NOVEL'S POINT OF VIEW Tulala ako habang nakatingin sa salamin. Simpleng itim na pantalon at white shirt na may design na laptop ang suot ko. Pinanatili kong nakalugay ang buhok ko at naglagay lamang ng simpleng white hairband sa ulo. Bukod doon ay pulbo lang nilagay ko sa aking mukha. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa buong sistema ko ang aking nalaman. Seryoso ba talaga na iyon ang ibig sabihin n’on? Pero lahat na yata ng tiningnan kong source, inaral ko rin paano pa mag-decode at ‘yon pa rin ang mga salitang lumabas, ang ‘I love you’. Napaigtad ako nang may biglang bumusina at kilalang-kilala ko kung kaninong sasakyan nanggagaling iyon. Wala namang iba kung ‘di ang sasakyan ni Ismael. Napapikit at pagkalagay ng kamay sa bandang dibdib ay mas lalo kong nadama ang mabilis na pagtibok ng

