Nang makita ko agad ang mukha ni Nnyx na nasaktan sa mga narinig niya habang nakatingin sa kaniya ang Lola Ula ay agad kong binawi ang kamay ko at lumapit dito. I held on his hand, hinawakan ko agad ng mahigpit para makuha ang atensyon niya at nang bumaling siya sa akin ay nakaawang pa rin ang mga labi niya. Sa itsura niya at sa takot na nakikita ko ngayon sa kaniya ay naramdaman ko na naniniwala siya sa mga sinabi ng Lola Ula. "Nnyx..." "Can we... go home now, Allie?" he said. Ang baba non ng boses niya nang sabihin niya 'yon. Nang balingan ko ang Lola Ula ay nakatingin lang siya sa amin. Napabuntong hininga ako, hindi ko binibitawan ang kamay ni Nnyx. Napagawi naman doon ang pansin ng lola. "Allie," tawag niya sa akin. "Ang sinabi ko ay babala. Nasasa 'yo pa rin kung susundin mo," d

