CHAPTER 6

1957 Words
“Sino ang kinakawayan ninyo?” tanong ni Cristel sa mga anak. Nagtataka niyang nilingon, at sinundan ng tingin ang taong kinakawayan ng kanyang mga anak. Pero wala naman siyang nakita, kundi ang isang sasakyan na black BMW na paalis na. Binalingan niya ng tingin ang mga anak. Tinitigan niya sa mata ang mga ito at tinanong, “Sino ang kinakawayan ninyo?” ulit nitong tanong. “Nanay. Si Ate ganda Raya, po ang name niya!” sagot ni Lyca, kahit puno pa ang bibig ng kinakain nitong fried chicken. “Lucas! Anong sabi ko? Diba kabilin bilinan ko sa inyong dalawa na huwag kayong nakikipag usap sa taong hindi ninyo kilala!” Baling ni Cristel kay Lucas. Si Lucas ang madalas niyang pinag hahabilinan dahil, ito ang nauna sa dalawa. Dahil si lucas ay tahimik lang at mapagmatyag sa paligid, isa pa parang matanda, na rin itong mag isip. Hindi katulad ni Lyca, na makulit at madaldal. “Sorry po. Nanay. Pero mabait naman po si ate Raya, nanay. Saka po, para siyang bata, katulad ni Lyca. Pero malaki na siya nanay, bago ang ganda ganda ng mukha niya!” katwiran naman ni Lucas. “Oo nga po, Nanay! Saka po, Nanay may manika, siyang maganda! Vicky raw po ang pangalan!” sabat naman ni Lyca. Nakakunot noo lang si Cristel, sa sinabi ng dalawang anak. Inilagay niya nag hinimay himay niyang manok sa plato ni Lucas at Lyca. Saka siya naman ang kumain. “Mga anak! Kahit na mabait, ang isang tao. Basta sa susunod, huwag kayong nakikipag usap sa hindi ninyo kilala, ha? Iba na dito sa Manila, maraming manloloko. Malinaw ba ang sinabi ko?” “O-opo. Nanay, hindi na po mauulit!” sabay na sagot ng dalawa. “Okey. Sige na bilisan na ninyo ang pagkain at aalis na tayo. Baka tayo ay abutan na ng dilim!” Nang matapos silang kumain, nagtungo ulit, sila Cristel, sa sakayan ng bus pauwi na naman ng probinsya nila. Habang nasa kalagitnaan na sila ng byahe, halos lahat ng paligid na nadadaanan nila ay pamilyar na pamilyar sa kanya. Mga nagtataasang mga puno. Mga bahay at paaralan. Mga tindahan. Lahat ng ‘yon, ay muli niyang nakita. Halos abot abot na ang kaba ni Cristel. Malapit na kasi sila sa kanilang tahanan. Nasa barangay na nila sila sakay ng pampasaherong tricycle. Natatanaw na niya ang mga pamilyar na mga kabahayan, ng kanilang mag kapit bahay doon. Sa muli nilang pagkikita ng mga magulang. Hindi niya alam kong paano, hihingi ng tawad sa mga ito. Pero para sa kanyang mga anak. Tatanggapin niya galit ng mga ito. At kung ano man ang sabihin sa kanya ng mga magulang, ay buong puso niyang tatanggapin. Bukod sa napakalaki din ng kasalanan niyang nagawa. Ng huminto ang sinasakyang tricycle. Halos hindi mai tapak ni Cristel ang mga paa sa lupa. Tanaw na niya ang kanilang tahanan. Dahil malapit lang naman ito sa tabing daan. Konti lang naman ang distansya nito sa kalsada. Ang dati niyang tahanan na malapit ng magiba noon, dahil sa mga nagdaang malalakas na bagyo. Pero, ito at ang laki na ng pinagbago. Mula sa sira sira nilang pawid na dingding, at bubung na kugon. Ay ito na. At simintado na ang kalahati, at plywood na rin ang dingding at yero na rin ang bubong na may pintura ng kulay pula. Tuwing umuulan noon ay tumutulo na. At sinasahuran nalang ng kanilang tatang ng mga palangga at timba. Inikot niya ang kanyang paningin. Bawat paligid sa kanilang bahay ay lahat ay may pagbabago. Lalo na itong kinatatayuan nila ngayon. Ang dati niyang harapan ng bahay, ay ngayon ay may bakod ng, kawayan at gate din na kawayan, may pintura ng kulay green. Napakaganda ng pagkakagawa nito. At higit sa lahat napakaraming magagandang halaman. Dati naman, ay may mga tanim na silang halaman. Pero ngayon, ay mas lalong dumami at ang gaganda pa, lalo na ng mga bulaklak nito. Kahit na may kadiliman na ay, kitang kita pa niya dahil mayroon na rin sila na nagpapaliwanag na ilaw, at may kuryente na din. Dahil noon, ay gas na lampara lang ang gamit nila. “Nanay...” Saka lang bumalik si Cristel, sa wisyo ng kalabitin siya ng anak na si Lyca. Karga niya ito dahil nakatulog na ito, at ganoon din si Lucas na karga naman ni Joan. Ang driver ng tricycle ang nagbaba ng kanilang mga dalang gamit. Ilang oras na ba siyang naka tayo sa harapan ng bahay nila? Halos hindi na niya na malayan, “Ramon! Halika, madali ka! Parang may tao ata sa labas!” Malakas na sigaw ni Aling Lily ang nanay ni Cristel. Habang inaaninag nito sa bintana ang mga namataang tao sa labas ng kanilang bakuran. Humahangos naman dumating si Mang Ramon. Nagluluto ito ng sinigang na baboy, kaya may dala pa itong sandok ng makalapit. “Ay. Bakit ba? palahaw kana diyan Lily! Sino ba ‘yang mga inisilip mo dyan?” tugon ni naman ni Mang Ramon. “Ala. Ay, may tao doon sa labas ng bakuran natin. Nakikita mo ba ‘yung mga iyon. Ay may mga bata pang kasama, halika at puntahan natin!” Nag aalala na sabi ni Aling Lily. Saka hinila na ang asawa palabas ng pinto. Ng bigla naman silang tawagin ni Harold kasunod nito ang bunsong kapatid na si Miko. Ka papasok lang ng mga ito galing sa likod bahay. “Inang. Itang, ay saan po kayo pupunta? Aba ay madilim na eh!” tanong ni Harold. Nagtataka ito at parang hindi mapakali ang kanyang ina. “May tao sa labas Harold anak. Kanina ko pa napapansin, nakatayo lang doon, sa may bakuran, may kasama pang mga bata. Ating alamin kung sino!” “Baka naman kapitbahay lang ‘yan Inang. Masyado ka naman po, nababahala!” sabat naman ni Miko. “Ay, kung ganoon ay halika na kayo, at puntahan natin doon, kawawa naman ang mga batang kasama ay nag aagaw madilim na!” Ani naman ni Mang Ramon. At sumunod naman si Aling Lily dito. Nagkatinginan pa si Harold at Miko, wala na ring nagawa at sinundan narin ang mga magulang na lumabas. “Magandang gabi mga Ining! Kayo ba ay may mga taong hinahanap?” tanong ni Mang Ramon. Pagkalapit nito sa gate na kawayan, at kinalag ang pagkaka sabit, ng tali sa kanilang gate na kawayan.Hindi naman sumagot si Cristel, sa tanong ng kanyang Tatang. Nakatungo ito at, nakatago sa mga malulusog na braso ni Lyca, ang kanyang mukha. Wala siyang lakas ng loob. Halos hindi siya makagalaw sa kinatatayuan. Umaagos lang sa kanyang pisngi ang kanyang mga luha. “Taga saan ba kayo? Naliligaw ba kayo? Halika kayo pumasok kayo sa loob!” sunod sunod na tanong ni Aling Lily. Biglang nag angat ng mukha si Cristel. Ng marinig ang boses ng kanyang Inang. Mis na mis na niya ang mga ito. “I-inang...” Tawag ni Cristel sa inang niya. Halos hindi na maisa tinig ang pangalan nito. Nang laki ang mata sa pagkagulat ng kanyang ina, ng tawagin niya ito. Ang kanya namang tatang ay napaatras ng kunti sa pagkabigla. “C-cristel...” “C-cristel! A-anak ko? Ikaw ba iyan?” Tanong ni Aling Lily. Halos hindi ito makapaniwala sa nakikita. Dahan dahan itong lumapit kay Cristel. Iniangat nito ang kanang kamay para hawakan ang pisngi ng anak na si Cristel. Sinisiguro nito kung ito nga ba ang nawawalang anak. "Inang!" “I-itang...” Mahinang tawag ni Cristel sa mga magulang niya. Kapwa sila mga luhaan. Ibinababa ni Cristel ang anak na si Lyca. Para makausap ng maayos ang mga magulang. Kinuha naman ito ni Joan, at hinawakan sa magkabilang kamay. Nakatingin lang naman ang mga bata. At nagtataka kung ano ang nangyayari. “Inang! Itang ko! Patawad po!” Humahagulgol na sabi ni Cristel. Habang papalapit sa mga magulang. Agad naman itong niyakap ng kanyang ina. Gumanti rin siya ng mahigpit na yakap dito. Halos wala na siyang maaninag dahil sa patuloy na pag agos ng kanyang masaganang luha, sa mga mata. Naramdaman niya na may humawak sa balikat niya, ang kanyang tatang ito. Pumaling si Cristel sa kanyang tatang bago nag salita, “Tatang ko. P-patawarin mo po ako! tatang! M-marami po akong pagkakamali sa inyo ni Inang!” halos mautal ng sabi ni Cristel, sa mga magulang nito. Patuloy lang ang pag agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Nakatulala naman, at hindi makagalaw sa kinatatayuan ng mga ito ang magkapatid na Harold at Miko. Katulad ng mga magulang nito ay biglang bigla rin sila sa nakita. Ang matagal na nilang hinahanap ngayon ay kusang bumalik. Halos hindi na rin ni Harold namalayan na umaagos ang kanyang mga luha sa mga mata. Si Miko naman ay narinig niyang sumisinghot, at mahinang binigkas ang pangalan ni Cristel. Kitang kita ni Harold kung paano nanabik ang mga magulang nito kay Cristel. Ang tagal niya itong hinanap ang kapatid. Halos hindi siya tumigil matagpuan lang ito. At ngayon kusa itong nagbabalik at hindi lang nag iisa. Kundi may mga kasama ng mga bata. Kung hindi siya nagkakamali sa kanyang naiisip. Siguro ay mga anak ito ni Cristel. Nang mag angat si Cristel ng mukha, mula sa pagka kayakap sa mga magulang, ay nagtama ang paningin niya sa dalawang taong nakatayo sa labas ng pinto ng bahay nila. Muling dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata. Naka tulalang nakatingin lang naman sa kanya ang dalawang kapatid na lalaki, ang kuya Harold niya, at ang bunsong kapatid na si Miko. Umalis siya sa pagka kayakap sa mga magulang, at dahan dahang humakbang patungo sa kinatatayuan ng mga kapatid. Habang ang mga magulang naman niya, ay marahang nilapitan si Joan, na hawak sa magkabilang kamay nito ang kambal. Walang tigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ng nanay ni Cristel. Tumingin muna ito kay Joan saka ngumiti, bago pumaling sa dalawang bata. Saka niya tinanong ang mga ito, “Anong mga pangalan ninyo? Kayo na ba ang mga apo ko?” tanong nito sa kambal saka hinawakan ang magkabilang pisngi ni Lucas at Lyca. “Ako po si Lyca lola, siya naman ang ate Joan namin!” marahan at medyo nahihiya pang sagot nito. “Ako naman po si Lucas. Kayo po ba? ang lola at lolo namin?” Mabilis na tumango si Aling Lily bilang sagot sa tanong ni Lucas. At hinila ang asawa nitong si Mang Ramon, “Kami ang lola at lolo ninyo! Siya si lolo Ramon, ninyo. At ako naman, ang lola Lily ninyo! Halika kayo mga apo ko!” Masayang wika ni Aling Lily. Saka kinabig ang dalawang bata at niyakap ng mahigpit. Tuwang tuwa ang dalawang matanda. Samantalang si Cristel, naman ay nahihiya na tumingin sa dalawang kapatid. “K-kuya Harold! “M-miko...” “Patawarin ninyo ako kuya! Kung umalis akong walang paalam!” nakatungong sabi ni Cristel. Walang sabi sabing, kinabig ito ni Harold, para yakapin. Kahit ganoon ang ginawa nito, hindi siya nakaramdam ng sama ng loob para dito. Katulad ng mga magulang niya, ay mis na mis niya ang kapatid. Naramdaman ni Cristel ang isa pang pagyakap mula sa kanyang likuran ang bunsong kapatid niyang si Miko. “Ate. Mabuti naman umuwi kana! Ang tagal ka namin hinanap. Lalo si kuya Harold. Hindi siya tumitigil, makita ka lang! Salamat ate, nag balik kana!” Walang masagot si Cristel sa tinuran ng kapatid. Hindi niya alam kung saan at paano siya, magsisimula na magpaliwanag sa mga ito. Nabalik siya sa ulirat, ng marinig niya ang halakhakan lalong lalo na, at nangingibabaw ang boses ni Lyca. Na alaala niya. Kasama nga pala niya ang mga anak. Hindi pa niya ito, ipinakilala sa mga magulang niya at kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD