NOVEL'S POINT OF VIEW Hindi muna kami umalis kaagad ni Ismael. Pagkatapos nilang kumain ay kinakausap namin sila. “Matagal na kaming narito, palaboy-laboy. Mayroong mga taong lumalapit sa amin na tutulungan daw kami. Minsan may mga dala pang pagkain at inumin din. Pero wala rin, napako rin ang pangako nila nang makuha na ang botong nais. Hindi rin kami tinatanggap sa trabaho, matanda na, wala ring pinag-aralan, 'di nakapagtapos. Higit sa lahat ay ganito ang hitsura,” wika ni Aling Marie, ang pinakamatandang naroon na babae. Nalungkot naman kami ni Ismael sa aming narinig. “Hayaan niyo po, kapag kaya po naming magdala ng makakain at maiinom o mga damit din po, pupunta po kami rito. Para po kahit paano ay makatulong kami,” saad ki at ngumiti sa kanila. “Tutulong din po ako, kakausapin k

