Chapter 21

3118 Words

Allie Alas-diyes na ng umaga. Narito at nagpupunas ako ngayon sa living room ng malaking mansion ng mga Portano. Pansin ko na dati na walang mga larawan ng pamilya ng Ma'am Nyla, puro painting ng mga bulaklak. Tinanong ko nga kay Lola at ang sabi niya dahil privacy at para sa kaligtasan daw. Minsan na daw kasing nakidnap yung isang apo nito at isang kasambahay ang kasabwat. Simula daw non wala na talagang kahit anong picture ng pamilya dito sa bahay. Well, kung ganoon nga ay kahit ako matatakot na rin. Bukod naman sa mga painting ay ang dami rin na mga vase dito, ang sabi ni Lola ay mag-iingat ako dahil sa auction daw ng Ma'am Nyla nakuha at ipinaglaban bawat isa sa mataas na presyo. Kakatakot pala paano kung makabasag ako, 'no? baka higit ilang taon ang abutin sa pagtatrabaho ko dito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD