NOVEL’S POINT OF VIEW Naging maganda ang gising ko kinaumagahan. Sa Linggo rin ang nasabing araw na pakikipagkita ko sa mismong may ari pa ng Vixo L. kasama ang sekretarya nito. Pero makakahabol pa rin naman ako sa imbitasyon ni Ma’am Ella dahil umaga naman ang nasabing meet up. Naalala ko rin na ‘di ko na pala natawagan si Aling Mina kagabi kaya kaagad kong kinuha ang aking cellphone. Ilang ring lamang ay sinagot na ang aking tawag. “Magandang umaga po!” “Magandang umaga rin, Novel!” “Pumapayag na po pala ako sa alok ninyo. Sa Linggo po ay magsisimula na po ako mismo sa tinakdang oras,” saad ko. “Maraming salamat hija sa pagpayag! Kahit sa Lunes ka na magsimula para makapagpahinga ka nang maayos,” sagot niya. “Sige po, maraming salamat!” ___ Ilang araw lang ulit ang lumipas ay ara

