Chapter 03

1264 Words
Echo’s condo is a studio type. Mas madalas ako rito noong June, kasagsagan ng defense namin sa isang major subject. Liban kasi sa kagrupo ko siya sa presentation na ‘yon, iyon din ang mga panahong halos maubusan na ako ng luha sa pinaggagagawa ni Cord. That month was one of the most terrible months I’ve ever known. Siguro, ang iyon na rin ang pinakaayaw kong buwan sa taong ito. Dalawang araw na ang lumipas mula noong huling narito ako. As usual, hindi makalat. Maayos ang pagkakahilera ng mga kubyertos sa dining area at wala ni ano mang nakakalat sa sahig; isang bagay na lubos kong hinahangaan sa kaniya. Wala akong imik nang umupo sa sofa. May kung ano na rin siyang sinabi habang naghahain sa kusina ngunit hindi ko pinapansin. He seems so happy, na para bang nakaligtaan niyang nag-aalala siya sa iniisip ko kanina. Bakit ganoon na lang kadaling magbago ng mood niya? Nag-reply lang naman siya pero bakit parang ang saya-saya na niya? “Anong gusto mo? Pagluluto kita,” aniya habang kumakalansing ang tila paghahasa niya sa hawak na kutsilyo. Nang silipin ko siya sa countertop ay naka-itim na sando na lamang siya ngayon, kaharap ang mga ingredients ng balak niyang lutuin at mga kitchenware. Damn, ang hot niyang tingnan. Nagsusumigaw sa kakisigan ang kaniyang mga braso habang lubog-litaw ang mga galit nitong ugat. Mukhang hindi pa niya alam na nakatingin ako sa kaniya dahil abala lang siya sa pagsasaayos ng mga kagamitan doon. Napalunok na lamang ako nang itigil na niya ang ginagawa at ituon ang mga mata sa akin. His eyes are literally making my pulse strike against my skin. Sa postura niya, para siyang hari na dapat pagsilbihan. Parang hinahatak ako ng presensya niya at inuutusang gawin lahat kung anong gusto niya. But deep down, I know my mind can never let that. May hindi siya sinasabi. May tinatago siya sa akin. Sino sa Mariona sa buhay niya at bakit sila magkikita mamaya? Bakit hindi niya tinatapat sa akin? Napag-usapan na namin ito dati– na dapat transparency lang. Sabihin ang mga dapat sabihin at walang maglilihim. Kung sa bagay, nagsinungaling na rin pala ako sa kaniya kanina tungkol sa’min ni Cord. Pero hindi naman siguro tamang rason ‘yon para hayaan lang din siyang magtago sa’kin tungkol sa kanila ni Mariona. Malaking bagay na ang sasabihin niya sakaling ipaalam niya kung anong mayroon sa ugnayan nila. Siguro nga okay na ako sa oras na malaman ko na. Nagkibit-balikat ako bilang tugon sa tanong niya. Besides, nawalan na rin naman ako ng gana. Kahit hindi ako nakapagtanghalian kanina, hindi ko na rin nararamdamang gutom ako. I just need his honesty. Kahit iyon na lang. “Bacon, sausage, and egg wrap, is that okay?” he asked once again. Tumango na lamang ako nang hindi tumitingin sa kaniya at tila ba kinuha na niyang senyales iyon upang magsimula. Kumilos na rin kasi siya pagkatapos no’n. Ako naman ay napadukot ng phone sa bulsa upang i-check kung may follow-up sa’kin si Cord. At hindi ako nagkamali dahil may mga text messages pala galing sa kaniya. Cordelius: The hell you did Ember! Bakit mo ako binabaan? Call me back! Fuck you! Ah! ‘Yan ba gusto mo? Bastusan? Sarkastiko akong ngumisi. Walang wala na sa’kin lahat ng nababasa ko ngayon. Manhid na manhid na ako. Nasanay na lang din kasi ako na ganito siya sa’kin araw-araw. Bastusan? Kung may bastos man sa’min dito, hindi ako ‘yon. Kung may loko-loko man sa’min dito, siya iyon! I’ve been enduring this pain for so long. Mahigit isang taon na siya sa New Zealand. Matagal na mula noong huli kaming magkita. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman ang pagmamahal niya. Kaya kahit mas masasakit pa ang mga ibato niya sa’kin sa lahat ng texts niya, nawalan na ako ng pakialam. Agaw-atensyon ang malakas na paglapag ng babasaging plato sa countertop, dahilan kung bakit napalingon ako roon nang wala sa oras. Ganoon na lang ang pagsasalubong ng mga kilay ko nang makita ang tila naiinis na ekspresyon ni Echo. Hindi man siya nakatingin sa’kin pero pansin na pansin ko sa repleksyon ng mga mata niya. Huh? Anong meron? Umayos ako ng pagkakaupo dito sa sofa. Saka ko ibinulsa ang phone ko dahil wala na akong balak pang reply-an ang mga text. “He messaged?” he suddenly mouthed. Umawang ang labi ko dahil may halong pait sa paraan ng pagkakatanong niya. May kung ano siyang isinalang sa pan kaya sa pagkakataong ito ay nakatalikod siya sa’kin. s**t. Ang bango ng niluluto niya. Nagutom ako bigla kahit na nasabi kong wala naman akong gana. “Sinong siya?” tila nagtataka kong tanong din kahit na alam ko naman kung sinong tinutukoy niya. Bakit ko sasagutin agad? Ni hindi nga niya sinasabing may ka-text na rin pala siya. “Siya… ‘yong boyfriend mo.” “My soon-to-be-ex?” pagbabago ko sa ginamit niyang term. Humarap na siya sa’kin kaya mas nahagip ko na kung paano lumitaw ang multo ng biglang ngiti sa labi niya. “Y-yeah…” Umiling ako. “Sasabihin ko kung ano, pero bago ‘yan, sabihin mo muna sa’kin kung anong meron sa inyo ni Mariona.” Naghari naman ngayon ang pagtataka sa kaniya. At sa paraan kung paano namilog nang bahagya ang mga mata niya, doon pa lang ay naramdaman kong may kakaiba na. Pinihit niya muna ang stove upang patayin ang apoy. Nag-alala na lang ako bigla dahil batid kong hindi pa tapos kung anong niluluto niya roon. “Mariona?” kunot-noo niyang tanong matapos ilapag ang landle at maghuhas ng kamay. Naglakad na rin siya patungo sa kinauupuan ko saka huminto sa harapan ko, sa mismong tapat ko habang nakahalukipkip ang mga braso. Patuya akong sumagot, “Si Mariona, ‘yong ka-text mo ngayon… na baka maging soon-to-be-girlfriend mo.” “Huh?” I shrugged my shoulders. Kunwari ay wala lang sa’kin pero sa kaloob-looban ay para bang sinisiil na ako ng sariling sistema sa sobrang kaba. Paano kung hindi siya tumanggi? Paano kung aminin niyang ka-fling niya iyon at magkikita sila mamaya para doon? I cannot let him do that. Siya na lang ang mayroon ako ngayon! “Magkikita pa nga kayo mamaya ‘di ba? Kaya tara, bilisan na natin para hindi ka ma-late sa usapan niyo–” Hindi ko na iyon natapos sabihin dahil lumapit na lang siya at binuhat ako. Ni hindi ko na rin nagawang magsalita. How could I even resist when his lips are now sealing mine? Sa sobrang lalim no’n ay hindi na ako nakapalag. Napakapit na lamang ako sa matipuno niyang balikat habang gumaganti sa mga halik niya. “Mariona’s my classmate, Em. Walang dapat ipag-alala,” he whispered in the midst of our kisses. Hindi na ako tumugon doon dahil nasa kama na kami at itinutuloy iyong mga naudlot na ginawa namin sa library. I can’t wait for this to happen. This is what I needed. This is both we needed. “Bakit, nagselos ka? Hmm?” he asked when he began unclasping my corset.. Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig sa kaniya. I shuddered when I felt his fingers tracing the skin on my back. Sa paanong paraan ko pa ba ito mapipigilan gayong siya lang naman ang nakagagawa nito sa’kin? This is more than what I have ever asked. Ni hindi rin naman ako nag-demand sa kaniya na gawin sa’kin ito pero kusa na niyang ibinibigay. “I’m only yours Ember Garcia,” he uttered as he started undressing himself. “I’m yours…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD