THIRD SAGA Chains of Memories MILES “ISANG TAON NA ANG lumipas, ngunit presko pa rin sa alaala ko ang eksenang iyon. Hinahabol ng mga pulis si kuya. Akay ni kuya ang babaeng yun, madidinig ang mga putukan. Hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Yun na ang huling kita ko sa kanila. I never saw them again but in their graves.” In their graves. Tinutukoy ni Miles ang mga sunog na katawan na narekober sa eksena. Nasa puting silid si Miles. May mga pasa sa balikat niya na kagagaling lang. “Mas nakakatulog ka na ba ng maayos?” aniya ng kausap niya na isa ring nurse. “Kelan babalik si Martin?” tugon niya. “Babalik siya pag hindi mo na sinasasaktan ang sarili mo, Miles,” bulong sa kaniya ng kausap. Inilatag nito ang mga gamot sa mesa niya, na katabi ng k

