NOVEL’S POINT OF VIEW LUMIPAS na ang mga araw at bumuti na rin ang kalagayan ni Ismael. Kaya naman nakakapasok na siya sa opisina at mas naaasikaso na ang kaniyang kompanya. Ako naman ay medyo malapit-lapit na rin ang shoot para sa commercial para sa business ng adoptive parents ko. Nag-iisip na rin kami nila Ismael kung paano isasagawa ang birthday party ni Maui. Sunod bukas ay ang panahon na rin upang tuluyang magharap si Maui at ang kaniyang ama. Bago pa kami nagdesisyon nang tuluyan ay kinausap muna namin ang bata kung handa na ba siya na makaharap ang tunay na ama. Flashback Narito kami ngayon sa opisina ni Ismael. Ako ay hinihintay pa rin kung may email na ba patungkol sa result ng manuskritong ipinasa ko sa publishing house. Habang si Maui ay tahimik na nag-co-color sa kaniyang

