“Nanay, bakit po, nagliligpit ka ng mga damit natin? Saan po tayo pupunta?”
“Oo. nga po,nanay, aalis na po ba tayo dito? Pina aalis na po ba tayo ni lola Huling, ‘yong po may ari ng bahay na tinitirahan natin?”
Sunod sunod ang tanong ng kambal kay Cristel, nagtataka ang mga ito, kung bakit nag iimpake siya, ng mga importanteng gamit nila, at mga damit. Nangingiti si Cristel sa nakikitang reaction ng mga anak. Halos paiyak na nag mga ito habang nakatingin sa kanya na isa-isa niyang sinisilid ang mga damit nila sa isang malaking maleta, na hiniram pa niya sa kaibigang si Mercy. Tumigil siya sandali sa ginagawa at hinarap ang mga anak.
“Mga anak. Hindi naman tayo pina aalis ni lola Huling n’yo! diba? Gusto ninyo makita ang mga totoong lola at lolo ninyo?” tanong naman ni Cristel sa mga anak.
Biglang nagliwanag ang mukha ng kambal gulat na nagkatinginan pa ang mga ito habang nanlalaki ang mga mata. at sunod sunod na tumango.
“O-opo. Nanay! Doon po ba tayo pupunta kaya po, kayo nagliligpit ng mga damit natin?”
masayang tanong ni Lyca kay Cristel. Sumampa ito sa kama at kinuha ang ilang pirasong panty niya at tinupi.
“Lucas! Halika bilis, tulungan natin si Nanay, mag tupi ng mga damit natin!” tawag ni Lyca sa kapatid na si Lucas.
Mabilis naman sumunod si Lucas, agad rin itong sumampa sa kama katabi ni Lyca, kumuha rin ito ng ilang pirasong mga damit niya at tinupi.
“Nanay. Babalik pa po ba tayo dito?”
“Oo, nga po nanay, paano kami papasok ni Lucas? Saka po, paano po si ate Joan, kasama po ba natin siya?” na bahala na tanong ni Lyca sa ina.
Hindi magkamayaw ng kakatanong kay Cristel ang mga anak. Na kahit naman siya, ay hindi pa rin handa na magpakita sa mga magulang. Dama niya ang takot at hiya sa kanyang mga nagawang pagkakamali sa mga magulang.
Matagal niyang pinag isipan ang bagay na ito. Tama ang kaibigan niyang si Mercy. Hindi habang buhay siyang nag tatago sa kanyang pamilya. Lalo na at lumalaki na ang kanyang mga anak. Ginulo niya ang buhok ng kambal, at ngumiti bago pinisil ang magkabilang piange ng ito, saka siya sumagot,
“Kasama natin si Ate Joan, hindi natin siya pwedeng iwan. Saka hindi naman tayo magtatagal doon. Dito nagtatrabaho, si nanay diba? Dito rin, kayo nag aaral. Bibisitahin lang natin ang lola at lolo ninyo. Saka ang mga tito n’yo! Para makilala ninyo sila!”
mahabang pahayag ni Cristel sa mga anak. Sunod sunod na tumango ang dalawa at ipinag patuloy na ang ginagawa.
Nang matapos nila ang pag iimpake. Nag naghanda naman si Cristel ng kanilang haponan. Maaga siyang aalis bukas para ipag paalam sa paaralan ang kanyang mga anak. Kina usap narin niya si Aling Huling, ang may ari ng bahay.
Nagpaalam siya sa matanda na ilang araw silang mawawala. At bibisitahin lang ang mga magulang at kapatid na matagal ng hindi nakikita. Isa rin si Aling Huling na tumulong kay Cristel ng mga panahong siya ay walang wala. Dati itong landlady ni Mercy. Pero ngayon ay lumipat na ng bahay si Mercy kasama ang boyfriend nito. At na iwan naman siya sa inuupahang bahay, kay aling Huling.
Mabait si Aling Huling, matandang dalaga ito. Ito ang naging pangalawang ina niya, mula ng siya ay kupkupin nito.
Noong hindi pa siya makakahanap ng mag aalaga sa kambal, si aling Huling ang nag aalaga sa mga anak niya, at itinuturing na rin ng matanda, na parang tunay niyang apo ang kambal. Kaya mahal na mahal din ito ng mga anak niya.
Kinabukasan, maagang naman na nagpunta si Cristel sa school, ng mga anak niya, para ipag paalam sa mga guro nila ang mga ito, na ilang araw din silang mawawala. Pagkagaling naman niya doon. Dumaritso naman siya sa pabrika na pinag tratrabahoan, at nag file naman ng leave.
At dahil tanghali narin naman na, hinintay na niya ang paglabas ng kaibigang si Mercy, sa canteen ng kanilang pabrika. Gusto niya na mag paalam muna dito, bago sila umalis. Ilang minuto din siyang nag hintay sa paglabas ni Mercy, ng mamataan siya nitong naka upo, sa kabilang dulo ng bakanteng lamesa, ay ngiting ngiti ito, at patakbo pa siya nito, agad na nilapitan at hinawakan ang dalawang kamay, at nagsalita,
“Oh? Tuloy na tuloy na talaga ang inyong pagbabakasyon? Natutuwa ako sa desisyon mo. Tiyak, matutuwa ang mga inaanak ko! At ang pamilya mo?!”
“Naku! Oo Mercy. Ayun nga at hindi magkamayaw ang mga anak ko, sa katatanong sakin!” naka ngiti namang tugon ni Cristel sa kaibigang si Mercy.
“Oh? Pano, siya mag ingat kayo ha?"
“Oo. Salamat Mercy,” Aniya at niyakap ng mahigpit ang kaibigan.
Ng pagbitaw nila sa pagka kayakap sa isat isa, ay sabay pa silang nagpunas ng kanilang mga luha. Tears of joy, kay Mercy, para sa kaibigang si Cristel. Masaya siya, na muling makita ng kaibigan ang pamilya nito. Kahit sino naman ay gusto nakikita at nakakasama ang pamilya. Ng matapos ang kanilang pag papaalaman sa isa't isa.
Tuloy uwi ng bahay si Cristel. Nadatnan niya na bagong ligo, at bihis na bihis na ang mga anak. Halata ang sobrang excited sa mga mukha ng mga ito. At nakasukbit na rin ang kanya kanyang mga bag.
“Nanay! Aalis na po ba tayo?” salubong agad na tanong ni Lyca kay Cristel pagpasok na pagpasok sa loob ng bahay.
“Oo anak! Ready na ba kayo?”
“Opo! Nanay. Nag paalam na din po kami ni Lucas kay lola Huling!”
“Ok. Good. Ikaw Joan? Handa naba ang mga gamit mo?” tanong niya kay Joan, na ngiting ngiti rin na tumango naman si Joan sa kanya. Mukhang excited rin ang isang ito. Pakiramdam niya ay nahawaan na rin ng kanyang mga anak. Lumabas siya, at tumawag ng tricycle.
“Aba? Ay saan ang lakad nyo na mag iina! Bakit ata, kayo ay nag alsa balutan na!?”
sunod sunod na tanong ni Mang Ruel ang tricycle driver na tinawag ni Cristel, na maghahatid sa kanila, sa sakayan ng bus sa bayan. Kapit bahay nila ito. Mabait din si Mang Ruel, lahat naman na mga taong nakapaligid sa kanilang magiina ay hindi iba ang tingin sa kanila.
“Lolo Ruel, uuwi po kami sa probinsya nila Nanay. Bisitahin po namin, ang totoong lolo at lola namin!” mabilis na tugon naman agad ni Lyca.
“Oo nga po, lolo Ruel. Saka po, babalik din po kami agad!” sabat naman ni Lucas.
“Aba nga. Ay babalik kayo ha? Nako ay mamimis kayo ni Mikoy!” anang matanda.
Habang hinihintay nila si Cristel, na nagsasara ng pinto ng kanilang bahay. Ay marami pang kwento ang ang dalawang bata. Tuwang tuwa naman si Mang Ruel sa katabilan ng mga ito. Ng maka lapit si cristel, ay saka pinaandar na ni Mang Ruel, ang tricycle nitong pampasada.
Nang makarating sila ang bus station, patungong Manila. Agad nag paalam ang mga ito, kay Mang Ruel. Hindi pa gaanong marami ang pasahero, kaya sa bandang unahan sila naka upo. Si Cristel, katabi ang kambal, malapit sa may binta. Para matanaw naman ng mga ito, ang mga magagandang tanawin na kanilang madadaanan.
At si Joan naman ay, naupo katabi ng isang matandang babae, na sulo lang sa kinauupuan nito. May kalahating oras din ang hinintay, bago na puno ang bus, at agad na umalis patungong Manila. Malayo pa ang kanilang lalakbayin, at ilang oras din ang byahe. Kaya nag handa si Cristel,ng mga tubig na baon, pagkain at gamot, at mga plastic, baka kasi magsuka ang mga ito sa byahe.