CHAPTER 2

1196 Words
“Inang! Mukhang ang sarap naman po, nitong inihaw mo na bangos!” bulaslas ni Cristel sa kanyang ina. Umahon ito sa paliligo sa ilog, araw iyon ng linggo at kaarawan ng kanyang ama. Nag pasya ang kanyang ina, na doon silang mag-anak sa batis, mag salo-salo ng kanilang pananghalian. Dahil sariwa ang hangin, at malinis ang tubig. madalas din na doon sila ng  kanyang ina nag lalaba ng kanilang mga damit. “Talaga ba anak?” “Opo. Inang, parang ang sarap sarap po, niyan!” masayang turan ni Cristel. “Siya sige, tawagin mo na anak, ang Itang mo duon, at tayo ay kakain na kamo.” sagot naman ng kanyang ina. Habang naglalatag ng pinaglumaang banig sa lilim ng punong mangga. At inilabas sa dalang basket, ang konti nilang pagkain na pagsasalo salohan ng mga ito sa araw na iyon. “Itang! Itang! Tinatawag na po kayo ng Inang. Kakain na daw po!” hinihingal na sigaw ni Cristel sa kanyang ama. Habol ang hininga na umopo ito. Dahil sa bilis ng kanyang takbo papalapit sa ama. At mga kapatid. Nanunungkit, ang mga ito ng hinog na mangga. Dahil nag luto ang kanyang ina ng alamang na paborito nilang magkakapatid. “Oh. E, bakit ba, hingal na hingal kang bata ka?” tanong ng ama ni Cristel, habang pinupulot ang mga nasungkit na mangga. “Tumakbo po ako ng mabilis Itang eh.” “Siya. Pulutin mo na ‘yang, ibang mga nahulog na mangga. At tatawagin ko lang, ang mga kapatid mo.” Utos ng kanyang ama. Saka umalis palayo at nilapitan ang dalawa niyang kapatid na lalaki.         Mabilis naman ang kilos ni Cristel. Agad nitong pinag pupulot ang mga hinog na mangga. Dahil wala naman siyang dalang lalagyan itinaas nito ang laylayan ng suot nitong maluwang na t-shirt, saka doon ipinag lalagay ang mangga na pinulot nito. “Kuya ang bigat.” Sabi ni Cristel sa kapatid na si Harold, ng malapit na ang mga ito sa kanya. Habang buhat buhat ang manggang inipon. Inilapag naman ni Harold ang sako na atang atang nito sa kanyang balikat. Halos naka kalahati na ang mga ito ng hinog na mangga. “Halika. Ilagay mo na dito sa loob ng sako, iyang mga mangga na naipon mo.” wika ni Harold sa kapatid na si Cristel.         Nang maibigay lahat ni Cristel ang mangga, kinuha nito sa kapatid, na si Miko ang pinang sungkit na kawayan, na hilahila nito. Hirap na hirap si Miko, dahil mabigat ang kawayan. Marami-rami ang nakuha nilang mangga, may ibebenta na naman sila ng tatay niya, kinabukasan kay Aling Huling sa palengke. Para pambili kanilang bigas at ulam kinabukasan. Nag aaral si Cristel ng grade six. Madalas wala siyang baon, na pera, pero ayos lang sa kanya iyon, basta ang mahalaga ay makapag aral siya. Ang kuya Harold, naman niya ay high school na, at graduating na ito. Madalas din itong sumasama, sa pamamasada ng tracking pag walang pasok. sumasama ito sa mga byahe ng tracking, ng niyog at saging, sa mga kaibigan nito na iniluluwas pamanila. At doon na nga din toto na mag drive ang kuya Harold niya. Para narin makatulong sa kanilang mga magulang. At si Miko naman, ang bunso nilang kapatid, ay grade four na. “Oh! Halika na kayo at kumain na tayo! Malamig na ang pagkain!” saad ng kanilang ina ng sila ay malapit na dito. Masayang silang nag salo-salo sa konting handang pagkain ng kanilang ina. Dalawang pirasong inihaw na bangos. At ilang pirasong inihaw, na talong at Konting pancit. At ang paborito nilang magkakapatid, ang alamang na luto ng kanilang ina. Nag hiwa ng ilang pirasong hinog na mangga ang kuya Harold ni Cristel. Masayang masaya si Cristel at ang pamilya niya ng araw na iyon. “Hoy! Ano na? Cristela. Nakatulala ka na naman dyan!” bulaslas ni Mercy kay Cristel. Nagulat pa nga ito ng kinalampag ni Mercy ng tatlong beses ang lamesa nito. Lunch time nila sa trabaho. Mabilis naman ini-iwas ni Cristel ang mga mata. At pasimpleng pinahid ang mga luhang dumaloy duon. “Umiiyak ka ba?” oh! Umiiyak ka nga?! nagtataka ng tanong ni Mercy sa kaibigang si Cristel. Nakita kasi nitong namumula ang ilong at mata ng kaibigan. Nag buntong hininga si Mercy. Habang inilalapag sa lamesa ang baon nitong pananghalian. “Tell me! What’s your problem girl?” Hindi umimik si Cristel. Tumungo lang ito, at kinusotkusot ang mata. Si Mercy ang kanyang naging sandalan mula ng napadpad siya sa Palawan. Ito ang tumulong sa kanya mula ng siya lugmok na lugmok at walang malapitan. Ito rin ang nagpasok sa kanya sa pinag tratrabahuan nilang pabrika ng mga plastic. “Uy! Magsalita ka nga na babaita ka? Bakit ka ba umiiyak? Ha? Mamaya niyan, makita ka ni Mang Gido, na mag-wawalis. Sabihin noon pinaiyak kita! Tsismoso pa naman ‘yong matandang ‘yon. Ka-lalaking tao!” saad ni Mercy. Habang ngumunguya ng kanyang pagkain. natawa naman ng bahagya si Cristel sa tinuran ng kaibigan. “Naalala ko lang kasi, sila Inang, at Itang, at ang dalawa kong pa na kapatid.” malungkot na sagot ni Cristel. Ilang taon naba? Ilang taon ng hindi nakikita ni Cristel at nakakausap ang kanyang pamilya. Mula ng ito ay lumayas sa kanila. At inilihim sa mga ito ang kanyang pagdadalang tao. Mahigit limang taon ng wala siyang balita sa mga ito. Dahil wala naman siyang contact, kahit cellphone ay wala siya noon. At ang kanya namang mga magulang ay hindi rin naman marunong gumamit niyon. Maliban sa kanyang kuya Harold. Binigyan kasi ito ng cellphone ng may ari ng pinag tratrabahuan nitong tracking. Pero hindi naman niya nahinge kahit numero nito. “Oh? Tapus. Namimiss mo na sila? Bakit kasi, ayaw mo pang umuwi at magpakita doon sa inyo? Kahit bisitahin mo lang sila!” “Mercy. Hindi pa kasi ako handa eh.” “H-hindi ka pa handa?! Cristel. Kailan ka pa magiging handa. Ha? Ang tagal tagal mo ng nagtatago! Hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin handa!? pahayag ni Mercy sa kaibigang si Cristel. Alam niya kung gaano na rin nito namimiss ang buong pamilya nito. At alam din Mercy kahit hindi magsalita ang kaibigan ramdam niya ang pangungulila nito sa pamilya. Kahit hindi niya nakikita, o, nakilala ang mga magulang nito, alam niyang mababait na tao ang mga ito. “Hindi ko alam, kung hanggang kailan Mercy. Kagabi, ‘yong mga anak ko, nagtatanong na sila sakin.” nagluluhang sagot ni Cristel. “`Yon na nga eh! Hanggang kailan mo ba ‘yan inilihim sa mga ina-anak ko? Malaki na sila Cristel. Eh, kong ‘yong ama nila ang hanapin nila sayo, anong isasagot mo?” Hindi naka imik si Cristel, sa tanong ng kaibigang si Mercy. Paano nga ba? Ano nga ba ang gagawin niya? Kung ang ama na ng mga anak niya ang hanapin ng mga ito sa kanya. Anong idadahilan niya? Halos hindi makapagtrabaho ng maayos si Cristel ng araw na iyon. Gulong gulo ang isip niya, maraming mga bagay bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi rin siya makatulog ng maayos nitong mga nagdaang gabi dahil sa kaiisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD