NOVEL'S POINT OF VIEW “I finally see you again, Mr. Zio Villareal. But this time, we will have a different talk,” ani ni Ismael at saka inangat muli ang paningin mula nang napatingin ito sa magkahawak na kamay nina Zio at Issa. “Opo, Kuya Ismael,” tugon ni Zio at napansin ko ang paglunok niya at alam kong maging si Ismael. Masyado yatang naging observer ang kasintahan ko lalo na ngayon. “Good.” Seryosong-seryoso talaga siya ngayon at napailing-iling na lamang ako. Naiintindihan ko rin naman lalo na kapatid niya si Issa at babae kaya masyado rin siyang overprotective. Minsan nga lang ay kinakausap ko siya kapag sumosobra na rin. Itinabi ko muna ang laptop ko saka ibinulsa ang keypad ko pang phone. Nasa sala kami ngayon at inabala ko na lang muli si Maui sa coloring books habang si Ismae

