NOVEL'S POINT OF VIEW Natagalan kami bago natapos ang pagluluto ng empanada. Pork, pancit at monggo ang palaman ng mga empanadang ginawa namin. Pagkatapos niyon ay maayos naming inihanda iyon at saka hindi rin kinalumutang bigyan sila manang na tumulong sa amin ni Maui. “Tita Novel, gising na po kaya si daddy? Para po makakain na tayo ng meryenda,” ani bigla ng bata kaya nilingon ko ito nang nakangiti. “Hmm . . . ganito na lang, bisitahin natin ang daddy mo sa kuwarto niya o dalhin na rin natin ito roon para kumain ng meryenda?” tugon ko naman at pinisil saglit ang kanang pisngi niya. “Hmm, kayo na lang po siguro gumising kay daddy, Tita Novel. Dito na lang po siguro ako kasama sila manang,” sagot niya at hinipan ang kakaining empanada. “S-Sure ka ba riyan? Maiwan na kita rito?” Tu

