"Nakikita ninyo rin ho ngayon sa buhay ko ang tatay?" tanong ko. Hindi ko 'yon inaasahan. Napatingin ako kay Ate Lara, sa tingin ay nagtatanong ako kung nabanggit ba nila ang tungkol sa tatay pero kahit ang Ate Lara ay mukhang nabigla sa sinabi ng Lola Ula. "Nakikita ko. Hindi siya titigil basta. Talagang susubukan ka niyang kuhanin. Pinuntahan ka ba? pinilit ka?" "N-Nanggaling po sa mansion ng mga Portano--" "Huwag na huwag kang sasama sa kaniya, Allie..." pagpuputol ng Lola sa mga sinasabi ko. Nag-isang linya rin ang mga kilay niy at sumeryoso rin ang ekspresyon ng mukha niya. "Huwag na huwag... kapahamakan ang nakikita ko. Huwag kang sasama sa kaniya." Nakaramdam ako ng kaba lalo nang lumalakas ang boses ng lola. Ang Ate Lara naman ay napatingin sa akin. "Sinabi na niya ito sa ak

