"Walang hiya ka Badong! wala ka talagang kuwentang tao! Papatayin kita!" malakas na sigaw sa labas ng isang babae na siyang nag patigil sa maalab na halikan nina Maxinne at Dryxx at nag pa gising din sa diwa ng tulala pa rin na sina aleng Teresita at Lhianna. Napayuko naman sa hiya si Maxinne nang mapansin na nakatingin pala sa kanilang dalawa ang kaniyang kapatid at ang kaniyang ina. Hindi naman alam ni Dryxx ang kaniyang gagawin kung tutungo o uupo. Kaya naman katahimikan ang bumalot sa loob ng bahay nina Maxinne dahil sa nangyari. Upang mawala ang tensyon na bumabalot sa kanila ay nagpasiya na lamang si Dryxx na magpapaalam na kay Maxinne na uuwi na. "Ahm! Ehem! Ahm.." ani Dryxx na hindi alam kung anong sasabihin. "Ahm. Maxinne, ahm uuwi na siguro ako kasi medyo lumalalim na rin

