Aba bakit nakangiti ang aking anak!" biglang sabi ni aleng Teresita kay Maxinne. "Ay! Tae!" nagulat na ani Maxinne. "Kayo naman inay bigla na lamang kayong sumusulpot diyan!" Nakahawak pa sa dibdib na sabi pa nito. "Anong biglang sumusulpot eh kanina pa ako dito eh hindi mo ako pinapansin. Para ka diyang siraulo na nakangiti na akala mo ay nasa alapaap ka! Aba anak siguro ay dapat na kitang ipa check up sa psychiatrist!" natatawang sabi naman ni aleng Teresita. "Grabe siya Oh! Psychiatrist agad 'di puwedeng sa albularyo muna inay!?" singit naman bigla ni Lhianna na nakikinig pala sa pag-uusap ng dalawa. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang batukan ni Maxinne. "Isa ka pang bruha ka! Ano na engkanto ganun?!" tila galit na sabi ni Maxinne. "Eh kasi naman ate kanina ka pa diyan na p

