MILES KAKAIBA ANG ARAW NA IYON, madalas na suklayin ni Miles ang buhok niya bago pihitin ng nurse ang pinto, pinaalam sa kaniya na narito na ang bisita niya. Si Martin Palanca. Iginiya siya ng nurse sa labas, papunta sa hardin kung saan parte ng recreational area ng psychiatric hospital. Maaliwalas at tahimik ang hardin, may isang wooden bench at may mga granite tables at chairs. Nasa wooden bench si Martin, naghihintay sa kaniya. “Kamusta ka na Miles?” anito ng mapa-upo na siya sa gilid nito. “Mabuti, mas mabuti na ako ng nakaraang araw.” Tumango lang ang lalaki at pinagmasdan siya. Hindi niya alam pero nasisiyahan siya pag nasa tabi niya ito. Mas gumagaan ang loob niya. “May mga masasama ka pa rin bang panaginip?” “Wala na, unti-unti na silang nawawa

