Chapter 04

1197 Words
It was eleventh day of October last year when I first saw him. Tahimik siyang nakatayo sa gilid ng professor’s table sa harap habang ang mga kamay ay kapwa nakakapit sa straps ng dalang back pack. This is casually usual. Siguro ay irregular student, transferee, o shiftee. Ang nakakapanibago lang ay para bang natatameme itong mga kaklase kong babae. “Guys, meet your new blockmate. Jericho Avalos,” wika ni Sir habang nakayuko ang tingin sa kaharap na laptop. Hinahanap pa kasi niya ‘yong case study na idi-discuss sa Media Laws. Mukhang balak na rin niyang magpa-quiz pagkatapos no’n. “Echo na lang,” may kahinaang sabi ng bago naming blockmate. Nang sumenyas si Sir na puwede na siyang umupo ay walang imik siyang naglakad patungo sa likod. Hindi na ako magugulat kung lalapit sa’kin mamaya iyon para magtanong dahil ako naman ang class president dito. Dagdag stress na naman ‘to panigurado. Palihim akong humikab nang mahanap na ni Sir ang case study at magsimula na sa discussion. Medyo agaw-pansin pa ang mahihinang bulungan ng mga nasa right side ko at pinag-uusapan ang bagong blockmate. I rolled my eyes when I even heard how they admire his features. Guwapo? Seryoso? Guwapong guwapo na sila sa lalaking iyon? Hindi ko lang mapigilang mainis. Ang dami-dami ko na ngang gawain, may dadagdag pa. Alam kong parte na ito ng responsibilidad ko bilang class president pero nakakapagod din. Marami pa akong pendings. May meeting pa sa news club. Gustuhin ko mag mag-resign dito ngunit wala ng nagtatangkang pumalit sa’kin. Lihim ko na lamang sinilip ang phone ko upang tingnan kung may reply na ba si Cord sa text ko. Mahal pa naman ang load nito dahil nasa ibang bansa siya. Tulog pa kaya siya ngayon? O nasa trabaho na? I’ve always been wondering what makes him delay his replies. Ganoon ba siya kaabala upang hindi ako reply-an ng kahit isang Good Morning? Natapos ang klase sa Media Laws nang walang exam o short quiz. Nagpadagdag nga lang ng readings kaya panibagong lista na naman sa mga kailangan kong tapusin. Anong oras naman kaya ako makakatulog nito mamaya? God. Huwag naman sana umabot ng madaling araw. Marami pa akong kailangang gawin bukas. Nasa hallway na ako, naglalakad. Patungo na sana sa newsroom para sa org meeting ngunit nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Sa sobrang eksaherada ko na baka si Cord ang nag-text, huminto muna ako at dali-daling tiningnan kung sino iyon. Napakunot-noo na lamang ako nang makitang galing iyon sa unregistered number at kinukumpirma kung ako ba ang may-ari ng numerong ito. Unregistered Number: Miss Ember Garcia, right? Nagtipa ako ng ire-reply. Mukhang may kutob na ako kung sino ito. Ako: Yupp. Who are you? Unregistered Number: Dean Roque gave me your number. Should I send you an e-mail for formality? Unregistered Number: I’m Echo, a transferee. Itinago ko na ang phone ko nang aksidenteng mapansin ang oras. Limang minuto na lang at magsisimula na ang meeting. Toka ko pa naman sa creatives committee ngayon. Ako rin ang naka-assign sa billboard kaya nandoon na dapat ako bago pa man magsimula. I was just thankful ‘cause I came on time. Naiinis nga lang ako dahil panay ang vibrate ng phone ko sa mga sunod-sunod na texts. Hindi ba siya makapaghintay? Masasagot ko rin naman ang mga tanong niya sa personal. Estudyante rin ako gaya niya, busy. The meeting was held smooth, after all. At gaya ng inaasahan ko, sa akin nga talaga ang bato ng karamihan sa mga gagawin. Hindi naman ako makaangal dahil nabigyan na ako ng heads up tungkol dito. Kailangan ko lang talaga simulan nang maaga ngayong week dahil sa susunod na linggo na ang deadline. Bago mag-lunch, muli kong binalikan ang mga text ng bago naming kaklase. Lalong kumulo ang dugo ko nang mabasang kailangan niya ng tulong ko para maghabol sa mga klase. October 5 kasi nagsimula ang first sem. Eh anong petsa na ngayon? Marami-rami na siyang hahabulin. Shit. Eto ang mahirap `pag sabay-sabay lahat. Hindi ba pwedeng isa-isa lang? Paano ako makakausad nito? “Kumusta naman ang maghapon mo, so far? Tagal na nating hindi nag-usap ah?” malambing kong tanong kay Cord nang sagutin na niya ang tawag ko kinagabihan. Kaharap ko ngayon ang laptop ko habang nag-aayos ng preliminary paper para sa isang minor subject. Hindi ko alam kung inabot ba ng isang minuto ang dead air. Matagal ang inabot bago siya sumagot, bagay na hindi naman na bago sa’kin. “Pagod,” maikli niyang tugon. Tumango-tango ako at nagsimulang tumipa sa keyboard gamit ang isang daliri. “Ahh, ganoon ba? Pahinga ka na lang para makabawi ka–” “Magpapahinga na ako, Em. Hatinggabi na.” Tumingin ako sa orasan. Apat na oras pala ang agwat ng Pilipinas at New Zealand kaya mas malalim na ang gabi sa kanila. Dala na naman siguro ng pagod ang panlalamig niya. Pero hindi niya ba ako na-miss? Ilang araw din siyang walang paramdam. Halos ako na nga lang ang bumubuhay sa convo namin. “S-sige… baba mo na para makapagpahinga ka na. Text ka na lang kung puwede na...” Just as I said that, he ended the call. Para akong dinurog doon. Wala man lang I love you o kahit good night `di gaya ng dati niyang ginagawa bago siya matulog. Hindi ba’t girlfriend naman niya ako? Bakit hindi man lang niya mabigay-bigay iyon kahit na bare minimum? Gusto kong mag-demand. Nais kong sabihin sa kaniya na para bang bumabalik na naman ang dati naming problema at nauulit kung anong sinabi niyang hindi na uulitin. Mas malamig pa siya sa gabing ito. Ang sakit-sakit lang. Kailan niya matututunang maging consistent? Kailan niya ako ikokonsidera kahit sobrang abala ng mga araw niya? Pigil ang mga luha ko matapos ilapag ang cellphone. Pinagpatuloy ko na rin ang tina-type ko sa laptop dahil hindi pa ako umaabot sa kalahati. Pero sa sobrang pre-occupied ng isip ko, nawawala na lang ako sa focus. Ang resulta, umalis muna ako sa sinusulat na document at bumisita muna sa ibang site. Saktong sakto dahil napunta ako sa mails. Naagaw kaagad ng atensyon ko ang pinadala ni Echo dahil sa subject nitong “Miss President”. I clicked his mail. Akala ko ay mga tanong gaya ng mga nai-text niya kanina, pero hindi. Miss President, It has been an honor for me to be part of your section under the Bachelor of Arts in Broadcasting. Due to some personal reason, I transferred to the institution and it’s a privilege to start this semester as your new block mate. As a second-year irregular student, I hereby write this mail because I am obliged by our current dean to ask for your assistance about the past discussions on our subjects. I would be really grateful if I receive a favorable response because I really need to catch up for the upcoming preliminary exams. For this reason, I appeal to your kind attention as I have been texting you several times and I receive no response. I am confident that you will understand my position and will consider my request as soon as possible. Very respectfully yours, Jericho Avalos
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD