NOVEL'S POINT OF VIEW Ito na ang huling araw ng pagpapasa ng entry sa paligsahan ng Vixo L. Agad naming ipinasa ni Sherly ang entry ko gamit ang aking email. “Sana makapasa!” “Tiwala lang, malakas ang pakiramdam kong makakapasa ka!” “Sana nga, salamat ulit Sherly ah?” “Wala nga ‘yon! Basta support lang ako sa’yo. Oh siya magpahinga ka na at may trabaho ka pa bukas,” aniya at matapos ay pumunta na ako sa tirahan ko. Pagod ako na humarap sa lumang salamin at kapansin-pansin sa aking sarili ang mga pagbabago. Pumayat na ang dating may katabaan kong katawan at kita na rin ang nabuong eyebags. Nagdesisyon akong mag-ayos na ng sarili para makapagpahinga na, Habang nag-aayos ng sarili ay muling inagaw ang atensyon ko ng pagtunog ng aking cellphone. Tumatawag muli si Aling Mina kaya kaagad k

