NOVEL'S POINT OF VIEW Lumipas ang ilang buwan ay mas nadagdagan na ang nagpapagawa sa akin ng script para sa commercial nila. Ang ilang script na ginawa ko para sa commercial din ng mga kakilala ni Ismael ay ang iba tapos na i-shoot. Ang ilan naman ay sinisimulan na. Nakakahiya man pero nag-resign na ako sa lugawan ni Aling Mina. Ang oras ko rin sa pagtatrabaho sa karinderya ay nakatakda sa unang sinabi ni Ma’am Ella noon pa man. Pagkauwi ko galing sa trabaho ay siyang sinisimulan ko ang pagsusulat. Kasalukuyang gamit ko ngayon ang laptop na nabili ko gamit ang mga kinita ko. “Busy na busy ah?” tanong ni Sherly na kapapasok lang sa bahay habang may bitbit na meryenda. Hindi mawawala ang lugaw sa business ni Aling Mina. “Ah, nire-recheck ko lang itong manuscript ko ago ko ipasa. Last day

