NOVEL'S POINT OF VIEW Habang nasa byahe ay paminsan-minsan tumatanaw ako sa labas. Maganda ang vuew at mga pailaw sa dinaraanan namin. Ilang sandali lamang ay ako ang bumasag sa katahimikan. “Gusto ko ring matuto ng sign language para mas magkaintindihan kami ni Maui,” ani ko at tumingin sa kaniya. “Don't worry, tuturuan kita kahit paunti-unti muna, is that okay watashi no tsuma?” tugon niya at saglit na hinawakan ang aking kamay. “Totoo?!” “Of course! I'm sure Maui will be very happy,” ani niya at ngayon naman ay hinalikan ang likod ng palad ko. “Thank you!” saad ko at hinawakan din ang kamay niya gamit ang kanang kamay ko. Matapos n'on ay naalala kong may sasabihin pala ako sa kaniya. “May gusto pala akong s-sabihin. Ayos lang ba mag-usap tayo habang nasa byahe o pagkarating nala

