“Inang. Naka tulala na naman ho, kayo, diyan sa beranda. Pumasok na ho, kayo sa loob, at malamig na!”
sabi ni Harold sa ina, habang ito ay tinabihan sa mahabang upuan na kawayan, at inakbayan ang ina. Naawa siya sa ina tuwing nakikita niyang malungkot ito. Halos limang taon, na itong ganito, simula ng umalis ang kapatid niyang si Cristel.
Naglayas ito, sa kadahilanang hindi nila alam. At sobrang nasaktan ang kanyang ina, at ama. Kitang kita niya sa mga mata ng mga ito ang kalungkutan. Halos hindi kumakain, at hindi rin makatulog ng maayos ang kanyang ina. Madalas din niya itong makita na umiiyak ng tahimik. Halos madurog ang puso niya, tuwing nakikita niyang ganoon ang kanyang ina.
Hinahanap niya ang kapatid, pero ni isa ay walang nakakita o, nakapag sabi sa kanila kung saan nag punta ang kapatid na si Cristel.
Halos halughugin niya ang buong Manila, tuwing siya ay nag ba-byahe ng mga kalakal, pero wala at hanggang ngayon, ay hindi pa rin niya ito nakikita.
Masakit para kay Harold, na nakikitang nahihirapan ang kalooban ng kanyang ina. Mahal na mahal sila nito. Lalong lalo na ang nag iisang babae, niyang kapatid na si Cristel. Umaasa parin siya na matatagpuan niya ng buhay, ang nawawalang kapatid, at iuuwi niya ito ng buo, para bumalik ang dating sigla ng kanilang tahanan.
“Inang...”
muling sambit ni Harold sa pangalan ng ina. Lumingon naman ito at bumaling sa kanya. Inihilig ang ulo nito sa balikat niya. Bakas sa mukha nito, ang sobrang kalungkutan.
“H-harold. A-anak. Wala pa ba, balita sa paghahanap mo sa kapatid mo? Halos, limang taon na siyang nawawala, malapit na ang kaarawan ko. Sana matagpuan na natin siya,”
wika ng kanyang ina, sa tono na parang maiiyak na.
“Wag ho, kayong mag alala Inang. Hindi ako titigil hanggat, hindi ko na kikita si Cristel!” sagot naman niya sa ina.
“Pumasok na ho, kayo doon sa loob, at malamig na dito sa labas, Baka kayo e, magkasakit nanaman!”
“Pangako mo sakin, Harold anak. Hahanapin mo ang kapatid mo! Kahit anong mangyari, alam mong mahal, na mahal ko kayong magkakapatid!”
“Oo, Inang, pangako po iyan!” sagot ni harold sa ina.
Pagkasabi niyang iyon, ay tumayo na ang nanay niya at marahang naglakad papasok sa maliit na kwarto nito. Habol tanaw lang niya itong pinagmamasdan. Ang laki ng ipinayat ng kanyang ina. Nawala ang dating sigla nito.
Kahit mahirap sila, ay pinalaki sila ng mga magulang nila, ng punong puno, ng pagmamahal sa isat isa. At masasabi niya na napaka swerte niya, na nagkaroon sila ng mga magulang na mapagmahal. Lagi rin siyang nanalangin, ng taimtim para sa kaligtasan ng kanyang kapatid.
Wala naman siyang sama ng loob dito. Kung bakit nagawa ng kapatid, niya na maglayas. Siguro ay may matinding problemang pinagdadaanan ito, kaya nagawa nito iyon. Pero hindi parin tama, na aalis ito ng basta nalang.
Napalingon siya sa taong, humawak sa balikat niya at sabay upo sa tabi niya, si Miko ito ang bunso nilang kapatid,
“Wala parin bang balita, kay ate Cristel kuya?”
Tanong nito sa kanya, at iniabot ang ang dala nitong isang tasa ng kape. Tinanggap naman niya iyon.Umiling siya sa kapatid, saka sumagot,
“Wala pa eh. Pero hindi ako titigil, hanggat hindi ko siya nakikita at maibabalik dito!”
“Hay! Kahit ako naghahanap din ako kuya, sa mga Internet, baka sakaling matagpuan ko rin si ate Cristel doon. Pero, wala pa rin eh. Sana, nasa mabuting kamay lang si ate!”
“Basta mag aral ka lang ng mabuti. Ako ng bahala maghanap kay Cristel. Pag wala ako dito, bantayan mo sina Inang at Tatang,” wika ni Harold sa kapatid na si Miko. Tumango naman si Miko bilang sagot.
“Nanay. Malapit na pa po ba tayo?” naiinip ng tanong ni Lyca.
“Malapit na anak,” aniya.
“Eh. Nanay, nasaan na po ba tayo banda?”
tanong naman ni Lucas habang palinga linga sa gilid ng binta ng bus.
Nakatulog na, at lahat ang dalawang bata, ay nasa byahe parin sila halos 36 hrs, rin ang byahe papuntang Manila. At pagdating nila ng Manila, mag ba-byahe ulit sila, papunta naman ng kanilang probinsya sa Puerto Galera. Naawa siya sa kanyang mga anak, dahil sa haba ng byahe, alam niyang pagud narin ang mga ito.
“Konting tiis na lang mga anak, nandito na tayo sa Manila. Konting oras na lang mararating din natin ang bahay ni lola at lolo ninyo!”
"Nanay, nawi-wiwi po ako!”
Maya maya ay sabi ni Lyca, mabuti na lang at sakto ng tumigil ang bus, sa bus station at pumarada doon agad naman nag babaan ang mga pasahero.
Ng makababa sila iniwan muna niya si Joan para magbantay ng mga gamit nila. At sinamahan ni Cristel ang mga anak para mag cr.
Pag kalabas nila ng cr, si Joan naman ang pinag cr niya. Ng matapos ito. Nag hanap muna sila ng makakainan ng tanghalian dahil mag a-ala una na ng hapon. Naubos na ang mga baon nilang pagkain sa bus, dahil sa haba ng byahe. Mabuti nalang talaga at naghanda siya ng maraming baon. Hindi masyadong naiinip ang kanyang mga anak sa byahe dahil kain ng kain.
Pumasok sila sa isang sikat na food chain sa Manila.
Nakakita naman agad si Cristel ng bakanteng lamesa at pina upo doon ang mga anak at si Joan. Saka siya nag tungo sa counter para mag order. Nagpalinga linga sa paligid si Lucas at Lyca.
“Lucas ang ganda pala dito sa---” nag isip si Lyca ng sasabihin niya, hindi niya maalala kung anong tawag sa lugar na pinuntahan nila.
“Ate joan. Ano nga po ang tawag dito sa lugar na pinutahan natin?”
"Manila. Manila, ang natatandaan ko Lyca,” aniya.
“Ay! oo nga po. Manila, ‘yon ang sabi ni nanay!”
sagot ni Lyca na tinapik pa ang lamesa ng maalala ang lugar. At muling nag kwentohan ang kambal. Natigil ang pag uusap ng magkapatid, ng may marinig silang nag uusap sa may banda unahan nila.
“Kuya Arniel, bakit po hindi ka po, kumakain po? Hindi ka po ba nagugutom? Ako gutom na po eh!”
“Hindi pa ako gutom baby. Sige na, kumain ka lang diyan!”
“Sige po, pero iuuwi ko po, itong tira kay nanay Openg ko. Dami po eh. Hinge mo po, ako plastic!” Utos ni Raya, kay Arniel.
Hindi naman pinapansin ni Arniel, ang sinabi ni Raya, dahil biglang may tumawag dito. Tumayo ito at sinagot ang tawag. Pero sininyasan nito ang isang waiter na papalapit at sinabihan na paki take out nalang ng tira. At binilinan din nito si Raya na wag aalis sa kina uupuan nito. Bago siya lumabas at kinausap ang tumawag.
Mataman lang naman nakatitig ang kambal sa katapat na lamesa nila. Ang table ni Raya. Ng mapansin ni Raya, na nakatitig si Lucas at Lyca sa kanya. Kina wayan niya ito at nginitian. Habang karga ang manika nitong si vicky na naagaw naman ng pansin ni Lyca.
“H-hi!” bati ni Raya, “What’s your name? You two are twins?” tanong ni Raya.
“Hi. Din po!” pa nabay pang sagot naman ng kambal.
“Opo. Siya po si Lucas at ako naman po si Lyca, at siya po ang ate Joan namin!” masayang sagot naman ng matabil na si Lyca.
“Ako naman si Raya, at ito naman ang bestfriend kong si Vicky...”
wika naman ni Raya. Tatayo sana ito para lumapit sa pwesto ng kambal. Ng bigla naman dumating si Arniel, at nagmamadali nitong niyaya pa uwi si Raya.
“Lets go baby. Some other time, nalang ulit tayo mag bonding, may mahalaga lang akong meeting na pupuntahan. Ok!”
Sabi ni Arniel, kay Raya at hinawakan na ito sa kamay at niyaya na palabas ng restaurant. Bitbit ang pina take out nitong pagkain.
Lumingon pa si Raya habang naglalakad, at nakangiting kumaway sa kambal bago tuluyang nakalabas. Sakto namang dating ni Cristel, dala dala ang mga inorder nitong pagkain. Na agad naman tinulungan ni Joan na maibaba sa lamesa ang mga pagkain. Sobrang tuwa naman ng kambal ng makita ang mga inorder ni Cristel na pagkain. Excited na nagsimula ng kumain ang mga ito.