NOVEL’S POINT OF VIEW Pareho lamang kaming tahimik sa buong byahe at nakasilip lang ulit ako sa labas. Hindi ko alam paano iproproseso ang mga narinig ko kanina. Mas iiwas na ako sa kaniya matapos nitong paghatid sa akin kahit magkasama pa kami sa shoot para sa advertisement ng produkto nila! Ngayon ay ipinagdarasal ko na sana walang nakakita sa amin kanina sa second floor. Masama pa niyan kung mayroon at kakilala pa ni Sir Ismael at ng asawa nito ay kinuhanan kami ng litrato! Diyos ko! Ayokong mapagkamalang kabit kahit ‘di naman! Iniisip ko palang nakakikilabot at siguradong sira ang image ko sa mga tao lalo na kung kakalat ito sa social media! ‘Di imposibleng mangyari iyon lalo na kilalang tao si Sir Ismael at sigurado pati ang kaniyang pamilya! Kaya simula ngayon pa lamang Novel, ma

