SANDY ARAW IYON NG PAGKALAP NILA NG MAKAKAIN, ilan sa mga tauhan ang bababa mula sa bundok, ang iba naman ay magha-hunting para sa iilang karne. Sa araw na iyon ay maiiwan si Sandy at ang sanggol niya kasama si Philip at dalawa o tatlong tauhan. Naisip niya na sapat na ang halos isang gulang niyang anak, siguro ay kaya na nito ang pagtakas nila. Masaya siya na malusog ito at kahit sa klase ng pamumuhay nila ay malakas ang resistensya nito. Lumaban ito hanggang huli, at hindi siya iniwan. Kung wala ang anak niya ay baka nabaliw na siya sa pagsama sa mga demonyo. Kahit napakaliit nito ay gabay ito at proteksyon niya, dahil hindi siya magalaw ng mga lalaki dahil sa anak niya at binigyan din siya ng sariling matutulugan. Palihim niyang sinisinilid ang iilang damit nila

