CHAPTER 3

1392 Words
“Bro. Mukhang masama ang tingin sa’yo, ni Miss beautiful ah,” bulong ni Harold kay Arniel. Habang naka tingin sa kabilang dulo ng table ng tatlong babae, na nag iinuman. Nasa isang sikat na bar sila, nagyaya si Harold na mag inom, dahil kaarawan nito. Kaya paglabas ni Arniel galing kompanya nito, dumaritso na ito sa bar na napag usapan nilang magkaibigan. “Kanina ko pa ‘yan napapansin, masama talaga ang tama sa’yo pre!” natatawang sabi ulit ni Harold. Hindi naman pinansin ni Arniel ang sinabi ng kaibigan. Nakatitig lang ito sa basong hawak, at inalog ng bahagya, ang ice na nasa loob ng baso nito. Saka mabilis na nilunok ang alak na laman. Muli itong nag salin ng alak sa baso nitong hawak at walang ano ano ay nilunok na naman ng tuluyan. May pagtataka naman sa mukha ni Harold, na naka masid sa ginagawa ng kaibigan na si Arniel. Hindi ito naka tiis at pinuna na ang kaibigan. “Hoy! Parang uhaw na uhaw ka ah?” aniya. Ngumisi lang si Arniel bilang sagot. “Anong problema? ‘Yon nanaman bang Ex mo? Naiisip mo nanaman siya ano?” sunod sunod na tanong, ni Harold. Madalas kasi na kuwento ni Arniel, kay Harold, ang mga masasayang pinagdaanan noon nila ni Cristel. Mula ng magkakilala sila ni Harold. Naging palagay na ang loob ni Arniel dito. Si Harold ang tumulong kay Arniel, ng masiraan noon ang sasakyan nito. Nadaan ito ni Harold sa isang bakanteng lote na inaayos ang sasakyan nito. Nagka taon naman noon, na may byahe sila Harold ng mga niyog paluwas ng manila. Hindi ito nag alinlangan na tulungan si Arniel, dahil likas dito ang tumulong talaga sa mga na nganga ilangan. Pilit naman binabayaran ni Arniel si Harold ng maayos nito ang sasakyan niya. Pero pilit din naman tumanggi ang huli. Kaya naisipan ni Arniel na yayain ito kumain, makabawi man lang daw sa kabutihang loob nito. Pinaunlakan naman ito ni Harold. At doon na nga nagsimula ang kanilang pagkakaibigan. At simula noon madalas na ang paglabas labas at pagkikita nila Arniel at Harold. Bonding, inoman, at mag kwentuhan. Habang tumatagal naging malapit sila, sa isat isa. Hanggang isang araw, dahil sa kalasingan, ni Arniel nakwento nito kay Harold, ang kaisa-isang babaeng kanyang minahal ng subra. Pero hindi naman ni Arniel binabanggit kay Harold ang pangalan nito. Katulad na lang ngayon si Cristel, nanaman ang nasa isip ni nito. “Mahirap ba talaga siyang, kalimutan pre? Bakit? Hindi mo subukan, mag mahal ng iba,” saad ni Harold sa kaibigan. “Sinong may sabi, na iniisip ko siya,” bali walang sagot naman ni Arniel. “Hoooo... Obvious, na obvious ka, bro! Marami pa nanan na magagandang babae d’yan oh? Makakahanap ka pa ng mas higit pa sa Ex mo!? katwiran ni naman ni Harold. Hindi umimik si Arniel. Tinawag ang waiter para umorder ulit ng alak.“Hard wine, please!” Aniya. Mabilis naman sumonod ang waiter, at pagbalik nito ay may dala na itong alak at iniabot kay Arniel. Mabilis lang naman nito ‘yong ininom. Napailing nalang sa kawalan si Harold, habang pinagmamasdan ang kaibigang si Arniel. Maya maya ay tumayo na ito, at sinabi, “Uwi na tayo, bro. Lasing ka na!” “H-hindi pa ako, L-lasing,” sagot nito. “Anong hindi! Eh, ayan oh? Lupaypay ka na diyan oh! Halika na, ihahatid na kita!” Pagkasabi iyon ni Harold, ay inakay na nito patayo si Arniel, Lasing na lasing na ito. Tinawag ni Harold ang waiter at nag bigay ng pambayad sa mga nainum nila. Pagkatapos, isinampa ni Harold sa balikat niya ang kanang braso ni Arniel. At saka hinawakan ito sa baywang at inakay palabas ng bar. Si Harold narin ang nag drive ng sasakyan nito, alam naman niya ang pauwi sa bahay nila Arniel. Dahil ilang beses narin naman siyang nakapunta duon. Minsan pag walang driver ang Uncle Manolo nito siya ang tinatawagan ni Arniel para ipag drive ang matanda. Kinukuha na nga ito ni Don Manolo na personal driver, kaso mahigpit rin naman tumanggi si Harold, dahil napamahal na ito sa trabaho niya, at isa pa, mabait rin naman ang amo nito. Saka gusto rin naman niya 'yon, nakaka uwi uwi ito sa kanila, pag wala silang byahe ng mga kalakal paluwas ng manila. Nakikita pa at nakakamusta niya ang kanyang mga magulang. Habang binabagtas ni Harold ang daan pauwi sa bahay nila Arniel, ay panaka naka niya itong sinusulyapan sa kanyang tabi. Umungol ito ng mahina. Medyo naaawa rin siya sa kalagayan ng kaibigan. Dahil nakikita niya, lalo na kapag lasing si Arniel duon nito inilalabas ang bigat na nararamdaman nito. Tingin niya, sobrang mahal, na mahal nito ang dati nitong kasintahan, nakikita rin niya na subra itong nasaktan. “Happy birthday. Honey, nagustuhan mo ba ang surpresa ko sayo?” tanong ni Arniel kay Cristel. Sobrang saya ni Cristel ng mga oras na ‘yon, sa sobrang katuwaan nito, niyakap niya ng mahigpit si Arniel, at hinalikan sa mga labi. Sa pagkabigla ni Arniel, ay hindi agad ito naka kilos. Pero ng nararamdaman ni Arniel, na aalisin na ni Cristel ang mga labi nito, sa labi niya. Ay agad niya itong kinabig sa baywang, at pinalalim ang halik. “Hmmp,” napa ungol si Cristel. Nararamdaman niya ang dila ni Arniel na gumagalugad sa loob ng kanyang bibig. Habol hininga silang dalawa, ng maghiwalay ang kanilang mga labi, umangat ang kamay ni Arniel, para haplosin, ang napaka gandang mukha ni Cristel. At bumulong, “I love you hon...” Aniya. Hindi na hinintay ni Arniel, sumagot si Cristel. Muli niya itong hinalikan sa mga labi. Sa pagkakataong iyon, ay mas pinalalim pa nito ang halik. Unti unting gumagapang, ang mga kamay nito at naglalakbay, sa napaka gandang katawan ni Cristel. Napasinghap si Cristel, ng maramdaman niya, ang mainit na palad ni Arniel, na dumapo, sa kanyang kaliwang dibdib, at ang isa naman palad nito, ay naglalakbay sa kanyang likod. “A-arniel,” sambit niya, sa pangalan nito. Halos kapusin na siya ng hininga. Subra na rin siyang nadadala sa ginagawa ni Arniel. Konting konti na lang at bibigay na siya. Nagulat siya, at na patili, ng bigla siyang umangat, at buhatin ni Arniel. “A-ay! Arniel. Ano ba, baka malaglag ako! Ibaba mo na ako!” Malakas na sigaw ni Cristel. "Honey. Relax ka lang, wag ka mag alala, hindi ka mahuhulog!” sagot nito. Muling hinalikan ni Arniel, ang mga labi ni Cristel. Habang karga karga parin nito ang dalaga, papasok sa loob ng hotel, na inuupahan ng mga ito, para duon ipagdiwang, ang kaarawan ng dalaga. Nang marating ni Arniel ang pinto ng kwarto, sinipa niya ito, para bumukas. At nang makapasok sila, muli niyang sinipa, ang pinto patalikod, para sumara. Dahan dahan naman nitong, ibinaba si Cristel sa malapad at malambot na kama. Nag tama ang kanilang mga mata. Mga matang nangungusap, at puno ng pagnanasa. Kumilos ang mga kamay ni Arniel, dahan dahan nitong hinahaplos, ng hinlalaki nito, ang namumulang labi ni Cristel. At naglakbay ang mga daliri nito pababa, sa gitna ng dibdib ni Cristel. At unti-unting tinatanggal, ang ang botones ng suot nitong dress. Napapikit naman ng mariin si Cristel. At dinadama ang bawat paggapang ng mga kamay ni Arniel. “U-uhumm,” mahinang ungol ni Arniel. “Uy! Bro. Nandito na tayo, gising na!” Inalog-alog ni Harold sa balikat si Arniel, para magising. Pagmulat ng mga mata si Arniel,ay inaaninag nito ang paligid. Bago nag salita, “Nasaan na tayo?” tanong nito. “Nandito na tayo sa inyo. Lasing na lasing ka kasi, kaya inihatid na kita, bumaba ka na d'yan! At duon mo na sa kwarto mo ituloy, ‘yang pag ungol ungol mo! Mukhang, sarap na sarap ka eh!” Utos naman ni Harold dito, at bahagya pang natawa. Nang makapasok sa loob ng bahay si Arniel, agad rin naman nagpa paalam si Harold para umalis. May byahe pa kasi ito kinabukasan. Si Arniel naman ay mabilis, na pumasok sa banyo, para maligo at ng mahimasmasan. Pagkatapos nitong makapag shower, nag suot lang ng boxer at nahiga na ito. At nakatitig sa kawalan, na alala niya ang panaginip niya. Sa panaginip, bumabalik ang mga masasayang alaala nila ni Cristel, sa panaginip, niya rin niyayakap, at hinahalikan ang babaeng lubusan niyang minahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD