Chapter 5

1900 Words
Dianne's POV May quiz kami ngayon sa next subject kaya todo review ako sa upuan ko. Hindi kasi ako naka-review kagabi dahil hindi ako maka-focus. Puro si Cloud kasi yung naiisip ko, nagugulo yung utak ko dahil sa kaniya. Pagbumagsak talaga ako dito kasalanan niya. May 20 minutes na lang ako para mag review at bago dumating si maam at sumasakit na ang ulo ko dahil wala akong maintindihan. Nakaramdam nanaman ako ng pagkalabit ng ballpen sa likod ko at syempre si Cloud nanaman yun. "Cloud not now. Nag-rereview ako." I said to him. "I know." Sagot niya at inabutan ako ng isang maliit na bottle. Tiningnan ko yun at binasa yung nakalagay. It's a peppermint essential oil. "Thanks." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Tumango lang siya pagkatapos ay humiga na sa armchair niya. Bumalik ako sa pag-rereview habang inaamoy yung binigay ni Cloud sa akin. Medyo kumalma ako dahil sa amoy. Nilagyan ko rin ng kaunti yung ilalim ng kilay ko para magising ang diwa ko dahil medyo inaantok na ako sa kakabasa. Nang dumating si maam ay pinatago niya kaagad lahat ng gamit sa bag namin. Mag iwan lang daw ng ballpen sa armchair. Medyo strict dahil sobrang haba ng magiging quiz namin today. Isa-isa kaming inabutan ni maam ng questionnaires pagkatapos ay nag simula na kaming sumagot. Tumingin ako sa paligid ko at mukhang seryoso ang lahat. Halos fifteen minutes pa lang ang nakakalipas ay tumayo na kaagad si Cloud at nagpasa ng papel niya sa harap. He's the first one to submit. Hinulaan niya lang siguro lahat ng yun. Makalipas ang isang oras ay natapos na ang lahat. Mayroon pa kaming kalahating oras na natitira kaya sabi ni Ma'am ay i-check na lang daw namin kaagad yung papers. Isa-isang pinamigay sa amin ng isa naming kaklase yung mga papel at napunta sa akin si Cloud. May drawing sa gilid yung papel niya. Isa-isang binanggit ni maam yung tamang sagot at hindi ako makapaniwala sa dami ng check na nasa papel ni Cloud ngayon. Napapanganga pa nga ako sa bawat pagguhit ko sa papel niya. Out of 75 items ay nakakuha siya ng 73. Dalawa lang yung mali niya. Umikot ako at hinarap siya na may halong pagtataka sa mukha. "What?" Nakakunot noo niyang tanong. "You're a genius." Namamanghang sabi ko sa kaniya at pinakita sa kaniya ang papel niyang hawak ko. He just chuckled at iniabot sa akin ang papel na chineck niya and I saw that it's my paper. I looked at my score and I only got 70 out of 75. Paano nangyari yun? Eh hindi ko man lang nakita na nagbasa o kahit humawak man lang ng notebook si Cloud. "Ang galing mo, mas mataas ka pa sa akin." Komento ko sa score naming dalawa. "Nasa harap kita eh." Nakangiti niyang sagot sa akin. "Nangopya ka sa akin?" Nawala kaagad yung ngiti niya dahil sa tanong ko. "Ofcourse not. That's not what I mean." "Eh ano?" Magulo ba siya o slow lang ako? Napuno na kasi yung utak ko kanina sa dami ng ni-review ko. "Oh Dianne." "Ano nga?" Ayaw pang sabihin. "Ginanahan akong mag sagot dahil sayo." Sagot niya at hindi nanaman ako kaagad na nakasagot. "Sinong niloko mo Cloud Dela Peña?" Pinagtitripan nanaman ako nito, panigurado. "It's true." "Kahit ano pang gana mo kung hindi ka nag-review wala rin" Malilito ka kapag ganun. "I didn't review, but I always listen." "Weh?" "Tsk, I never cheat believe it or not. Well... I did nung elementary." Sagot nya. "Sus araw-araw ka ngang nag-checheat." Bulong ko. "What?" "You cheat on random girls." New day, new girl. Isang nakakabaliw na ngiti nanaman ang nagpakita sa mga labi niya and then he bent over para makalapit siya sa akin. "Why are you so irritated about my girls?" Mahina niyang tanong na halos maging bulong na. "Lahat naman yata maiinis." "Girlfriend ko lang." "May girlfriend ka?" Hindi ko alam yun ah. Hindi naman sa dapat kong malaman. Sikat kasi si Cloud kaya kung may girlfriend sya ay kakalat agad yung balitang yun. Kung meron man, kawawa naman yun. "I don't have a girlfriend kaya walang maiinis. Gusto mo bang mainis?" "Hindi ako naiinis." Masungit kong sagot. "Parang inamin mo na kanina." "No kaya." Todo tanggi ko habang todo iling pa. "I never cheated. Never naman akong napasok sa relationship." "Sabi mo eh." Sagot ko at tumalikod na sa kaniya. Pinasauli na ni maam sa amin yung mga papel na chineck namin tapos ni-record niya na rin. Pagkatapos ng klase ay lumapit kaagad sa akin si Chase. "Parang nag-uusap kayo kanina ah?" Tanong niya sa amin ni Cloud. Napatingin ako kay Cloud at ganoon din siya sa akin kaya dali-dali akong umiwas ng tingin. "Ah siya kasi yung nag-check ng papel ko tapos ako naman yung nag-check sa kaniya." "She thought I cheated." Cloud added at tumawa naman si Chase. "What's funny?" I pouted. "Nothing, you're just too cute." "Syempre crush kita eh." Sagot ko kay Chase at bigla namang umubo si Cloud at hindi ako naniniwalang hindi pekeng ubo yun. "Ilan nakuha mong score Cloud?" Chase asked. "Seventy three." "Woah, I knew it." Hindi man lang nagduda si Chase sa kaniya. I guess he's really smart. Hindi lang halata. "Ilan nakuha mo?" Tanong ko naman kay Chase. "70 over 75. Medyo nalito ako sa dulo." "Me too! Pareho tayo ng score." Tuwang-tuwa kong sabi. "Great job beautiful." "Una na ako sa bahay." Cloud said to Chase. "May last class pa." "I know, but I'm sleepy." Cloud said and left dala-dala ang bagpack niya. Sana talaga ganoon lang kadali mag-skip ng class. Hindi ako sanay at feeling ko kapag umabsent ako I will miss something very important. "Andyan na si sir." Chase said kaya nagsibalikan na kami sa kinauupuan namin. Pagkaupo ko ay napatayo rin ako agad nang may maramdaman akong kung anong matigas sa pwetan ko. It's a lollipop. Kinuha ko yun at itinago muna sa bag. Pagkatapos ng last subject ay hinatid ulit ako ni Chase sa bahay. Tumambay siya saglit sa bahay tapos umuwi na. Pinanuod ko ulit siyang mag-drive paalis at nang hindi ko na siya matanaw ay bago lang ako tumalikod para pumasok na sa loob ng bahay nang biglang sumulpot si Cloud sa harap ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat kong tanong sa kaniya. "Waiting for you." "Why?" May sasabihin ba siya? Siguradohin niya lang na importante yun. "Nothing." Seriously? "Bakit nag-iwan ka nanaman ng lollipop?" Tanong ko sa kaniya. Mukha ba akong bata? "Ah... nanliligaw ako sayo." Sagot niya na parang wala lang. "Huh? Baliw ka ba?" "Oo, 'di ba inamin ko na nakaraan." Biro niya at tumawa pa. "Baliw ka nga. Nililigawan na ako ng pinsan mo." "Hindi mo pa naman siya sinasagot" That's not what I mean, damn it. "Ganito ka ba manligaw ha? Lollipop?" Balak niya pa atang pabulokin lahat ng ngipin ko. "It reminds me of you... and your lips." He said and looked at my lips kaya naman agad kong tinakpan yung labi ko sa pag-aalalang bigla nya nanaman akong halikan. Mabuti nang safe. "Ayaw mo ba sa lollipop? Just tell me what you want. I can give it to you." Cloud said. "Ang korni mo manligaw walang effort." "What do you mean?" Tanong niya. He's obviously clueless sa panliligaw. "Gusto mo ba talaga ako?" Seryoso kong tanong sa kaniya. "Oo." Mabilis na sagot niya naman. "Edi dapat alam mo yung mga bagay na gusto ko hindi yung tinatanong mo ako. It doesn't sound sincere. Talong talo ka ni Chase." Pagpapaliwanag ko at tumahimik naman siya na para bang nag-iisip. "Okay." He answered. "Hoy! Hindi ako pumapayag na manligaw ka ah." Mabuti nang malinaw. Mamaya magalit pa sa akin si Chase for letting his cousin court me habang niligawan niya rin ako. "Hindi pa." Cloud said and left. "Hoy!" Sigaw ko pero kumaway lang siya sa akin palayo. Should I tell Chase about Cloud na? I can't deal with him so maybe Chase can. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kwarto at napatingin agad ako sa dalawang lollipop na nakalagay sa side table ko galing kay Cloud. Kinuha ko yun at humiga sa kama. I stared at the lollipops and smiled. "Para siyang bata." I chuckled. Nang ma-realize kong nakangiti ako ay nag-panic ako bigla at nag-iba ng expression ng mukha. Oh s**t, I can't be smiling right now. Tumayo ako at itinago yung dalawang lollipop sa loob ng isang drawer. Nagmamadali akong pumasok sa loob ng cr at naghubad ng damit. I think I should take a bath para mahimasmasan ako. Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako kaagad at nag apply sa balat ko ng kung ano-ano. Saktong pagkahiga ko sa kama ay may tumatawag sa akin. Kinuha ko yun at sinagot. "Hi Chase!" Masaya kong bati sa kaniya. "Ouch." Napakunot ang noo ko nang ibang boses ang marinig ko. Tiningnan ko kung sino yung tumatawag at unknown number pala yun. Akala ko si Chase kasi siya lang naman yung tumatawag sa akin palagi. "I'm sorry, sino po kayo?" Tanong ko. "I'm Cloud Dela Peña miss." "Ano nanaman?" I should save his number now para hindi ko masagot kapag nalaman kong siya yung tumatawag. "Nothing." He answered. Unti-unti na akong naiinis sa kaka nothing niya na yan ah. "Sige ibaba ko na yung ta..." "Wait!" Pagpigil niya sa akin. "What?" "Ang ganda ng langit." Sagot niya kaya bigla naman akong napatingin sa bintana ng kwarto ko. Binuksan ko yun at sumilip sa labas. Medyo madilim na at may kaunti na ring mga bituin sa langit. "Hmm ang ganda nga." "Nakatingin ka ngayon?" He asked. "Oo, ang ganda." "Titigan mo na muna." "Nakatitig ako." Kahit hindi niya sabihin ay hindi ko talaga maiwasang mapatitig sa langit. It's a beautiful welcome sight. "Ang ganda mo Luna." Cloud said. "Tingnan mo yan. Ibang pangalan nanaman ng babae yung sinasabi mo. Hindi ka talaga sincere nung sinabi mong gusto mo ako 'no?" Tatawag-tawag tapos pangalan ng ibang babae yung sasabihin. Sira ulo pala ito eh. "Miss naman, nagseselos ka kaagad. Hindi mo ba alam na ang ibig sabihin ng Luna ay moon." Sagot niya. "Alam ko." Nakalimutan ko lang. "Pati ba buwan pagseselosan mo?" I can hear him laughing from the other line. "Hindi ako nagseselos." Ang kapal naman ng mukha niya. "Talaga?" "Oo." "Okay." He answered and chuckled. Natahimik na lang ako sa hiya habang kagat-kagat pa yung kuko ko. Baka mamaya isipin niyang may gusto rin ako sa kaniya. "Ang ganda mo Dianne." Cloud said and my heart instantly started pumping triple times. Mariin akong napahawak sa dibdib ko, hoping that my heart would calm down. "Matutulog na ako Cloud." "Say it again." Halos pabulong na sabi ni Cloud. Hindi ko sigurado kung inaakit niya ba ako pero para akong naakit sa tono ng pagkakasabi niya. "Huh?" "Say it again." "Matutulog na ako Cloud?" Patanong kong pag-ulit. "Ang sarap pakinggan na binabanggit mo ang pangalan ko Dianne." This doesn't feel right. "Good night." "Good night Dianne. Sweet dreams." "Hmm." Sagot ko at mabilis na ibinaba ang tawag. Tumalon ako sa kama ko pagkatapos ay tinakpan ng unan ang ulo ko at tumili hanggang sa kaya ko. "Argh! f**k me!" What is wrong with me? Ayaw kong matulad sa ibang babae na nadadala ng mga simpleng galawan ni Cloud. Hindi pwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD