NOVEL'S POINT OF VIEW ANG tawag sa cellphone ni Ismael ang nagpatigil sa amin. Mabilis kaming naupo ulit at kapwa ay hinahabol din ang sariling hininga. Kumindat pa sa akin si Ismael bago ipinakita ang screen ng phone at sumenyas na sasagutin lamang niya ang tawag ni Tita Isabelle. Paulit-ulit naman akong napalunok saka tumango sa kaniya habang kagat ang ibabang labi. “Hello, mom?” Bungad na sambit ni Ismael pagkasagot ng tawag. Tila mahaba-haba ang sinasabi ni Tita at kung may anong tinatanong o utos kaya napapatango-tango si Ismael. “Yes mom, saka mamaya babalik din naman po si Daniel dito bago umuwi sa kanila. Ihahatid niya po mamaya ang ibang kailangang mga papeles,” ani pa niya at naunawaan kong patungkol iyon sa kompanya. “Okay, mom, thank you!” huling saad ni Ismael saka matapo

