NOVEL'S POINT OF VIEW Katulad nang sinabi ko kay Sir Ismael ay hindi niya na ako kailangang ihatid sa aking pupuntahan. Pareho kaming tapos na kumain at nasa parking lot na ng Buena Restaurant. "Are you sure na hindi na kita kailangang ihatid?" muling tanong niya, medyo natawa na lamang ako pero patago lamang. "Hindi na po Sir Ismael. Pero salamat po sa alok!" aking sagot at ngumiti nang tipid. Napalunok ako ulit dahil sa matagal na pagtitig niya sa akin. Pagkatapos ay umiwas siya ng paningin at bumuntonghininga. "Ihatid nalang kita sa may sakayan papunta sa kung saan ka man patungo," ani nito sabay lingon sa akin. Mukhang mapilit siya, gustong-gusto ko pumayag sa alok niyang ihatid ako pero baka ano isipin nila Ma'am Ella. Hindi pa ako handa sa reaksyon nila. Lalo na ngayon na sigura

