Chapter 4

2168 Words
Dianne's POV Nasa library ako ngayon at nakikinig ng music. Tumambay muna kami ni Chase dito kasi maingay sa room. Wala kaming teacher so the class gone wild again. Chase is sleeping beside me. Nakaharap ang gwapo niyang mukha sa akin kaya kinunan ko siya ng picture. My phone is full of his face. Gano'n ko siya kagusto. Nang mabagot ako sa pakikinig ng music ay nag-decide akong tumayo para kumuha ng aklat na babasahin. Nag ikot-ikot ako sa library pero wala akong mahanap na novel book. Lumapit ako sa isang student librarian na pinakamalapit sa akin para magtanong kung saan nakalagay yung novel books. "Hi." Bati ko sa kaniya. "Hi, yes po?" The girl asked with a smile on her face. "I can't find the novel section eh. Saan ba yun?" I asked. "Ah nilipat po kasi sa second floor." "Ah kaya pala. Sige, salamat." Kaya naman pala hindi ko makita kasi wala dito. Hanggang third floor yung library namin at malawak din kaya aabutin ka talaga ng oras sa paghahanap ng aklat na kailangan mo. Buti na nga lang at medyo organize na yung mga books ngayon keysa dati na ang gulo. "Sige po." Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina to check on Chase before going up and he's still sleeping. Pinindot ko yung elevator at napanganga nanaman ako nang makita ko si Cloud sa loob. Si Cloud lang at wala nang iba pang tao. Una kong napansin kaagad ang lollipop sa bunganga niya kaya sa labi niya nanaman ako unang napatingin. Napalunok ako nang wala sa oras nang unti-unting siyang ngumisi sa akin. "Are you getting in?" He asked. "Yeah." Sagot ko at pumasok sa elevator. Pinindot ko yung second floor at tahimik na nag-antay habang siya naman ay kumakanta kanta pa. "Want some lollipop?" He asked. "No, thanks." Sagot ko nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. "It's sweet." "Ayaw ko nga." "Oh Dianne, I know you like it." He chuckled. "Anong pinagsasabi mo?" Hinarap ko siya at mas lalo akong nainis. "Sige na." "Tatahimik ka ba pagsinabi kong oo?" Tanong ko at tumango siya. "Sige, pahingi ak..." He didn't let me finish what I was saying when he suddenly grabbed my face and kissed me. Hindi yun mabilis na halik lang. Bawat galaw ng labi niya ay may katumbas na kakaibang init na dala sa buong katawan ko. Mariin akong napapikit while he is spoiling me with his kisses pero napamulat ako nang maramdaman kong kagatin niya ang ibabang parte ng labi ko. I pushed him away but he pulled me back. Akala ko muli niya akong hahalikan pero binalot niya lang ako sa mahigpit niyang yakap. "Is it sweet? It's chocolate." He asked. Hindi ako makapagsalita. Rinig ko na rin ang t***k ng puso ko sa lakas. He's not kissing me anymore pero yung init na bumabalot sa katawan ko ay nandito pa rin. "Just tell me when you want another lollipop." Cloud said. Bumukas yung elevator at marahan niya akong tinulak palabas. Kumaway sya sa akin at sumara na yung elevator. Napahawak ako sa labi ko nang marealize kong pangalawang halik ko na ito at si Cloud nananaman ang nakakuha. Napahampas ako sa noo ko dahil sa katangahan ko. Bakit hindi man lang ako makapalag sa mga ginagawa niya sa akin? Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko para magsalamin sa camera at baka nasira nanaman yung lipstick ko nang may makapa akong ibang bagay sa loob ng bulsa ko. Kinuha ko kung ano yun and it's a lollipop. Kailan niya nailagay sa bulsa ko yun? Masyado ata akong nawili sa mga labi niya na hindi ko naramdaman na nilagay niya yun sa bulsa ko. Hindi ko sigurado kung bakit pero namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa lollipop na hawak ko. Napailing ako sa sarili ko at naglakad papunta sa novel section. Kumuha ako ng kahit anong novel at bumalik kaagad sa baba kay Chase. Pagkabalik ko ay gising na siya. Hindi ako komportable nang magtama ang mga mata namin. I feel like I'm cheating on him. "Where did you go?" He asked. "Kumuha lang ng book sa taas." Sagot ko at ipinakita sa kaniya yung aklat na hawak ko. "20 minutes pa bago yung next class." "Hmm." "Let's hang out later." Chase said. "Where?" "At my house, wala ka bang gagawin mamaya? "Wala naman, sige." I smiled. It's not my first time going to their house. Siguro pangatlong beses na. Kapag nandoon ako lagi kaming nanunuod ng movies o kaya naman naglalaro ng video games. "I'll sleep po muna ulit." Malambing na sabi niya at inihiga nanaman ang ulo niya sa table at hinawakan ang isa kong kamay. After 20 minutes ay bumalik na kami sa classroom. Napatingin ako sa upuan sa likod ko at nagtaka ako dahil wala si Cloud. Baka nakikipag landian nanaman sa iba. Teka nga, ano bang pake ko kung wala siya o nandito ngayon? Pagkatapos ng last subject namin ay bumili muna kami ni Chase ng snacks dahil manunuod lang ulit kami ng movie sa kanila. Pagkarating namin sa bahay nila ay hindi ko inaasahang makikita ko nanaman si Cloud. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagulat eh alam ko na rin naman na dito nakatira siya nakatira. "Andito ka pala, bakit wala ka sa last subject kanina?" Chased asked to Cloud. "Wala lang." Duda ako d'yan. "Wala namang pinagawa kaya safe ka." "Why are you here?" Tanong naman sa akin ni Cloud. "We are going to watch a movie." "What? 365 days?" Cloud asked. "Huh? Bago ba yun?" Tanong ko rin. Is he suggesting a movie right now? Tumahimik silang dalawa ni Chase habang nakakunot noo lang ako, I looked at Chase at umiling-iling lang siya habang natatawa. "No, it's not a good movie." Chase answered at hinila ako paupo sa sofa. "Bihis lang ako." Hinalikan niya ako sa pisngi bago sita naglakad paakyat sa kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Cloud sa sala. Hindi na yata ako naniniwala sa nangyayari. Why are we always left alone? I got curious about that 365 days so I searched it on google. Connected naman ako sa internet nila dito. Parang uminit ang buong mukha ko at napakagat ako sa ibabang labi ko nang makita ko yung mga pictures ng movie. "Hey." Pagtawag sa akin ni Cloud kaya napatingin ako sa kaniya. "Do you really like Chase?" Mukhang seryoso niyang tanong. "Oo naman." "No, you don't." "Ako ba binubwisit mo?" Magtatanong tapos kokontra sa katotohanan. Mukhang laging naghahanap ng away. "I can tell every time I'm near you." "Mali ka dyan." Sagot ko sa kaniya. "He's not the guy you think he is." "Sinong inuto mo?" "Wala." "Mabait si Chase." "He is." Ang labo ni Cloud kausap. "So, ano yung mga pinagsasabi mo?" "Wala nga." "Para kang baliw." "You finally noticed." He said. "Huh?" "Na baliw ako sayo." "Bulok na yan." "Sayo ko lang sinabi yan." He said. "Good joke." Naguguluhan ako kay Cloud. Talaga bang seryoso niya akong lalandiin? I'm not stupid, I know he's flirting with me. "Hindi ako maniniwala, sa dami mo ba namang babae." I added. Imposibleng hindi niya pa sinasabi yan sa kahit isa sa mga yun. Napaka common kaya nun. "Kailan mo ba kasi ako kukunin Dianne? Itali mo ako sayo. Gawin mo akong aso okay lang." "Pinsan mo yung gusto ko." Paglilinaw ko sa kaniya. "I know." He said and smiled bitterly. Kanina lang sabi niya hindi ko gusto si Chase pero ngayon sumasang ayon siya sa akin. "Tigilan mo na ako." "Sorry, but I can't do that." Sa inis ko sa kaniya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na batohin siya ng unan. Ang lakas niyang mang trip. Nang matamaan siya ay tinawanan niya lang ako. Sira ulo talaga. Hindi ko gusto yung mga ginagawa at sinasabi niya sa akin. Hindi lang dahil sa ayaw ko kundi dahil alam kong nadadala ako. "Do you want a lollipop?" Tanong niya at nag-flash back sa isip ko yung paghalik niya sa akin sa elevator kanina. It's the same question he asked me before he kissed me. Agad kong tinakpan ang bibig ko gamit ang kamay ko at umiling. He started laughing again then Chase came back. "Horror ba gusto mo?" Chase asked. "Hmm." Sagot ko sa kaniya. Binuksan ni Chase yung tv pero hindi pa rin umaalis si Cloud. Mukhang balak atang makinuod. Binuksan ko yung isang hot cheetos na binili namin ni Chase kanina at nagsimulang kumain. Nag-play na yung movie kaya nag focus na ako sa panunuod. First ten minutes pa lang stress na ako. Bakit naman kasi laging nadadapa yung mga tao kapag papatayin na sila. "Takbo dali!" I shouted and I heard a chuckle. Sinamaan ko ng tingin si Cloud at agad siyang tumigil sa pagtawa niya. "You're cute." Chase said and I smiled. Isiniksik ko ang sarili ko sa kaniya at pinulupot ang kamay ko sa kamay niya. Nakita kong tumayo si Cloud at masama akong tiningnan at umalis. Anong problema nun? Nagpatuloy nalang ako sa panunuod habang nakakapit pa rin kay Chase. Ang ingay kong manuod. Buti nalang at hindi siya naiinis sa ingay ko. Ngumingiti lang siya sa akin at paminsan minsan ay hinahalikan ako sa ulo at pisngi ko. Pareho kaming clingy. Kailan niya naman kaya ako hahalikan sa labi? Dapat siya yung first kiss ko pero nakuha ni Cloud. Ang hina ko pagdating kay Cloud. Hindi ako makatanggi kapag nand'yan na siya at medyo nag-aalala ako tungkol doon. Natapos ang movie at ang ending ay namatay silang lahat. Wala, na-stress lang ako. "Wait lang, I'll clean this up." Chase said. Tumayo siya at niligpit yung mga balat ng kinain at can ng ininom namin kanina. Sumunod ako sa kaniya at kumuha ng basahan para punasan yung table. "I'll do it." Inagaw niya sa akin yung basahang hawak ko at siya na nga ang nagpunas ng table. "Thank you." Nginitian niya lang ako at nagpatuloy sa pagliligpit. "Gusto mo na bang umuwi?" Tanong niya pagkatapos niyang mag linis. "Um..." Parang gusto ko pang mag-stay. Wala naman akong magagawa sa bahay. "Ako ayaw ko pang umalis ka." Dagdag niya at napatawa ako sa kilig. "Sige, maya-maya na." I said and he smiled. Lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. "Ang clingy mo today." "Lagi naman ah." "Today is extra clingy." "Ayaw mo?" Tanong niya habang nakayakap pa rin sa akin. "Gusto." Sagot ko at yumakap din sa kaniya. Ang bango ni Kyle. Gustong gusto ko yung pabagong palagi niyang gamit from dior. "You smell so nice." "Smell me all you want. This is all for you." He said. "Korni niyo." Pareho kaming napatingin sa nagsalita na si Cloud. Dumaan lang siya tapos dumiretso sa kitchen nila. "Bitter ka lang." Sagot ko sa kaniya. "Oo nga." Pag-amin niya. Why is he so honest? "Makakahanap pa rin Cloud." "Haha." Halatang peke niyang pagtawa. "Magseryoso ka na kasi sa mga babae." "May sineseryoso na ako." Sagot ni Cloud at tumingin sa akin. Hindi yun nagtagal at parang dalawang segundo lamang. "Really? Who?" Chase asked. Parang gusto ko rin atang malaman kung sino. "Secret." Sagot ni Cloud at binuksan yung ref at kumuha ng tubig. "Come on Cloud. Is she pretty?" Tanong ulit ni Chase at tumango naman si Cloud habang umiinom. "Same school?" Tumango lang ulit si Cloud. "Interesting. Eh bakit iba-iba pa ring mga babae yung nakikita kong kasama mo?" Oo nga, napakababaero. "The girl I like doesn't like me back." "Why?" "She said she likes you." Nanlaki ang mga mata ko at sunod-sunod na napalunok sa sagot ni Cloud kay Chase. Ayaw kong mag-assume pero pakiramdam ko ako yung tinutukoy niya. "Oh." "Just kidding, but for real, the guy she likes..." Bago taposin ni Cloud yung sasabihin niya ay tumingin nanaman siya sa akin. "Likes someone else." Napakunot ang noo ko. Yung gusto ni Cloud na may gusto sa iba ay hindi gusto ng gusto niya? So, it's not me. Ang assuming ko naman kasi masyado. Madaming babae si Cloud kaya baka isa sa mga yun. "Subukan mong kunin yung puso niya. Steal it." Chase said. "I'm in the process of stealing it." "Steal it properly. Hindi yung kung sino-sino nilalandi at hinahalikan mo." Pagsingit ko sa usapan nila at ngumisi lang sa akin si Cloud. Nakaasar yung pagngisi niya. Sabi na nga ba at pinagtitripan lang talaga ako ni Cloud all this time. Buti nalang at hindi pa ako ganoon katanga sa kaniya. "Why do you want me to stop Dianne?" Cloud asked. "Why are you asking her that?" Tanong naman ni Chase kay Cloud. "Just curious." "Women don't like womanizers." Sagot ko. "Got it." Nakangisi niyang sagot. Naiinis ako sa kaniya. Ang gulo niya at ang hirap basahin kung ano yung iniisip niya at kung ano yung nararamdaman nya. "Take me home na." I said to Chase. "Okay po." Kinuha lang saglit ni Chase yung susi sa kwarto pagkatapos ay umalis na kami kaagad. I can't stay there anymore because of Cloud.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD