. Mabilis rin ang takbo na papalapit sa kanya. Hindi pa man nakakapasok sa loob ng bahay, ay sinalubong na siya ng mga anak. “How’s my princess Lyca?” tanong niya sa anak na babae. Hinalikan niya ito sa matambok nitong pisngi at ganun din ang ginawa niya kay Lucas. Niyakap niya ang kambal. “Ate, ipapasok ko na po itong mga pinamili mo?” tanong naman ni Joan kay Cristel ang kinuha niya na tagapag alaga sa kambal. “Oo sige Joan, salamat.” sagot niya. At inakay ang mga anak papasok sa loob ng bahay. Kinapa niya ang likuran ni Lucas at pinunasan ng towel ang likuran nito. Basang basa ng pawis kalalaro. Nang mapunasan niya ito kinuha niya ang powder, at nilagyan ang likuran nito at dibdib saka pinalitan ang suot na damit. Ganoon din ang ginawa niya kay Lyca. Siguradong pag wala siya sa bahay, walang tigil ng kalalaro ang dalawa. Takbo rito, takbo doon. Pinulot niya isa isa, ang mga nagkalat na mga laruan sa sahig at inilagay niya sa kahon na tambakan ng mga laruan. Saka siya lumapit kay Joan, sa kusina para tulungan ito sa paghahanda, ng mga lutuin nila para sa pananghalian. Naabutan niya si joan nag gagayat na ng mga gulay na isasahog sa sinigang na niluluto niya. Paborito ng kambal ang sinigang, kaya ‘yon ang naisip niyang lutuin ngaun araw. Tiyak na natutuwa ang mga anak niya. Nang matapos sila mag luto ni Joan. Ay tinawag na ni Cristel ang dalawang bata para kumain. Lumapit siya sa mga ito sa sala, nangiti siya ng lihim. Seryoso na seryoso ang kambal sa panonood ng cartoon sa tv. “Mga anak! Kakain na halika na kayo!” tawag ni Cristel sa dalawang bata. Mabilis naman tumayo si Lucas at Lyca ng marinig ang tawag ng ina. Pinatay ni Lucas ang tv. “Nanay ano po ang ating ulam?” tanong ni Lucas kay Cristel. “Sinigang anak, ang paborito n’yong magkapatid!” tugon niya dito. Nag tatalon sa tuwa si Lucas. “Opss! Wash your hands first, before eating ok.” sabi ni Cristel sa mga anak. Mabilis naman na hinila ni Lucas ang upuan at itinapat sa lababo para maabot nila ang gripo. pina akyat ni Lucas, si Lyca para paunahin itong maghugas ng kamay. “Ikaw muna maghugas ng kamay Lyca akyat ka dito.” wika ni Lucas sa kapatid na si Lyca. Habang hinawakan nito ang likuran ng upuan. Dahan dahan naman ang akyat ni Lyca nahihirapan ito dahil may kata-baan at bilugan ang katawan. “Salamat Lucas!” turan ni Lyca sa kapatid ng makatapus ito. Saka bumababa at siya naman ang humawak sa likuran ng upuan, habang umakyat naman si Lucas para ito naman ang sumunod na maghugas ng kamay. Pinagmamasdan lang naman ni Cristel ang ginagawa ng mga anak. Habang siya ay naka upo na tapat ng lamesa, at naghihintay na matapos ang dalawang bata. Hinahayaan niya na matuto ang mga ito. Sa murang edad, ng mga ito na limang taong gulang, ay matured na ang mga ito mag isip. Hindi rin niya ito sinasanay sa mga materyal na bagay. Kung ano lang ang kaya niyang ibigay kuntento na ang mga anak niya. At ‘yon ang ipinagpapasalamat niya sa panginoon. Na kahit maraming mahirap siyang pinagdadaanan, ay na palaki niyang mababait ang mga anak. “Salamat Lyca.” sabi ni Lucas kay Lyca ng matapos ito. Nauna naman maupo si Lyca sa tapat ni Cristel. Hila-hila naman ni Lucas, ang upuan na ginamit nila ni Lyca, saka tumabi sa kakambal. “Wow! Nanay, ang sarap po ng sinigang mo!” “The best ka po, talaga Nanay!” Masayang komento ng dalawang bata habang kumakain. Sarap na sarap ang mga ito at hindi rin sila mapili, kumakain din sila ng gulay. Nang matapos silang kumain, hinugasan ni Cristel ang katawan ng mga anak. Para humanda na sa pag tulog. Dahil kinabukasan maaga na naman siyang a-alis para pumasok sa pabrika na kanyang pinag tratrabahuan. Katabi niya sa pagtulog sa maliit nilang kwarto ang dalawang bata. Napagitnaan siya ng kambal. Si Joan naman ay sa kabilang silid. Maliit lang kanilang inuupahang bahay. Dahil un lang ang kaya ng kanyang budget. Mabuti na lang nga, at nag titiyaga sa kanyang mag trabaho si Joan. Kahit minsan nadedelay siya ng pagpapasahod dito. Mabait si Joan at matiyaga at maalaga ito sa mga anak niya. Kaya tinuring narin niya itong parang isang tunay na kapatid. “Nanay. Meron po ba kami ni Lucas, na lolo at lola?” tanong ni Lyca. “O-oo naman anak. M-meron.” “Bakit hindi po namin sila makikita? Nasa heaven na po ba sila?” Halos kabahan si Cristel sa tanong ng mga anak. Hindi niya alam kong pano, at saan magsisimula na sabihin sa mga anak, na buhay na buhay pa ang kanyang mga magulang. Ang kanyang lolo, at lola. At ang kanilang mga tiyuhin. Ang mga kapatid niyang lalaki. Tatlo silang magkakapatid, at panganay ang kanyang kuya Harold, at siya naman ang pangalawa, at si Miko naman ang bunso. Nag iisa siyang babae. Kung alam lang ng mga anak niya ma miss na miss na niya ang pamilya niya. Ang kanyang Ama at Ina, at mga kapatid. Buntis siya ng tatlong buwan sa kambal ng naglayas siya. Natakot siya ipaalam sa mga magulang ang kalagayan niya. Kaka graduate lang niya noon ng high school. Dahil nag iisang babae siya, pangarap ng kanyang mga magulang na makapag tapos siya, ng kanyang pag aaral kahit sobrang hirap ng kanilang buhay. Ang nanay niya labandera. Tumatanggap lang ng mga labada, para makatulong sa kanyang ama. No Read, No Write ang kanyang ina. Kaya hindi ito nakapag trabaho ng maganda kahit tindera sa palengke ay hindi ito tanggapin. Kaya pag lalabada na lang ang naisip nitong gawin para makatulong sa kanyang ama. Ang kanyang ama naman ay high school graduate lang din. Kaya madalas na trabaho nito ay mag construction o kaya naman ay magtrabaho sa bukid ng arawan. Huminga si Cristel ng malalim, bago sinagot ang tanong ng mga anak. Siguro, ito na ang simula, para unti unti niyang ipaalam at ipakilala sa mga anak ang kanyang pamilya. “Mga anak. Makinig kayo sa sasabihin ni Nanay ha? Buhay pa ang lolo at lola n’yo. M-malalakas pa sila. M-mabait sila. Sigurado ako na mahal na mahal, nila kayong dalawa, matutuwa ang mga 'yon pagnakita kayo. At ang mga tito n’yo, mga kapatid sila ni Nanay...” aniya sa mga anak. Halos pumiyok at magkanda utal utal na ang boses ni Cristel habang nagsasalita. Pinigilan niya ang pagpatak ng kanyang mga luha. Ayaw niyang ipakita sa mga anak na mahina siya. Na umiiyak siya. “Talaga po nanay?” masayang tanong ni Lyca. Tumango si Cristel bilang sagot. “Eh. Kailan po sila natin makikita Nanay?” Halos hindi maka imik si Cristel, sa tanong ni Lucas. Habang lumalaki ang kanyang mga anak. Unti unti na nagtatanong ang mga ito. Ang pinangangambahan niya ay kong maghanap at magtanong ang kanyang mga anak tungkol sa kanilang ama. Na alaala niya noon ang kanilang nakaraan. “Arniel. Saan tayo pupunta? Wala akong makita, baka madapa ako ha?” “Hindi ka madadapa honey! Sakin ka lang dadapa mamaya. Don't worry hon. Malapit na tayo!” Biro ni Arniel kay Cristel, hinampas naman ito ni Cristel sa braso. habang inaakay siya ni Arniel ng nakapiring ang mga mata. Wala idea si Cristel, kong ano nanaman bang pakulo ng kanyang boyfriend na si Arniel. Mula ng sinagot niya ito madalas na siya lagi nitong sinusurpresa. Mabait si Arniel at mahal na mahal siya. Kaya ganun din naman siya dito. Kahit na napaka layo ng agwat ng katayuan nila sa buhay. Katatapos lang niya noon ng high school. At si Arniel naman, ay bago palang trini-training ng Uncle nito bilang CEO. Nagkakilala sila noon ni Arniel, sa isang ginanap na party. At dahil mahilig naman siyang mag sasama sa kaibigang si Sol, sa lahat ng racket nito, ay sumama siya kay Sol bilang mag waitress sa ginanap na party ball. Siya ang naka asign, sa mga alak doon ng lapitan siya ni Arniel para kumuha ng maiinom ng aksidente niya itong nabuhusan ng alak sa suot nitong damit. “Teka Arniel. Nasaan na ba tayo? Malayo pa ba?” “Nandito na Tayo Hon.” Unti unting inalis ni Arniel ang piring sa mga mata ni Cristel. Pagmulat ng mata ni Cristel halos mamangha siya sa kagandahan ng lugar. May isang table sa gitna na napapalibutan ng mga maliliit na kandila na nagsisilbi nilang liwag. At may dalawang magkatapat na upuan para sa kanilang dalawa. May nakahain na rin doon n masasarap na mga pagkain. Sa may kabilang gilid ay may nag tutug ng violin. “H-happy birthday hon. Nagustuhan mo ba ang surpresa ko sayo?” “O-oo, Naman. Subrang gustong  gusto ko Arniel! Ngayon ko lang naranasan na mag birthday ng ganito.” sagot ni Cristel, halos hindi siya makapaniwala. ‘yon kasi ang unang birthday niya na may ganuong surpresa. Madalas wala siyang handa  dahil walang pera ang kanyang mga magulang. “Hindi pa dyan natatapos ang surpresa ko. sa napaka ganda kong girlfriend.” Turan ni Arniel. Kinuha nito ang isang box na nakabalot ng pang regalo. Saka iniabot kay Cristel. Nanlaki ang mga mata nito ng mabuksan ang regalo ni Arniel. Isa itong paris ng puting sapatos. First time ni Cristel magkaroon ng bagong sapatos. Kadalasan lahat ng gamit niya ay puro bigay na pinaglumaan ng mga taong pinag lalabadahan ng kanyang ina. “Salamat, Arniel. Maraming salamat honey! Subrang napasaya mo ako sa aking kaarawan. I love you so much honey ko!” “I love you too honey. Para sa’yo lahat gagawin ko, mapasaya lang kita! Alam mo ‘yan, dahil nag iisa ka lang dito!” Turo ni Arniel sa tapat ng kanyang puso habang nagsasalita, at matamang nakatitig sa mga mata ni Cristel na punong puno ng pagmamahal. Hinalikan ni Cristel sa labi si Arniel, dahil sa subrang tuwa. “Nanay. Umiiyak ka po ba?” Nag aalala na tanong ni Lyca kay Cristel ng makita nitong may ilang butil ng luha na pumatak sa kanyang mga mata. Saka palang na pabalik sa ulirat si Cristel, dahil sa tanong ng anak, habang pinapahid nito ang butil ng luha sa kanyang pisngi. “Hindi ako umiiyak anak, napuwing lang si nanay.” sagot naman niya. “Sige na matulog na kayong dalawa, at maaga pa ang pasok ni nanay bukas sa trabaho. Saka bawal magpuyat ang mga bata!” “Goodnight, po nanay. I love you!” magkapanabay na sabi ng magkapatid na Lucas at Lyca. “Goodnight too mga babies ko, at mahal na mahal ko din kayong dalawa.” sagot naman ni Cristel sa mga anak. Saka hinalikan ang mga ito sa noo at pumikit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD