NOVEL'S POINT OF VIEW PAGKATAPOS naming maghapunan ay sila Manang Clara na ang nag-asikaso sa kusina. Si Maui naman ay nauna na muna sa kaniyang silid. Sumabay siya paakyat sa ikalawang palapag kina Tita Isabelle, Tito Mark at Issa. Kami naman ngayon ni Ismael ay nasa may bungad lamang ng hagdanan. “Hmm, gusto mo bang kausapin si Issa? Kausapin mo o natin kung gusto mo? Alam kong nahalata mo rin ang nahalata ko kanina,” ani ko sa mahinang boses lamang saka marahang pinagsiklop ang aming kamay. Humugot naman siya ng isang malalim na hininga at dahan-dahang tumango at hinaplos-haplos muli ang pisngi ko gamit ang kaliwa niyang kamay. “Naisip ko rin iyan, watashi no tsuma. Kung sa pag-aaral kasi ang problema niya, palagi naman siyang nagsasabi sa amin. Nakakapanibago lamang na hindi siya na

