NOVEL'S POINT OF VIEW Pinatulog muna namin ni Ismael si Maui habang si Issa naman ay nasa silid na nito upang mag-aral muli. Sa opisina kami nina Tito Mark at Tita Isabelle at soundproof din daw iyon kung kaya't siguradong hindi maririnig ang magiging usapan namin. “Anak, Ismael, ano ba ang pag-uusapan natin? Mukhang sobrang importante nito kung kaya't nais mong walang sino man ang makakarinig,” saad ni Tita Isabelle. Napatingin ako kay Ismael at saka pinisil-pisil ang kamay niyang hawak ko. “Novel, m-may alam ka ba sa nais sabihin ni Ismael sa amin?” tanong naman ni Tito Mark kaya napalunok ako saka dahan-dahang tumango. “K-Kanina lang din po. Bago po kayo dumating,” sagot ko at huminga nang malalim. “Ismael, parang kinakabahan na ako rito ah? Sabihin mo na,” wika ni Tita Isabelle at

