NOVEL’S POINT OF VIEW PAGKARATING ko sa may gate pa lang ay si Ismael na ang bumungad sa akin. Inabangan niya talaga ako at niyakap ako nang mahigpit pagkakita sa akin. “I miss you so much, watashi no tsuma,” bulong niya at hinalikan ako sa noo. “Aysus, naglalambing ka ulit ano? Na-miss ko rin ikaw, sweety Vixo,” tugon ko at matapos niya humiwalay sa pagkakayakap sa akin, tumiwid ako saka pinaglapat saglit ang labi namin. Kaya naman medyo nabigla pa rin siya. “K-Kumusta nga pala ang nangyari kanina? N-Naging maayos naman din ba kahit paano?” tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa mansion. Medyo mahaba lang talaga ang lalakarin namin sa sobrang lawak ng espasyo. “Naging maayos naman pero hindi masyadong nakapagsalita si Maui, pero naiintindihan ko rin. Bago pa man kami umalis,

