bc

The Unwritten Destiny

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
billionaire
reincarnation/transmigration
HE
opposites attract
confident
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
loser
campus
surrender
like
intro-logo
Blurb

Synopsis of Unwritten Destiny

It is the story of a man named Jared who is living a luxurious life being the CEO of his own company with a beautiful girlfriend named Chelsea and a story of a girl named Althea who lives as a poor girl and a bread winner with a sick father and a brother who is studying. She makes money by cheating and stealing things from others. They will both be involved in an accident where they will wake up in a different timeline. They will wake up in a different body, a different personality. Jared as Lance who picks up trash to buy food and Althea as Samantha who is an heiress and the richest person in the country. In search of an answer to what happened to them, they find each other in that world and together they will look for a solution and an answer to the wonder that is happening to them. While their bodies remained comatose in their timeline. In order to return to their bodies and world they need to find the key to how they can return according to a spirit guide who showed them. while looking for an answer together, they both fell in love with each other and had special feelings. When the time came that they found a way to return to their world, Althea didn't seem to want to go back because she didn't want to lose her feelings for Jared. She knows that the moment they come back, they will also back to reality, Jared with Chelsea and her with her poor life and empty heart.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 -Unang Pagtatagpo
Chapter 1 Taong 2023. Kabilaan ang pitik ng camera. Click! Click! Hindi magkandaugaga ang mga tao sa kakakuha ng litrato kina Chelsea at Jared. “Hi, Miss Chelsea!” sigaw ng isang photographer sabay click ng camera. Ngumiti naman dito ang dalaga. Si Chelsea Almuerfe ay isang sikat na modelo sa mundo ng fashion. Kilala siya international man o local sa taglay niyang ganda at galing sa pagrampa at pagdala ng mga branded na damit samantalang si Jared Gastardo naman ay CEO ng mga naglalakihang kumpanya living his luxurious life. Matangkad, gwapo at sopistikado halos perpekto ang relasyon ng dalawa kaya marami ang nag-aabang kung kailan ang grand wedding ng taon na siguradong pag-aagawan na maicover ng kahit na sinong reporter. Sabay na naglakad sa red carpet ang dalawa. “Hay! Nakakapagod.” reklamo ni Chelsea pagkapasok niya sa van. Agad siyang kumuha ng alcohol at nagspray sa katawan. Binuhusan niya rin ng makailang ulit ang mga kamay niya dahil maraming tao ang kinamayan niya habang nasa labas siya. Diring-diri na nilinis niya ang sarili. “Ok lang yan, nakasama mo naman ng matagal si Jared. Sa tagal ng relasyon niyong dalawa ngayon lang siya nagtagal sa isang event. Lagi na lang siyang busy tulad ngayon ni hindi siya sumakay dito sa sasakyan mo instead sumakay siya sa sarili niyang sasakyan.” wika ng baklang si Mat. “Ayos lang na hindi siya sa akin sumabay, ayoko naman makita niya na diring-diri ako sa paglilinis ng sarili ko nu?” wika ni Chelsea habang nireretouch ang sarili sa salamin dahil may pupuntahan pa silang dinner meeting. “Imagine? Sa tagal din ng relasyon niyo hindi pa yata niya nakikita yang maarteng side mo.” nang-aasar na tukso ni Mat. Si Mat ay ang all around personal assistant niya ito rin ang make-up artist niya at kung anu-ano pa. “Kakampi ba kita o ano? Saka for your information lahat ng tungkol sa akin alam ni Jared. Hello! Twenty five years of my life, nasa sinapupunan pa lang kami ng mga magulang namin may tali ng nag-uugnay sa aming dalawa.” mataray na pinanlakihan ni Chelsea ng mata si Mat. Namungay ang mga mata ni Chelsea nang maalala ang gwapong mukha ni Jared na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan sa event na iyon. Itinaas na lang ni Mat ang dalawang kamay bilang pagsuko at nagkunwaring inayos ang mga gamit ng dalaga. Pabagsak na umupo si Jared sa sopa pagkarating niya ng bahay. Kasama niya sa bahay ang matalik niyang kaibigan hashtags alalay hashtags adviser at kung anu- ano pang hashtags sa dami ng role nito sa buhay niya. “Tired?” tanong ni Brent naglapag ito ng green tea sa lamesa ni Jared at saka umupo sa tabi nito. “Nakakapagod ang maghapong nakatingin sa camera at required na laging nakangiti.” ininom ni Jared ang tsaa. Fiance niya si Chelsea dahil kababata niya ito noon pa. Nasa sinapupunan pa lang sila ng mga magulang niya ay pinlano na ng mga ito ang magiging kasal nilang dalawa. Kahit fix marriage ang nangyari sa kanilang dalawa ay mahal na mahal niya ang dalaga. Maliit pa lang sila ay siya na ang tagapagtanggol nito sa lahat ng bagay. Magkaparehas sila ng school na pinapasukan mula elementary hanggang magcollege sila sa harvard. Alam niyang may kaartehan ang dalaga pero hindi niya ito masisisi dahil lumaki ito sa karangyaan hindi tulad niya na natutong makisalamuha sa mga mababang tao sa lipunan. Umupo sa tapat niya si Brent. “So kailan ka magpopropose? Sigurado ka na ba sa kanya?” tanong ng kaibigan. Huminga ng malalim si Jared bago sumagot. “Mahal ko siya and that’s it, nothing to explain.” wika niya tinapos lang niya ang pag-inom ng tsaa bago pumasok ng sariling kwarto. Naiwang iiling-iling si Brent para sa kanya hindi siya boto kay Chelsea para sa matalik na kaibigan. Maarte ito at ni hindi marunong ng gawaing bahay lagi na lang kailangan may nakasunod na katulong o alalay ito para may mautusan. Pagpasok sa kwarto ay naligo saglit si Jared paglabas ay may hinalungkat sa cabinet niya. Kinuha niya ang isang itim na kahon at saka binuksan. Tumambad sa mata niya ang matagal na niyang tinatago na singsing na ipinamana sa kanya ng lolo niya. Ilang henerasyon na daw ang pinagdaanan ng singsing na iyon kaya ibigay niya daw iyon sa babaeng pakakasalan niya. Ang singsing na iyon ay nababalot ng maliliit na diamante. Napangiti siya habang iniimagine kung paano matutuwa si Chelsea kapag nagpropose na siya. Mahal niya ang dalaga sa kabila ng ilang mga negative traits nito. Lagi siyang nakasuporta dito kahit abala siya sa trabaho niya. I’m on a business dinner, goodnight sweetheart. Nakalagay sa isang notification ng cellphone niya. Laging ganun si Chelsea sa kanya, laging nagrereport kung nasaan at anong ginagawa nito. Napatingin siya sa picture nilang dalawa sa bed side table niya. Hindi na niya mahintay na makaisang dibdib ito. Nahiga siya habang hawak sa dibdib ang litrato nilang dalawa ng dalaga. Kring! Kring! Ding! Dong! Paulit-ulit ang mga tunog sa isip ni Jared. Teka! Anong oras na ba? Tanong sa sarili ni Jared. Tiningnan niya ang wrist watch na nakapatong sa bedside table niya. Alas kwatro ng madaling araw?! Sino bang poncio pilato ang kakatok sa bahay nila ng ganoon kaaga? Kringngggg! Muling tunog ng telepono niya. Hindi niya muna iyon sinagot. “Brent!” sigaw niya. Napasarap yata ng tulog ang mokong na yun ah. Isip-isip niya. Pagbukas niya ng pinto ay wala namang katao-tao sa labas. Kringg! Saka niya sinagot ang tawag. “Jared! Si Chelsea! Naaksidente si Chelsea!” umiiyak na sabi ni Mat sa kabilang linya. Halos hindi na niya naintindihan ang ibang mga sinabi nito. Nablangko ang utak niya at hindi halos nagsisink-in sa isip niya ang mga sinasabi nito. Nakatulala lang siya habang nakatapat ang telepono sa tenga niya. “Jared? What’s wrong?” pupungas pungas na nagising si Brent. Narinig nito na may nagsasalita sa kabilang linya pero nanatiling nakatulos sa kinatatayuan si Jared. Kinuha niya ang cellphone nito at sinagot iyon. “Si Brent ‘to. Mat? What happened? Ano?! If this is a prank hindi ito nakakatuwa.” may tono ng galit si Brent. Nakatingin siya kay Jared habang kausap niya si Mat sa kabilang linya. Parang kandilang nauupos na naupo sa sopa si Jared. “S-sige p-papunta na kami.” tinapos na ni Brent ang usapan nila. Tinabihan niya si Jared at niyakap ito. “Lakasan mo ang loob mo.” tanging nasabi na lang nito sa kaibigan. Nang marinig iyon ni Jared ay para bang saka lang nagsink in sa kanya ang lahat. “This can’t be true Brent. Hindi ito totooo.” nagpipigil siyang umiyak pero parang may mabigat na nakabara sa lalamunan niya habang mas pinipigilan niyang umiyak. Kinabukasan, laman na ng lahat ng balita sa buong mundo ang pagkaka-involve ni Chelsea sa isang aksidente. INTERNATIONAL MODEL CAR CRASH. Lahat halos ng headline mapa-dyaryo o social media ay ito ang nakasulat. Ayon sa assistant nitong si Mat ay nagpaalam ito pagkatapos ng dinner meeting nila na mag-a-unwind lang at ayaw nito ng may kasama. Nauna niyang pinauwi si Mat at nabalitaan na lang ni Mat na naaksidente ito dahil tinawagan niya ito at mga pulis ang sumagot sa tawag niya. “She’s in a coma plus injuries on her spinal cord, head and soft tissues. Tinitingnan pa namin kung may internal bleeding.” wika ng doktor. “As of now ang masasabi ko lang samahan natin ng dasal ang kalagayan niya.” dagdag pa ng doktor. Nanghihina si Jared sa narinig, napatingin siya kay Chelsea na noon ay halos hindi makilala dahil sa namamaga nitong mukha at mga sugat sa katawan. Nakabalot din ng benda ang mga paa nito at kamay. Pakiramdam niya hindi nya kayang makita sa ganoong kalagayan ang dalaga. Wala sa sariling naglakad siya palabas ng ospital pakiramdam niya nakalutang siya sa kawalan. “Aray!” sigaw ng isang babae, nakabangga na pala siya at naapakan pa niya ang paa nito. Para siyang natauhan nang marinig itong sumigaw. “S-sorry. Sorry. Are you ok?” tanong niya rito. Nakita niyang may nakatapal na band-aid na may bulak sa braso nito. “Tumingin ka nga sa nilalakaran mo!” mataray na sagot nito na abala sa pag pagpag sa nadumihang sapatos. “S-sorry ulit hindi ko sinasadya Miss.” wika ni Jared. “Althea! Althea!” sigaw ng isang may edad ng babae na humahabol dito. Hingal pa ito ng huminto sa tapat nilang dalawa. Nag-abot ito ng pera kay Althea. “Salamat ah? Pangalawa mo na ito. Pahinga ka lang dalawang buwan pwede ka na ulit.” wika nito kay Althea. Inabot ng dalaga ang pera saka ibinulsa. “Kahit isang linggo lang ok na ako ulit, sabihin mo sa akin kapag kailangan mo pa ng dugo ko.” kinindatan pa ni Althea ang babae. “Ano ka ba! Mapapahamak ka naman sa ginagawa mo baka mapaano ka naman.” tinapik nito si Althea saka umalis. Umalis na rin si Althea na hindi na pinansin si Jared. Hindi na rin umimik si Jared at nagtungo na sa parking area kung saan nakapark ang sasakyan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

Mang Julio (SSPG)

read
52.5K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
20.1K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
27.7K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.1K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
145.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook