Dianne's POV
Naglalakad kami ngayon ni Chase papunta sa classroom. He still didn't know anything about the bar last night, but I told Janine everything. sabi ko sabihan niya si Burn na 'wag sasabihin kay Chase na nasa bar ako kagabi. Gulat na gulat nga si Janine nung kinwento ko sabi niya kaya raw pala ang tagal namin sa bathroom at hindi ko siya pinansin nung tinatawag niya ako kagabi. Mukhang hindi rin sinabi ni Cloud kay Chase yung tungkol doon dahil normal naman ang pakikisama sa akin ni Chase ngayong araw.
"Kamusta yung family dinner niyo kagabi?"
"It was great. There was lots of food. Kinailangan ko ngang ibaba yung zipper ng pants ko because I was so full."
He answered and chuckled.
"Some of my cousins were there. Si Cloud biglang nawala."
"Ahh."
Kinabahan ako bigla nang mabanggit niya ang pangalan ni Cloud.
Nakatira sa kanila si Cloud kasi wala yung parents niya dito sa Pilipinas kaya parents ni Chase yung naging pansamantalang guardian niya, yun lang ang alam ko.
Pagkarating namin ni Chase sa classroom ay tumama kaagad ang tingin ko kay Cloud. It looks like he's sleeping because his head is resting on the table. Umupo ako sa pwesto ko and just like in horror movies, tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan nang maramdaman kong may kumakalabit sa likod ko.
Obviously, it's Cloud.
Hindi ko siya pinansin pero patuloy ang pagkalabit na ginagawa niya. Mukhang wala siyang balak na tantanan ako kaya nilingon ko siya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong suot niya na yung jacket na naiwan ko kagabi sa loob ng sasakyan niya.
Nang-aasar ba siya?
"Wh... what?"
Kabado kong tanong sa kaniya.
Chase is sitting beside me at takot akong baka kung ano ang sabihin niya.
Tumayo si Cloud at yumuko palapit sa akin. Akala ko hahalikan niya nanaman ako pero dumiretso siya sa tainga ko, hindi ko maiwasang isipin yun.
"I'll give this back to you later. It's cold."
I felt his warm breath nang bumulong siya sa akin na nagpatayo ng balahibo ko sa buong katawan. Tumingin ako kay Chase at nakatingin din siya sa amin habang nakakunot noo.
"Ok... okay."
Mautal-utal kong sagotat muli siyang umupo at inihiga nanaman ang ulo niya sa arm chair.
Kusa na sana akong magpapaliwanag kay Chase nang dumating naman si Ma'am kaya hindi na ako nakapagsalita pa.
Sunod-sunod na subject at napakadaming topic pero parang walang pumapasok sa utak ko dahil lumilipad ang isip ko.
Natapos ang klase at lumapit agad sa akin si Chase.
"Can I talk to you?"
He asked and I instantly got nervous.
Tumango ako at lumabas kami ng classroom.
"Where are we going?"
Tanong ko.
"Sa canteen, kakain."
He answered.
"Akala ko you want to talk to me?"
"I'm talking to you right now."
Yeah, he's right but I thought it's going to be a serious talk.
"Why do Cloud have your jacket?"
He asked.
"Um kasi nag-grocery ako kahapon then I left my jacket. Andoon din pala siya"
Yan lang yung naisip kong idahilan. Hindi naman kasi ako gumagala kaya grocery ang naisip kong lugar na posible niyang paniwalaan.
"Ah kaya pala wala siya sa family dinner kahapon."
"Hmm."
"What do you want to eat?"
He asked when we arrived at the canteen.
I already cleared the jacket situation, but I'm still nervous.
"Burger and Pepsi."
Sagot ko at pinulupot ang kamay ko sa kaniya. I always do this kapag siksikan sa canteen. Feeling ko lang protektado ako kapag nakakapit ako sa kaniya.
"Ate two burgers and one Pepsi po."
Chase mostly pays for us kapag kumakain kami pero syempre nagbabayad din ako minsan. Mas madalas lang siya kasi kahit pilitin kong ako na ayaw niya pa rin.
He only ordered one Pepsi kasi pareho naming alam na hindi ko kayang umbos ng isang maliit na bottle.
Soft drinks are just too much for me.
"Let's sit there."
Tinuro ko yung bakanteng table sa dulo. Malayo pero yun na lang yung fully vacant. Ayaw ko namang tumabi sa iba habang naglalandian kaming dalawa.
Naglakad kami papunta doon at umupo.
Chase unwrapped the burger at binuksan yung Pepsi then he gave it to me. Very caring, right?
"Oh wait."
"Why?"
I asked.
"I forgot to buy your favorite malkist."
He said and I chuckled.
"It's fine. May burger na ako tsaka ang daming tao oh."
"No, I'll get it. Wait for me."
Sagot niya at tumayo kaya wala na akong nagawa.
Sa pag-aantay ko kay Chase ay bigla nanamang sumulpot si Cloud sa harap ko out of nowhere.
Agad akong nag-panic at tumingin sa direksyon ni Chase. Buti na lang at nakapila pa rin siya at maraming tao sa paligid kaya natatakpan kami.
"What the f**k are you doing here?"
Tanong ko at umupo pa talaga siya sa tabi ko.
Lumayo ako ng kaunti pero kada layo ko ay sumsunod siya kaya tumigil na lang ako dahil ayaw kong mahulog sa upuan.
Don't tell me hindi na ako tatantanan nito?
"I'm just here to give this back to you."
Sabi niya at iniabot sa akin ang jacket ko na nakatupi ng maayos.
"Oh, thanks."
I said and he smiled. A very sweet smile.
"Go na."
Baka makita pa kami ni Chase.
"Have you told Chase already?"
He asked.
"Told what?"
"Last night."
Sagot niya at ngumisi na parang nang-aasar.
Lumapit ako sa kaniya at tiningnan siya ng seryoso sa mga mata niya pero imbis na matakot ay lumapit din siya sa akin kaya ako nanaman ang napaatras.
"Listen Cloud. Nothing happened between us, okay? I have Chase."
I don't have any intention on flirting with anyone especially with Cloud.
"So, what if you have Chase? You guys are still not together"
Pag-ngisi niya ulit.
"So, what?"
"That means I can still have you."
Napanganga ako sa sinabi niya at napatawa sa inis.
"Mukha ba akong bagay na isama sa mga babaeng collection mo ha? Tigilan mo nga ako. Nililigawan ako ng pinsan mo."
"Hindi ka bagay na ihalintulad sa kanila Dianne."
"Oh yun naman pala eh."
Tantanan mo na ako please lang. Hindi ko trip yung mga ganyang landian. I date to marry.
"You have a special place in my heart."
"Wow, ilang babae na nasabihan mo niyan?"
Tanong ko sabay inom ng Pepsi namin ni Chase.
"Si Dianne pa lang."
"Utot mo."
Di ako magpapauto sa lalakeng 'to. Alam ko na yung history niyan eh. Sa sobrang dami ng mga babaeng nakikita kong kasama niya ay hindi ko na mabilang kung ilan na talaga.
Pinunasan ko yung labi ko mula sa pag-inom ko ng pepsi at sinara yung takip nun.
"Your lips look so good."
He said and I saw him looking at my lips. Bigla rin akong napatingin sa mga labi niya at hindi ko alam kung bakit. Sa pagtingin ko ay bumalik nanaman ang ala-ala ng ginawa naman kagabi.
Sa pag-titig ko sa mga labi niya ay parang biglang uminit ang paligid ko.
Naalala ko pa kung gaano kalambot ang labi niya nung dumampi yun sa akin.
"Your lips are addicting."
Cloud said at napatakip ako sa labi ko. Tumawa siya ng malakas dahil sa ginawa ko kaya napatakip ang isa kong kamay sa bibig niya at baka lumingon sa direksyon namin si Cahse bigla kapag narinig siya.
"Cloud please lang wag ako."
Seryoso kong sabi sa kaniya.
"Hahanap-hanapin mo rin ako Dianne. Isang araw, hindi mo mamamalayang ikaw na yung baliw na baliw sa akin."
Ha! You wish.
"Anong pinagsasabi mo?"
"That kiss. You did respond to my kiss last night."
"Lasing ako nun."
Sagot ko.
"Come on Dianne, you only had one shot."
Sagot niya at napatahimik ako bigla. Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil totoo yung sinabi niya.
"Don't worry, it will be our little secret. I'll see you later."
He said and left.
Sakto namang bumalik si Chase sa pwesto namin. Nagkunwari akong kumakain ng burger habang tumitingin-tingin sa paligid ng canteen.
"Bakit ganyan ang itsura mo?"
Chase asked.
"Huh?"
"Your expression looks weird."
"Ah may iniisip lang."
Pagpapalusot ko.
"Here's your Malkist."
Iniabot niya sa akin yung dalawang Malkist tapos nakita kong bumili rin siya ng isang bengbeng. Malamang sa kaniya yun.
"Thank you."
"Malakas ka sa akin."
Pagkindat niya at natawa ako.
Pagkatapos naming kumain ay naglakad kami pabalik sa classroom. May isang babaeng lumapit sa amin at si Isabel yun.
Si Isabel ang babaeng version ni Cloud. Madami kang makikitang iba ibang mga lalake na kasama niya. She's popular to boys and also to girls. Sya yung pantasya ng mga lalake sa school. Sa sexy at ganda niya ba naman ay talagang mapapatingin ka.
Her uniform is fitted to her body kay mas lalong kita yung shape ng katawan niya. Pagkalapit niya sa amin ay yung mabangong amoy niya kaagad ang napansin ko.
Napaamoy ako sa sarili ko and I smelled nothing. I don't usually wear perfume dahil nanghihinayang ako sa pera pagbumibili ng pabango. It's the least important thing for me.
"Chase, ikaw yung president 'di ba?"
She asked.
"Ah no, not anymore. Si Athena na yung school president."
Hindi na tumakbo si Chase na president this year kasi tinatamad na raw siya.
"Ah, I can't find Athena. Can you help me instead?"
"About what?"
"How do I get this subject? Wala sa COR ko eh."
Isabel said.
Mas lumapit siya kay Chase para ipakita yung hawak niyang COR niya.
Dirediretso silang nag-usap tungkol sa pinapatulong ni Isabel at parang wala ako sa paligid nila. Nanunuod lang ako sa kanilang dalawa.
Bakit naman kay Chase pa siya nagpatulong eh halos lahat naman ng student alam kung paano mag-asikaso niyan. Also, Chase is not the president anymore.
Nagseselos ba ako? Siguro nga.
Pagkatapos nilang mag-usap ay nag paalam sila sa isat- isa. Nagpaalam din sa akin si Isabel and I just smiled at her.
Pagkabalik namin sa classroom ay nagsimula nanaman kaagad ang klase hanggang sa hapon. So far, hindi ako kinukulit ni Cloud kaya tahimik ang buhay ko.
After class ay pumunta muna si Chase sa office ng mga student officers para daw ibigay yung record na hindi ko alam kung ano.
Mag-isa na lang ako sa room dahil nauna na rin sila Janine and Burn. May date pa kasi silang dalawa. Monthsary nila eh.
Napatingin ako sa pintuan ng classroom at nakita ko si Cloud na pumasok. Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya at hindi siya pinansin. Baka may naiwan lang siya sa classroom kaya bumalik.
"Sorry, I left something."
Cloud said.
Oh diba tama ako.
"Hmm."
Matipid kong sagot.
Akala ko may kukunin lang siya tapos aalis na pero nagtaka ako kung bakit parang hindi pa siya umaalis.
Umupo siya katabing upuan ko at humiga sa arm chair nun. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.
"Sabi mo may naiwan ka lang?"
Tanong ko sa kaniya.
"Hmm."
Sagot niya habang nakapatong pa rin ang ulo niya sa armchair.
"Eh bakit nandito ka pa?"
"Andito ka pa eh."
Sagot niya at parang sinipa ng kabayo ang puso ko na biglang bumilis ang pagtibok.
"Kunin mo na yung naiwan mo tapos umalis ka na. Mamaya kung anong isipin ni Chase kapag nakita niyang magkasama tayo rito."
I said and I heard him chuckled.
"What's funny huh?"
"You."
Sagot niya.
"I'm not joking"
I said and he chuckled again.
Hindi ko na siya pinansin pa at baka ma-stress lang ako. Lumipat na lang ako sa katabi ng kinauupuan ko para dumistansya ng kaunti.
Hindi na siya nagsalita pa ulit hanggang sa bumalik na si Chase sa classroom.
Napatingin siya kaagad kay Cloud na mukhang natutulog pero siguro akong hindi.
"Is he sleeping?"
Mahinang tanong sa akin ni Chase.
"I don't know. Let's go."
Sagot ko at nauna nang lumabas ng classroom. I saw Chase leaving a sticky note on Cloud's head pagkatapos ay sumunod na siya sa akin sa labas.
"He's always sleeping."
Cloud said.
"Do you like him?"
I asked.
"Yeah, he's my cousin."
Sobrang magkaiba sila ni Cloud kahit na magkadugo sila. Nagkapareho lang ata sila sa isang bagay. They are both good looking and no one can deny it.
Chase like a walking green flag while Cloud is like a walking red flag.
"Pasok na."
Chase said as he opened the car door for me. Pumasok ako sa loob at nag seat belt at gano'n din siya.
Habang nasa byahe ay napa-isip nanaman ako sa mga sinabi sa akin ni Cloud ngayong araw.
Mukhang may gusto siya sakin pero pakiramdam ko pinagtitripan lang ako nun kagaya ng ginagawa niya sa ibang mga babae.
Maybe I should just ignore all what he said.