NOVEL'S POINT OF VIEW Dumating ang araw na sisimulan na ang shoot para sa commercial. Gabi ang shoot kaya mas pinili ko munang magtrabaho sa karinderya at nakapagpaalam na rin ako kay Aling Mina na hindi ako makakapasok sa trabaho. “Dapat nagpapahinga ka na hija para mamayang gabi. Alam mo naman kapag mga shooting-shooting parang ang bilis lang gawin pero madalas inaabot iyan ng ilang oras. Minsan inaabot ng madaling araw o umaga talaga kahit sa isang eksena lang,” saad ni Ma'am Ella. “Sanay naman na po ako kung mapuyat, saka huwag po kayong mag-alala Ma'am Ella sa akin. Itutuloy daw ang shoot kinaumahahan kung hindi kayang tapusin mamayang gabi. Ang sabi ko nga po kay I-Ismael kahit wala na ako roon pero gusto niya pa ring makita ko raw,” tugon ko habang hinuhugasan ang mga pinggan.

